CHAPTER 25

12K 425 17
                                    

PRINCE's POV

"Anong nangyari sa anak ko!" Panay ang iyak ni tita Fionna habang yakap-yakap ang malamig na bangkay ng anak niya na nakahiga sa isa sa mga kwarto dito sa mansion.

"Fiolee anak! Huhuhu." niyuyogyog niya si Fiolee na parang magigising pa 'to.

Puno nang kagat, pasa at sugat ang katawan niya. Basag ang buto niya sa tuhod at walang mga kuko ang bawat daliri niya sa paa at kamay. Sobrang hirap na makita siya sa sitwasyon na 'to. If only I have a time machine to save her, I will back to that time.

I will. .

Pero wala na, isa na lang siyang malamig na bangkay, 'yung prinsesa ko wala na. .

Unti-unti na namang tumutulo ang mga luha ko at hindi ko na mapigilan ang mga 'to. Ayos lang sa'kin kung si Marshall ang mahal niya at hindi ako. Pero sana kasama ko pa rin siya dito. Hindi ko kayang mawala siya!

"Anak! Gising na nagluto si mama ng paborito mong ulam anak." hinaplos niya 'yung mukha ni Fiolee na mukhang nahihimbibg lang. Halos lahat kami ay madurog ang puso sa nakikita naming paghihirap ng ina sa namatay niyang anak.

"Nak. Please wake up." humagolgol na si tita Fionna. Damang dama ko 'yung sakit na nararanasan niya ngayon.

"Tita Im sorry," sabi ni Marshall at lumapit dito, niyakap niya ng mahigpit si tita at lalong umiyak ito.

Wala na siyang makakasama sa buhay dahil ang kaisa-isa niyang anak ay namatay na. Ang Sakit talaga hindi ko maisip na mangyayari 'to samin. Miske minsan o sa panaginip ko hindi pumasok sa isip ko na nawawala sa'min si Fiolee.

"Marshall gawin mo lahat maibalik mo lang ang anak ko please." kumapit siya sa damit ni Marshall at nag mamakaawa.

"Pero tita alam mo ang kapalit nun." hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Basta alam ko lang ayaw pumayag ni Marshall sa kondisyon na 'yun kahit masakit.

"Please for my daughter."

Napayuko na lang ako, dahil hindi ko na kaya ang mga nangyayari, ayaw ko nang makita ang pag hihirap ni tita Fionna.

MARSHALL POV

Bago namin iuwi si Fiolee ay alam na ni tita Fionna ang lahat, pinaliwanag na sa kaniya kung ano ba kami, kung anong uring nilalang ba kami. Una ay na gulat siya at natakot, halatang nag iba ang tingin niya sa'min at isa pa nung nalaman ni titang wala na si Fiolee ay halos patayin niya na rin kami sa mga masasakit na salitang binitawan niya.

Alam ko ang pakiramdam ng mawalan, pareho na kami ni tita dahil mag isa na lang din siya. Sobrang sakit ng mawalan ng minamahal. Sobrang sakit. .

"Bampira kayo 'di ba! Kaya niyong buhayin ang anak ko." nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, halong galit, panglalait at panghuhusga.

"Buhayin niyo siya." na gulat ako sa sinabi niya, maari ba kaming bumuhay?

Nagulat ako ng lumapit si lolo James sa kaniya. "Sigurado ka ba sa nais mong gawin namin sa anak mo?" Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila, at saka alam ni tita ang tungkol doon?

"Kahit maging kauri niyo pa siya." tumango si lolo at inalalayang tumayo si tita Fionna.

"Osige." kung ganoon bubuhayin namin siya pero magiging kaisa namin siya. Ayoko! Kahit masakit siyang mawala sa'kin ay ayoko naman siyang madamay sa sumpang ito. Napakahirap maging bampira, makakapatay ka ng tao sa gusto mo't hindi.

Nagtungo kami sa kwarto kung saan nakahiga si Fiolee, pagpasok palang namin ay nangangatog nang lumapit si tita sa kaniyang anak. Nanlambot siya sa sitwasyong mayroon si Fiolee ngayon. At mas kinadurog pa ng puso niya ay ang pagpapahirap na ginawa sa kaisa-isa niyang anak.

"Anong nangyari sa anak ko!?" Tinakbo niya ang kama ng anak niya at niyakap 'to. Lahat kami napaiyak na naman, dama ng bawat isa sa loob ng kwarto na 'yun ang hirap na dinadanas ni tita.

"Fiolee anak! Huhuhu." niyuyogyog niya si Fiolee sa pag-asang magigising pa 'to.

