CHAPTER 24

13.3K 460 54
                                    

MARSHALL's POV

Paikot-ikot ako sa sala habang nag iintay ng balita sa mga kasamahan namin sa paghahanap kay Fiolee.

Pinatawag ni lolo ang lahat ng mga kakilala at kalapit naming bampira para tumulong at na ikwento niya na rin kung sino ang lalaking dumukot kay Fiolee base sa paglalarawan namin ni Prince.

Ayun sa kaniya, anak iyon ng dati nilang kasambahay at buttler ni papa. Matalik na mag kaibigan ang ama ko at ama niya pero dahil ang trabaho ng ama niya ay protektahan ang ama ko eh, binuwis ng ama nya ang buhay nito para kay papa.

Mortal ang ina niya at bampira ang ama nito, sa kanila na rin tumira ang kamag-anak ngunit hindi nila na gawang ipagtanggol ang pamilya niya dahil din sa may iba silang mahalagang inuna. Ngunit ng ililigta na daw nila lolo James ang ina nya ay huli na, tinangka nilang siyang bawiin pero siya na mismo ang umayaw dito.

"Apo umupo ka muna ako ang nahihilo sayo eh " napasuntok ako sa pader.

"Bakit hindi ko nahalata agad lo? Bakit hindi ko man lang na amoy o nalaman na may kakaiba na palang balak ang lalaki na 'yun?" Nasabunutan ko ang sarili ko sa inis.

"Napaka tanga ko!" Tinapik ako ni lolo sa balikat.

"Kalahating bampira siya marshall, at mas malakas ang dugong na nananalaytay sa kaniya bilang isang tao kaya hindi mo agad nalaman na bampira siya." Kahit na naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung ayos pa ba si Fiolee ngayon o ano na ang nangyayari sa kaniya ay pinili ko maghintay sa balita ng mga tauhan ni lolo.

"Pag na kita ko talaga ang lalaki na 'yun papatayin ko siya pag may ginawa siyang masama kay Fiolee" hindi na rin nakatiis si Prince at naglakad siya patungo sa pintuan.

"Aalis ako, hahanapin ko si Fiolee." biglang hinawakan at pinigilan sya ni lolo James.

"Walang aalis dito, lalo na ikaw mortal. Hayaan mo na kaming mag hanap sa kaniya." pumalag si Prince at tinabig ang kamay ng lolo ko.

"Hindi ko matiis tumunganga lang dito! Aalis ako!" Umiling si lolo at mukha na siyang seryoso.

"Ayoko nang may madamay pang ibang mortal dito. Kaya ikaw Prince mag intay ka dito " lumingon siya tinawag si Lenalie.

"Lenalie samahan mo si Prince sa isang kwarto at bantayan siya " tumango si Lenalie at inakay si Prince paakyat ng hagdan. Wala nang nagawa si Prince at umakyat na lang sa taas.

Maya-maya pa ay tumawag na ang mga tauhan ni lolo, nalaman na nila kung na saan si Fiolee, agad din naman kaming sumugod sa lugar na 'yun.

Kinakabahan ako, Fiolee intayin mo ko d'yan maging matatag ka. Papunta na ko ....

FIOLEE's POV

Sobrang sakit na ng katawan ko, tama na parang awa mo na....

"Oy wag kang matutulog ! Intayin mo si Marshall," sabi ng demonyong nasa harap ko pagkatapos niya bunutin ang lahat ng kuko ko sa kamay.

"Patayin mo na ko," ngumise siya sa'kin at tumawa . Demonyo talaga siya.

"Mamaya na ipapatikim ko pa sayo ang langit." at hinawakan niya ang mukha ko, nilapit niya ang mukha niya at tangkang hahalikan ako pero hindi ako makakapayag na babuyin pa niya ako! Kahit nang hihina ako ay pinilit kong bumuwelo at ihinampas ko ang mismong noo ko sa ulo niya. Pareho kaming na hilo at nag dugo ang ilong niya. Napangite ako.. sa wakas na saktan ko rin siya.

"Ang kapal ng mukha mong sugatan ako!" Sinampal niya ko at kinagat niya ang kabilang leeg ko. Ito na naman 'yung pakiramdam kong mauubusan ako ng dugo.

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now