CHAPTER 15

15.3K 540 30
                                    

MARSHALL's POV

Mula dito sa kinatatayuan ko, kitang kita ko kung pano tumulo 'yung luha ni Fiolee at agad siyang tumakbo palabas ng court. Gustuhin ko man siyang habulin hindi ako makaalis dito sa stage dahil awarding na.

Gaya ng inaasahan ko mananalo ako kay Prince, oo na talo ko siya pero panalo naman siya sa puso ng babaeng gusto ko. Ang sakit lang kasi kahit napaka daming sumusuporta sa'kin, 'yung nag-iisang babae na gusto ko ni hindi man lang na isigaw ang pangalan ko.

Natapos ang awarding. Hinanap ko siya sa pamamagitan ng mang-amoy ko at 'yun nakita ko siya kasama si Prince at na iyak sa garden. Nakayuko siya at yakap-yakap ang mga binti niya, habang si Prince ay yakap siya. .

Nag dilim ang paningin ko at sinugod ko si Prince. Hinila ko ang kwelyo niya at sinuntok siya sa mukha. Dahil sa hindi na ko normal ay na puruhan ko agad ang mukha niya na dahilan para mag dugo ang ilong nito. Napaupo siya at hawak ang mukha niya samantalang si Fiolee ay nakatingin sa'kin ng masama.

"Marshall! Ano na namang ginawa mo? bakit ba? ano bang problema mo ha?" Nilapitan niya si Prince at inalalayan 'to. Kitang kita ko 'yung galit niya sa mga mata niya. Parang hindi ko kaya siyang tignan mata sa mata kaya iniwasan ko siya ng tingin. Hindi ko din alam bakit ko ginawa 'yun, Nag seselos ba ko? Oo tama iyon ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko silang masayang mag kasama. Naiingit ako kay Prince dahil 'yung babaeng gusto ko ay siya ang gusto.

"Marshall, na amin mo na ba sa sarili mo?" Napatingin ako kay Prince na nakangiti sa'kin, kahit basag na 'yung ilong niya nakakangiti pa rin siya. Ano ba 'tong tao na to? nangaasar?

Tinignan ko lang siya na seryoso nang nakatingin sa'kin.

"Aminin mo na, gusto mo si Fiolee tama? kaya pre ang akin lang idaan natin 'to sa dwelo." idinuwa niya 'yung mga dugo na nasa bibig niya.

Ano daw? dwelo? dwelo na ang premyo ay ang puso ni Fiolee.

"Sige kung 'yan ang gusto mo Prince." lumapit ako sa kaniya at inilahad ang kamay ko na agad niya namang tinanggap. Kaya nga siguro siya na gustuhan ni Fiolee dahil sa ugali niya na kahit sino ay mahuhulog dito. Masyado siyang mabait at pantay sa kahit kanino. Ngayon hinahamon niya ko para kay Fiolee. Kahit alam kong talo ako dahil siya ang matagal nang gusto ay lalaban pa rin ako. Lalaban ako kahit na anong mangyari kahit masakit pa sa huli. Dahil ang nakataya dito ay ang babaeng mahal ko.

"Teka! anong pinag sasabi niyo?" naguguluhang tanong ni Fiolee, halata sa kaniya na 'di niya maintindihan ang pinag uusapan namin.

"Fiolee, I will court you no matter what." tapos hinawakan niya ang kamay ni Fiolee, aba kanina pa siya ah!

"Ako rin Fiolee! Hindi ako papatalo sa Prinsepeng 'yan!" tapos inagaw at niyakap ko si Fiolee ng mahigpit sabay tingin kay Prince ng masama.

"Teka pre madaya ka naman eh." wala akong pake kanina niya pa yakap 'tong si Fiolee eh nakakadami na siya dapat ako din! Hindi na siya pantay pag chinansingan niya pa ang mahal ko.

"Te-teka m-a-Marshall ano b-a ka-kasi ang nang-ya-yari?" humiwalay ako sa kaniya at harap harapan kong ipinagtapat sa kaniya na.

"Fiolee! mahal kita at gusto kong maging tayo na ngayon na!" halos mahimatay ako sa sinabi ko kasi para akong nabunutan ng malaking tinik sa puso ko. Tama nga ang hinala ko sa sarili ko. Mahal ko na 'tong babaeng 'to.

"Ah eh te-teka ma-mar-shall." namumula siya na parang ewan na 'di mapakali sabay hawak naman sa kamay niya ni Prince at lumuhod 'to na parang mag popropose.

"Fiolee, pangako ko pag naging tayo ikaw ang magiging prinsesa dito sa puso ko." hinalikan niya ang kamay ni Fiolee at dumoble ang pula ng mukha ni Fiolee. Natameme siya at parang hindi alam ang dapat niyang gawin.

