CHAPTER 46

7.5K 261 6
                                    

FIOLEE's POV

Naglalakad ako sa hallway nANg makita ko si Julienne na tumatakbo at nag sisigaw sa hallway.

Pagkakita ko palang sa kaniya napasigaw na rin ako at tumakbo papunta sa kaniya para yakapin siya.

"BHESS!"

"BHESS!" Sigaw namin dalawa nung nagkayakap na kami. Maraming tao ang nakatingin sa'min at pinag-uusapan kami.

Pake ba nila eh masaya kami.

"Hindi mo sinabi dito ka rin mag-aaral!" Hawak niya ang magkabila kong balikat at panay ang yugyog sa'kin.

"Hindi ko rin alam bhess AHHH kaloka andito ka!" Nag yakap ulit kami at nagtatatalon doon.

Accounting pala ang kinuha niya kaso dapat daw hindi siya dito mag eenroll kaso lahat ng gusto niyang university ay puno na.

At same time iba daw ang mga course na resulta ng exam niya kaya iyon naghanap siya ng iba at ito ang nahanap niya.

"Grabe bhess same pa tayo ng schedule," sabi niya at inaya ako papuntang canteen, maaga pa kasi at may thirty mins pa kami para mag chikahan kaya naman nagpasama siya sa'kin sa dahil hindi pa daw siya nag uumagahan.

Nagkwentuhan kami doon tungkol sa lahat ng nangyari nung bakasyon, wala daw siyang kasama simula pa nung pasukan at nung enrollemnet.

Si Bruce daw kasi sa ibang university nag aaral at nagte-take ng course na Marine kaya 'yun wala daw syabg kasama.

"Dito ba siya sa Manila nag-aaral?" Tumango tango siya habang iniinum 'yung gatas niya.

"Teh ikaw may kaclose kana sa room niyo?" Ngumti ako at tumango, swerte ko talaga at kasama ko sila Shun at Reyly sa room.

"Si Shun dito rin nag aaral saka si Reyly, mamaya papakilala ko sila sayo." nag-isip siya saglit at kinain naman 'yung tinapay niya.

"Hmm 'yung lalaking maputla na parang si Marshall?" Tumango ulit ako.

"Swerte mo bhess ako nganga eh, sama ako sa inyo mamaya ah doon ako sa kabilang building tapat ng mga Nursing,"

"Sige pupuntahan kita doon."

Nag hiwalay na kami dahil time na, same routine kami araw-araw papasok, mag aaral kakain at iba pa. Minsan nakakatamad at nakakasawa pero college na kami ganito talaga sabi nila mas mahirap at puro pag aaral wala na syadong gimik at iba pa.

Buti na lang kamo at this coming july may Acquaintance party sa school para new comers na katulad namin, formal 'to at ang motif ay blue and black.

So lahat ng mga boys nakablack at girls naman ay all blue, excited kami nila Julienne at Reyly sa event na 'to. Nag kakilala na rin pala sila at 'to kami parang hindi na mapaghihiwalay, madali namin naging kaclose si Reyly dahil din sa kalog na ugali niya katulad namin, kaso minsan parang nasasaktan ako pag naglilihim kami kay Julienne hindi niya kasi alam na bampira kami natatakot ako na pag inamin ko sa kaniya baka matakot siya at layuan ako hindi katulad ni Prince na nasa tabi pa rin namin.

"Tara na?" Kinuha ni Marshall 'yung pouch ko at sabay kaming bumaba para pumunta sa event.

Doon na kami nag ayos dahil wala naman maghahatid sa'min at nakakahiya kung naka gown akong pumara ng taxi at pumila sa pilahan doon sa labas.

Baka pag dating ko sa party haggard na ko at lusaw na ang make-up ko.

❦❦❦

"Wuy Marshall matutunaw 'yan," sabi ni Jonas kay Marshall na nakatulala sa'kin, nahiya naman ako kaya napayuko ako.

"Hahaha pasensya na, Fiolee nag mukha kang babae ngayon." nag pantig ang tenga ko at sinakal si Marshall, akala ko naman pupurihin niya ko.

"Joke lang 'to naman!" Nag tawanan sila sa inasal naming dalawa at pinag-aasar kami.

Sa table na 'to lima kami, si Prince si Juleinne, si Reyly ako at si Marshall sa katabi naman naming table ay andoon 'yung apat na itlog at ang prinsesang si Angelo.

Nag simula na ang party at nag sayawan na sila, naalala ko tuloy nung seniors night namin, hindi ko man lang na sayaw ng maayos si Marshall at nung time na 'yun naghihingalo pa ko muli tuloy bumalik sa'kin 'yung takot na naramdamn ko nung mga oras na 'yun.

"Fiolee ayos ka lang?" Napatingin ako kay Marshall at ngumiti ako dito para matanggal ang pag-aalala niya.

"Ah oo ayos lang." lumapit siya sa'kin at pinitik ang noo ko.

"Hindi ko na hahayaang mangyari ulit yon, hinding hindi." siya naman ang nagbigay ng napakatamis na ngiti sa'kin, napaiyak naman sa ginawa niya.

"Waaah Marshall mahal na mahal kita! Ako lang isasayaw mo ah," sabi ko at niyakap ko ang braso niya.

"Oo naman haha ikaw pa eh ang ganda-ganda mo kaya ang daming tumitingin ditong lalaki kaya dapat tanggihan mo sila." tumango ako at tumingin sa kaniya.

"Pero Fiolee isayaw mo si Prince," sabi niya sa'kin at tumingin kay Prince na kasayaw si Reyly.

"Huh?" Nasabi ko na lang, dati kasi nakikipag-away pa siya kay Prince para lang siya ang maisayaw ko.

"Basta isayaw mo siya." Tamungo na lang ako kay Marshall at pinag masdan namin sumayaw sila Prince at Reyly.

Nakakatuwa nga sila eh, halatang nahihiya si Reyly at si Prince naman panay ang kwento dito, sa totoo lang bagay sila dahil na rin sa nagkakaintindihan sila sa mga gusto nila at higit sa lahat mukhang mahal talaga ni Reyly si Prince.

Ano bang mangyayari sa'kin kung si Prince ang pinili ko?

Sasaya rin ba ako katulad ng sayang mayroon ako ngayon?

Kuntento na ko kay Marshall. 

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now