CHAPTER 31

9.9K 368 14
                                    

MARSHALL's POV


"Pano ko ba mahahanap 'yun?" Bulong ko sa sarili ko habang patuloy ang paglalakad papuntang park.

Sigurado naman ako na hindi na sila pupunta dito eh kaso baka makahanap ako ng bagay na pwede kong malaman kung na saan sila.

Pero wala kahit isa, miske ang amoy nila sa hangin ay mahirap malaman dahil simula't sapul si Fiolee lang naman ang nakakita at naka enkwentro nila.

"Saan ba ko magsisimula?" Umakyat ako ng puno doon sa liblib na parte ng park.

Iniangat ko ang katawan ko sa hangin, tama natutunan ko nang lumipad kaya baka mahanap ko sila dito sa taas.

Patago akong nagmasinid sa bawat puno, lahat ng mga kakaibang kinikilos ay sinusundan ko.

Iba't ibang mag nanakaw na rin ang nabuko ko at nauubos na ang oras ko sa mga hinayupak na 'to.

Kada iskinita kasi ay may nasasagupa akong laban, akala ko sila na pero pagtinatanong ko kung may nanakaw ba silang kwintas ang sagot nila ay wala. Lahat ng bag at bulsa nila hinalughog ko na pero puro pera at gold na alahas ang nandoon.

Sino ba kasing hudas ang nag nakaw nun?

Napabuntong hininga ako habang naglalakad sa bayan, matao dito kaya naisip ko na baka dito sumalakay ang mga magnanakaw.

Nag lakad-lakad ako habang nasa magkabilang bulsa ko ang kamay ko. Madaming tao ngayon dahil bakasyon at isa pa masaya mag gala dito pag gabi dahil madaming magagandang store ang nagbubukas ng ganitong oras lamang.

Napatingin ako sa isang restaurant, sa side window nakita ko ang isang lalaki naka leader jacket at mukhang may inaantay siya. Panay din ang pindot at check niya sa cellphone niya.

Umupo ako sa katapat na bench ng restaurant na 'yun para magpahinga. Napatingin ulit ako doon sa lalaking matangkad at may kalakihan ang katawan mukhang naiinip na siya kakahintay. Baka ininjan ng syota niya.

"Tsk kawawa naman." tumunog ang bell na nakasabit sa pintuan ng restaurant at nakita kong padabog na lumabas 'yung lalaki.

Pagkalabas niya sinalubong siya ng grupo ng mga kalalakihan na mukhang gangster? Narinig ko ang usapan nila kahit malayo sila at malalakas ang mga tugtog dito sa labas.

"Ano pre wala pa din? Putcha nag nakaw kana't lahat ng kwintas wala pa din? Hahaha effort nga naman." tumawa 'yung lalaki sabay hampas doon sa isang lalaki.

"P*ta 'yung babae na 'yun! Pagkatapos ko ibigay lahat sa kaniya iiwan niya lang ako? Hayop mag sama sila ng lalaki niya!" ngumisi ang isa nilang kasama.

"Tama 'yan dude, mas mabuti pa akin na 'yung kwintas at ibebenta ko para may pang-inum tayo." kinuha naman nung lalaki sa bulsa niya ang isang kwintas at laking gulat ko ng makita ko iyon.

Mga uhugin 'tong lalaki na 'to siya lang pala ang hudas na nag paiyak sa Fiolee ko!

Naglakad sila papuntang iskinita at sinundan ko sila hanggang sa makalayo na kami sa maraming tao.

"Hoy mga musmos!" Sigaw ko sa kanina kaya nag silingunan sila na nakakunot ang noo.

"Sinong tinatawag mong mumos bata?" Napangiti ako, matagal tagal na rin ng nakipagsuntukan ako sa kalye mukha masaya 'to.

"Kayo! sino pa ba ang mga mukhang batang uhugin dito? Kayo lang naman." napabuntong hininga 'yung lalaking iniwan ng syota niya.

"Gag* ka ba? sa'tin ikaw ang musmos bata!" Lumapit ako sa kanila.

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now