Nainis naman ako kay Prince dahil wala sa usapan na may pick-up lines! madaya siya! binabawi ko na hindi siya patas lumaban!

"Hoy hoy hoy teka-teka walang halik-halik sa kamay Prince madaya ka." saka ko inagaw 'yung kamay ni Fiolee at pinunasan 'to.

"Ikaw din Marshall wala sa usapang ang yakapan dito." nagbabangayan na kaming dalawa! Sobra naman kasi siya! Iba na ang halik sa yakap! Nakakailan na siya napakadaya niya wala sa usapan ang mga ganun! tapos may pick-up lines pa siya? Wala man lang pasabi na may banat pala siya hindi man lang ako nakapaghanda!

"Teka nga may sinabi ba kong pumapayag akong magpaliwagaw sa inyo?" sabay kaming natameme ni Prince saglit at.

"Wala rin kaming paki alam kung pumayag ka manahimik ka d'yan!" hiway ko

"tama-tama." sangayon ni Prince. At bumalik ulit kami sa bangayan dahil hindi niya talaga ako in-inform na may pick-up lines pala! Nakaw dapat mag ipon na ko ng mga banat ko baka sa susunod may baon pala siya bigla na lang siyang dumiskarte dito kay Fiolee ko.

"Madaya ka!"

"Manyakis ka!"

"May pa Pick-up pick-up ka pa!"

"May payakap yakap ka pa!"

"Ikaw nga may paluhod luhod pang nalalaman eh!"

*Sniff sniff*

"Mang aagaw na una ako!"

"Inaya mo ko sa dwelo! kasalanan ko?"

"Pwde bang tumigil na kayo! Mga baliw kayo pareho!" Kapwa kami na gulat kay Fiolee dahil na iyak na pala siya at galit na galit saming dalawa.

Mabilis siyang tumakbo at para kaming na bato sa kinatatayuan namin nitong si Prince dahil ng mag laho na siya sa paningin namin doon lang namin siya hinabol.

Ano ba 'tong pinag gagawa namin?

❦❦❦

"Fiolee sorry na." sigaw ko sa pintuan nila, andito kami sa harap ng bahay nila at walang humpay na nag sosorry sa kaniya pero walang ni isang tao ang lumabas, Miske si tita Fionna hindi na labas.

"Sorry my Princess, I didn't mean it! Masyado lang ako na dala sa mga masasamang salita ni Marsfhall!" sigaw ni Prince.

"Oo tama nadala lang---" napatingin ako kay Prince at ngumiti lang 'to sa'kin.

"Anong sabi mo Prince? ako pa ngayon ah! eh ikaw nga 'tong pumipick-up 'di man lang sinabi sa'kin na may banatan pala!"

"Kusang lumabas sa bibig ko 'yun bro dahil 'yun ang sinisigaw ng puso ko." aba makata siyang masyado ah!

"Wala! masyado kang epal Prince bigte kana!" Kokonyatan ko 'tong isa!

"Pasensya na pero 'di ako marunong mandaya---"

"Umalis kayo d'yan sa baba ng bahay namin kung ayaw niyong mabuhusan ng malamig na tubig mga hinayupak kayo!" Napalingon kami ni Prince sa taas at andoon si Fiolee maga ang mata na may hawak na planggana.

"Fiolee sorry na!"

"Fiolee 'di ko sinasadya! Fiolee!" Binuhusan niya kami ng malamig na tubig at agad sinara ang bintana.

Nilamig kaming dalawa dito ni Prince at mukhang mga basang sisiw pero wala pa ding na bitaw samin. Hanggang sa nag Alos onse na ng gabi at dumating na si tita Fionna galing trabaho niya. Kaya pala kanina pa siya 'di na labas ng bahay eh dahil late na siyang umuwi galing sa trabaho.

Agad akong humingi ng tulong at awa sa kaniya na agad namang kumagat. Pinapasok niya kami sa bahay nila at pinaliwanag namin lahat-lahat ng nangyari. At ang sabi niya?

"Ang cute niyo namang mga kabataan ngayon hihi, hayaan niyo kakausapin ko siya pag humupa na ang bagyo sa ulo niya. Sa ngayon umuwi muna kayo at mag pahinga. Baka sipunin pa kayo sa ginagawa niyong n'yan." naglakad na siya pataas ng hagdan at kami 'yun umuwing luhaan.

Ngayon alam na alam ko na 'yung tunay na nararamdaman ko para sa kaniya, hindi pag-ibig sa kapatid o kaibigan. Kundi pag-ibig sa taong nais mong makasama habang buhay.    

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now