CHAPTER 23

11.3K 416 10
                                    

FIOLEE's POV

Inaya akong isayaw ng lalaking 'to ngayon, maputi siya katulad ni Marshall, matangkad at palangite. Kahit sumasakit na ng sobra ang paa ko eh, nakakahiya namang tanggihan ang maamong mukha ng lalaki na 'to.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya. Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at sinabi ang panagalan niya.

"Renz. Eh ikaw magandang binibini?" Nilapit niya pa ang mukha niya sa bandang leeg ko kaya kinulabutan ako. Malakas kasi masyado ang music kaya hindi kami mag karinigan.

"Fiolee." ngumiti siya at and next thing na lang na alam ko ay nang lalabo ang mata ko.

"Fiolee magandang pangalan. pero ikaw ang kabayaran sa kasalanan ni Marshall Fiolee." unti-unting nang lambot ang mga tuhod ko at nanghihina dahil kinagat niya ang leeg ko ng sobrang diin. Bawat minuto nararamdaman ko na hinihigop niya ang dugo ko.

"Kasalanan ng lahi nila Marshall 'to. Kaya sila ang sisihin mo." at 'yun naging madilim na ang buong paligid at tanging naririnig ko na lang ay ang malakas na hiyawan ng mga istudyante.

❦❦❦

Hmmm, ang sakit ng katawan ko, na saan ba ko? Buhay pa ba ko?

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang kulay pulang kwarto. Pinilit kong tumayo pero nakagapos pala ang mga kamay at paa ko sa gilid ng bawat istante ng kama.

Tinignan ko ang bawat sulok ng kwarto pero kahit anong gamit na makakatulong sa'kin dito lumabas ay wala akong makita.

Pano ba ko na punta dito? Anong gagawin ko?

"Gising na pala ang bisita ko." nakita ko 'yung Renz na papasok ng kwarto na may hawak na patalim, martilyo at iba pang nakakatakot na bagay na tingin ko gagamitin niya para makasakit sa'kin.

Nangangatog ako sa takot at pwede 'yang gawin sa'kin. Pero pinakita ko pa ring matapang ako at hindi ako natatakot sa kaniya.

"Anong kailangan mo sa'kin?" Tumawa siya ng malakas na halos umeko sa buong kwarto.

"Hindi sayo. Kundi kay Marshall at James." inilapag niya 'yung mga gamit at lumapit sa'kin.

"Sayang ka napakaganda mo pa naman." hinawakan niya ko sa mukha ng sobrang higpit.

"Bitawan mo ko!" Saka ko siya dinuraan sa mukha kaya niya ko sinampal ng napakalakas. Pakiramdam ko mahihiwalay ang ulo ko sa'king katawan.

"Napakatapang mo naman, eh wala ka namang laban." iginala niya ang mata niya sa buong katawan ko kaya kinilabutan ako.

"Sayang ka kung papatayin agad kita." hinawakan niya ang binti ko kaya dito na ko nag histerikal.

"Bitawan mo ko! AAAAH Marshall! Prince!" Tumawa siya ng tumawa.

"Wag mong ubusin ang boses mo kakasigaw, baka hindi kana makasigaw mamaya paghinataw ko 'yang ulo mo ng martilyo." napa-iyak na ko hindi ko na kaya 'to. Natatakot na ko! ma na saan kana? Ma!

"'Yan tumahimik ka lang." umupo siya sa gilid ng kama at pinunasan ang mga luha ko.

"Wag ka munang umiyak dahil 'tong ikukukwento ko ay mas nakakaiyak." nang gagalaiti akong tumingin sa kaniya.

"Alam mo bang namatay ang mga magulang ko dahil sa Jazon at James Perez na 'yan?" Nang gigigil pa rin ako sa kaniya pero wala akong magawa.

"Ang ama ko ay naging battler ng ama ni Marshall na si Jazon, at alam mo bang naging matalik silang magkaibigan pero parang laruan lang nilang hinayaang mamatay ang ama ko ng may sumugod ng ibang lahi sa mansion nila." napatitig ako sa sa kaniya.

"Kinitil ang buhay ng ama ko at kami naman ng nanay ko ay tuluyang nakuha ng mga kaaway at ginahasa siya bago patayin. Samantalang ako ay ikinulong nila at pinalaki bilang alipin. Hindi mo alam kung gaano kahirap makita ang nanay mo na naghihirap. Mortal lang siya! Wala siyang kalaban laban habang ginagawan siya ng kahalayan at pagkatapos nun ay inubos ang bawat dugong mayroon siya sa katawan." Napaikom ang kamao niya. Kitang kita ko sa mata niya ang sakit.

"At ang masakit pa doon? Naging magulang ko ang mga taong mismong humalay at pumatay sa magulang ko. Wala akong magawa kundi ang sundin at tanggapin sila dahil sila na lang ang malalapitan ko." nangingilid na ang mga luha niya sa mata.

"Kaya ngayon gagantihan ko ang pamilya nila, ipaparamdam ko sa kanila kung gano kasakit ang makita ang minamahal nila na pinapahirapan." pagtaas ng ulo niya ay lumabas ang mapupulang kulay dugo niyang mata at matatalim na pangil.

"Ikaw ang uunahingkong kabayaran Fiolee"

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now