CHAPTER 20

15.3K 460 23
                                    

FIOLEE's POV

"Fiolee." tawag ng isang malamig na boses galing sa taas. Kaya nilingon ko ito at nakita ko 'yung lalaking nakaitim ngumiti siya sa'kin at unti-unting lumapat ang paa niya sa sahig na kulay pula.

Sa kanIya pala nang gagaling ang kulay pulang likidong kumalat sa buong kwarto na 'to.

Itinaas niya ang ulo niya at nakita ko si Marshall, nakangite siya sa'kin pero mabilis din na pawi 'yun dahil bigla niyang sinakmal ang balikat ko.

"Fiolee, kaunti lang. Kaunti lang parang awa mo na." hindi ako makagalaw dahil parang hinihigop niya ang lahat ng lakas ko sa katawan.

Niyakap ko na lang siya at sumandal sa balikat niya habang kagat-kagat niya ang balikat ko.

"Salamat Fiolee." parang umiikot ang paningin ko at nang lalabo.

Ang tangi nakikita ko na lang ay unti-unting nagiging kulay puti ang pulang kwartong ito kasabay ng unti-unting niyang pag lapit sa'king labi.

"Anak gising na!" Napabalikwas ako. Panaginip na naman? Parang kaduktong ng panaginip ko nung nakaraan. Si Marshall pala ang lalaking 'yun. .

"Anak kumain kana ah papasok na si mama." tumango na lang ako saka niya ko hinalikan sa noo at lumabas ng kwarto.

Hindi mawala sa isip ko 'yung na panaginipan ko. Para kasing totoo na kinagat niya ko at 'yung pakiramdam ko na nang hihina ako.

Napahawak tuloy ako sa balikat ko, ano kayang meaning ng panaginip na 'yun?

Naligo na ko at kumain.

Papasok na naman ako at makakasalamuha ang mga classmate ko at syempre 'yung dalawang makulit na 'yun. na tapos na pala ang sembreak, christmas season at new year. Okay naman 'yung bakasyon namin dahil umuwi kami ni mama sa province para doon mag celebrate kasama ang mga kapatid niya at pinsan ko.

Nung pag-uwi ko nga dito agad akong sinalubong nila Prince at Marshall eh parang ilang taon 'di nagkikita eh samantalang ka-text ko lang naman sila.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung sino ang deserving sa kanila pero hindi ko pinamamadali ang sarili ko. Mahirap man mamili dahil pantay ang effort nila at alam kong seryoso sila, kailangan talagang isa lang sa kanila ang piliin ko.

"Fiolee sinong date mo sa valentines? Si Prince ba o si Marshall hihi." pang-aasar na bungad sa'kin ni Julienne. Malapit na rin pala ang valentinis day tapos ang prom namin mga fourth year.

"Pwede both?" tatawang tawa kong sagot. Pano ba naman napakaswerte ko sa kanilang dalawa, may mga time na iniisip ko na malas din ako dahil inaaway ako ng mga fan girls nila pero may ibang kinikilig din samin.

Pero sana simpleng buhay lang 'di ba? Ayaw ko ng ganito idagdag mo pa 'yung isa mong manliligaw eh bampira.

"Pwede arbor 'yung isa neng?" pagbibiro niya at panay hampas sa'kin.

"Renta ang tawag doon hindi arbor." pagtataray ko naman.

"Sige magkano ba neng? kasi baka wala akong date sa seniors night na'tin kawawa naman ako." sabagay ang hirap ng ganun wala kang date tapos ang ganda-ganda mong maglalakad ng solo fight sa hall.

"Si Bruce?" Nag iba 'yung mukha niya na parang nang didiri. Sabay lapit naman samin ni Bruce nang nakanguso.

"Alam mo Fiolee hindi kami bagay, baka mamaya mag mukhang siyang julalay pang naglakad kami ng sabay sa walk of fame." at 'yun nagbugbugan na sila hahaha ang cute nilang tignan. Dati ganiyan lang din kami ni Marshall eh asaran lang walang iniintindi ibang problema.

"Good morning." biglang pumasok si Marshall na parang inaantok. Ano kayang problema nito?

"Good morning." bati din namin sa kaniya.

"Bro anyare? Nagpuyat ka na naman no sabi ko naman sayo wag kang mag pupyat 'di ba." sabay haplos ni Bruce sa mukha ni Marshall na nag mula ng hiyawan namin sa room

"YUCK IEWWWW." hahaha bromance ang peg.

"Tigilan mo nga ko at baka mapangas ko ang leeg mo." nagtawanan mga classmate ko pero ako kinabahan sa sinabi niya. Baka kasi pangasin niya talaga eh.

Umupo siya sa upuan niya at na tulog, anyare sa isang 'to?

Lumipas ang mga araw at naging busy kaming mga seniors para sa Seniors Night namin. Kami din ang nag ayos ng valentinis design sa stage at nag simula ng mga pakulo para sa lower year. Ilang buwan na lang gagraduate na kami at iiwan ang school na 'to. Excited ako na kinakabahan sa college, sana maging maayos ang lahat at may makakilala agad ako.

"Fiolee 3 days na lang seniors night na! Anong susuotin mo? Excited na ko." oo nga hindi pa namin napag uusapan ni mama ang susuotin ko.

"Hindi ko pa alam eh hahaha. Excited na rin ako dahil last year wala tayong prom." tumango tango siya at hinawakan ang kamay ko.

"Sana mahanap mo na ang gusto ng puso mo Fiolee good luck." parang nagnining ning ang mata niya na ewan parang baliw 'tong si Julienne.

"HAHA ikaw din neng." at niyakap ko siya, mamimiss ko rin 'tong babae na 'to pag gruamaduate ako. Bukod kay Marshall siya ang pinakaclose kong friend dito sa school. Best friend ko na ding maituturing 'tong babae na 'to dahil since first year kasama ko na siya.

Para kaming baliw dito na nag yayakapan at nag babatukan.

Uwian na at sabay kaming tatlong umuwi, lagi nila akong hinahatid sa bahay tuwing uwian kahit malayo ang mga bahay nila samin.

"Fiolee ako ang date mo sa seniors night ah." sabay hawak ni Prince sa kamay ko na hinila naman ni Marshall. Aray ha mapuputol ang kamay ko sa mga pinaggagawa nila eh.

"Ako kaya ang date ni Fiolee 'di ba?" Saka niya pinakita samin ni Prince ang pinakamalawak niyang ngiti kitang kita ang pangil ni ungas.

"Pffft HAHAHAHA." tawa na lang kami ng tawa ni Prince dahil mukha siyang aso eh. HAHAHA 'yung asong ngumiti at labas lahat ng pangil hahaha

"Bakit niyo ko pinag tatawanan?" ngumuso siya at nag cross arm. Aww ang cute ni Marshall pag nagtatampo.

"Labas kasi lahat ng pangil mo pre." tumango tango ako.

"Tsk, at least maputi ngipen ko eh kayo? Kulay dilaw!" Binatukan ko siya. Kapal ng mukha ninto!

"Kapal mo oy." tumatawa lang si Prince.

At nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Sana ganito na lang kami parati, 'yung masaya at walang iniisip kundi asaran. Sana walang ibang mangyaring masama.

Sana wala. 

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon