CHAPTER 60

5.6K 224 16
                                    

MARSHALL's POV

Ilang buwan na ba ang lumipas ng maganap ang pangyayari na 'yun? Tatlo? Apat? 'di ko alam. Pero ang alam ko lang ay wala na kong gana sa buhay ko, paulit ulit akong bumabalik sa bahay nila Fiolee at iniintay kung may babalikan ba sila sa lugar na 'yun para may pagkakataon pa kong kausapin siya pero sa araw-araw kong pag punta doon wala ni anino nila.

Na tanong ko rin sa admin sa school namin na nag credits na daw si Fiolee at wala silang alam kung saan ito lumipat ng school, kahit anong bagay o paraan para mahanap ko siya ay wala na. Hindi naman sa wala na kong pag-asa na baka sakaling bumalik siya dito sa unit namin at sabing miss niya na ko pero wala talaga eh, Ni text o tawag wala, blinock niya pa ko sa facebook at lahat ng social media site.

Iniisip ko nga kung ganito na lang ba ako kadaling sususko sa pag iintay sa kaniya? Sa paghahanap ko sa kaniya? Pero kada araw na wala akong nakukuhang impormasyon kung na saan siya unti-unti rin nitong pinapatay ang pag-asa kong makita siya.

Miske sila lolo James tumutulog din pero isang salita lang ang iniwan niya sa'kin 'Ang taong gustong lumayo ay mahirap talagang hanapin' minsan iniisp ko tama ba sila? Hayaan ko na lang ba na lumayo siya? Hahayaan ko na lang ba na iwan niya ko? Pero kahit anong pag sangayon ng utak ko sa mga sinasabi nila ay iyon namang pagtanggi ng puso ko gusto nila. Hindi kaya ng puso kong kalimutan at hayaan siyang lumayo sa'kin.

"Marshall." napaangat ang ulo ko ng marinig ko na may tumatawag sa'kin, si Julienne 'to. Ngumiti siya sa'kin at tinapik ang balikat ko saka umupo sa tabi ko.

"Ayos lang 'yan." napapaluha na naman ako dahil bumabalik na naman 'yung pangyayari na 'yun. Simula rin nung araw bago ang birthday ko lahat sila ay takot na sa'kin, parang may sakit akong nakakahawa na bawal lapitan o kausapin. 'yung masaya naming tropa ay mabilis ding na wala, hindi na nila ako kinakausap dahil sa nalaman nila pero alam kong na awa sila sa'kin dahil sa pagkawala ni Fiolee.

Nawalan na rin ako ng gana mag-aral at pumasok, na walan na ko kumain at na walan na ko ng ganang mabuhay.
'Yung taong inaasahan kong hindi ako iiwan ay bigla na lang na wala na parang bula, utimong mga pangarap namin sabay binuo ganun din kabilis gumuho. Nakakainis, minsan iniisip ko rin kung dapat ko bang sisihin ang mga magulang ko sa nangyayari sa'kin ngayon. Kung ano ako ngayon ay isang sumpa, sumpang wala nang kagamutan. Akala ko tanggap ko na ang pagkatao ko, na kaya ko nang mabuhay ng ganito pero mali ako. Kinamumuhian ko kung ano ako at kung sino ako ngayon, naiinis ako bakit sa'kin pa nangyari 'to.

Napaiyak na ko ng tuluyan.

"Tahan na Marshall." sangayon si Julienne lang ang nakakausap ko, dahil maging si Prince ay kinamumuhian din ang sarili niya ngayon, parang inis na inis siya sa sarili niya pero alam kong sinusubukan niyang tanggapin ito para kay Reyly. Sino ba naman ang may gusto ng sumpang ito? Dahil dito na damay ang lahat-lahat, si Fiolee si Prince lahat sila na damay sa sumpang 'to.

Nakakainis maging bampira dapat pala hindi ko na lang tinggap sa sarili ko 'to.

Tumayo na ko at pinunasan ang luha ko.

"Salamat Julienne aalis na ko." tumayo na rin siya.

"'Di ka ulit papasok?" Umiling ako.

"Wala rin namang pumapasok sa utak ko at hindi ako makapagluto ng maayos kapag naiisip ko ang nangyayari sa'kin ngayon"

"Pero sana kumain ka man lang din." umiling ako at ngumiti.

"Sige 'di ako gutom, una na ko." naglakad na ko papalayo at lumabas ng campus.

Ngayon 'di ko alam kung saan ako pupunta, basta ang gusto ko lang ay makita si Fiolee, ang mahanap siya at mayakap ulit siya. Kahit saan basta makita ko lang siya.

Pero katulad ng inaasahan ko bigo na naman ako sa paghahanap sa kaniya wala pa rin akong mahanap na impormasyon kung na saan sila.

Wala pa rin.

Lumipas na naman ang mga araw, linggo at buwan pero wala pa ding Fiolee na nagpapakita sa'kin, kaya ito ako ngayon nagpapakalunod sa pag inum.

"Yow Marshall nakaka apat ka ng bote ah kaya mo pa?" sabi ng mga hudas na 'to kaya ngumiti ako saka ako pumunta sa pintuan.

"Oo naman, 'di pa naman ako lasing, sa katotohanan nga mas gusto ko pa ang mga dugo niyo kesa sa alak na 'to." tinaas ko ang bote na hawak ko.

"Akala ko ba ito na ang pinakamahal na alak na mayroon kayo?" Tanong ko sa mga kasama ko na nakilala ko lang kanina dito sa sugalan.

"Pinagsasabi mo dude? Galing pa 'yan sa italy at 'yan ang isa sa pinaka classic na beer na mayroon kami. Kaya wag kong sabihing ayaw mo n'yan?" ngumiti ako habang nakatungo.

"Pero mas iba ang lasa ng dugo, mas masarap iyon." hinagis ko ang bote saka ko inatake ang mga leeg nila isa-isa. Nagkalat ang dugo sa sahig at idiniin ko pa ang ngipen ko sa bawat pulso nila.

Wala akong paki alam kung nakapatay ako, tutal wala na rin namang silbi ang buhay ko, isa na lang itong patapon na buhay.

"Ma-marsh-all." napatingin ako sa lalaking nakabulagta sa sahig.

"Nahinga ka pa pala?" Lumapit ako at umupo sa harap niya saka kinuha ang sigarilyo sa bulsa ko.

"Ha-hali-ma-maw ka." napatigil ako sa pagsindi sa sigarilyo ko, saka ko tinadyakan ang mukha niya para madurog ito.

Tumayo na ko at iniwan ang lugar na yon, saka ako nakarinig ng serena ng mga pulis.

Naglakad ako papalayo sa lugar na 'yun at pumunta sa park,binuga ko ang usok mula sa bibig ko at tumingala.

"Halimaw?" Totooiyon at wala na kong magagawa tungkol dun. 

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now