"Anak! Gising na nagluto si mama ng paborito mong ulam anak." hinaplos niya ang mukha no Fiolee. Ang sakit sa'kin makitang umiiyak ang dalawang taong napakaimportante sa'kin.

"Nak. Please wake up." humagolgol na si tita Fionna. Hindi ko na kinaya at niyakap ko na si tita.

"Tita Im sorry." iyon na lang ang lumabas sa bibig ko. Kasalanan ko naman talaga bakit nangyari lahat ng 'to eh. Kasalanan ko. .

"Marshall gawin mo lahat maibalik mo lang ang anak ko please." kumapit siya sa damit ko ng napakahigpit. Sobrang sakit durog na durog na ang puso ko sa sitwasyon na 'to.

"Pero tita alam mo ang kapalit nun."

"Please for my daughter." Kahit masakit ay ayaw kong mapasa kay Fiolee ang sumpang mayroon kami ay gagawin ko na para rin sa mga taong may mahal sa kaniya. Gustong gusto ko na rin siyang makitang gumising at isiping isa lang 'tong bangungot.

Tumango na lang ako kay tita, at lumapit kay Fiolee. Kinagat ko ang mag kabila niyang pulso at hinigop lahat ng dugo dito. Wala nang natira pa sa katawanan niya at inilipat ko naman ang dugo ko sa kaniya. Ritwal 'tong tinatawag ng mga bampira kapag may gustong umanib sa kanila.

Hiniwa ko ang bandang pulso ko at pinayaang tumulo ang dugo ko sa mga kagat ko sa kaniya. Bubuhayin ko siya gamit ang dugo ko at magiging kauri na namin siya.

Lumapit si lolo James sa'kin "kagatin mo pa ang mga balikat at braso niya, ulitin mo ang proseso," sabi niya at ginawa ko naman. Ipinaliwanag na nila sa'kin ang hindi ko maintindihan kanina bago kami pumunta dito at ito nga sana ay mabalik namin si Fiolee dito kahit isa na siyang bampira.

Natapos ko nang gawin at lahat kami ay tahimik na pinagkatitigan si Fiolee.

"Bukas ng umaga siya gigising, sa ngayon ay magpahinga na muna tayong lahat dahil malalim na ang gabi." lahat kami ay sinunod ang utos ni lolo, muling hinalikan ni tita Fionna si Fiolee bago kami lumabas ng kwarto. Hindi ko alam bakit pinod lock ni lolo ang kwarto at pinabantay kay Jasper.

Pinatulog namin si tita Fionna at Prince sa iisang kwarto, nakampante na rin naman ang lahat at naging maayos. Tanging pinapanalangin ay sana pag sapit ng umaga ay kasama na ulit namin si Fiolee.

"Prince ayos ka lang ba?" Tanong ni tita kay Prince na halatang tulala at malalim ang iniisp.

"Ah o-opo." balisa ang isang 'to.

"Anak, hayaan mo bukas makikita na ulit na'tin si Fiolee 'di ba Marshall." pinakawalan ni tita ang isang mapait at pekeng ngiti.

"Opo." sagot ko.

"Osiya matulog na tayo, Marshall bantayan mo kami ni Prince ah." tumango ako at ngumiti. Natulog na sila tita sa magkahiwalay na kama at kinumutan ko siya. Itinuturing ko nang pangalawang ina si tita Fionna, siya ang nag aalaga sa'kin nung namatay si lola at nung pinalayas ako ni tita sa bahay. Ang hirap makitang sobra siyang nahihirapan.

"Marshall alam kong tinitignan mo kong matulog, haha." Namula tuloy ako. nakakahiya gising pa pala siya.

"Anak pasensya na at na galit ako sayo, hinusgahan kita at sinisi samantalang nahihirapan ka rin sa sitwasyong 'to." Hindi ko na napigilang umiyak. Napakabait ni tita para mapatawad at matanggap ako ng buo.

"Shhhh tama na iyak, aasarin ka ni Fiolee pag nakita ka niyang naiyak sige ka," bumangon siya sa pagkakahiga at hinaplos ang ulo ko. Pakiramdam ko andito sa tabi ko si mama.

"Opo." pinunasan ko ang mga kuha ko at ngumiti sa kaniya.

"Salamat tita Fionna." ngumiti siya at bumalik ulit sa pagkakahiga.

"Goodnight Marshall tulog na." kaya tumayo na ko at humiga sa sofa.

Napakatapang ni tita para harapin ang sitwasyon na 'to. Dapat kami rin ay tularan siya, mabubuhay si Fiolee at magiging ayos din ang lahat.

Bukas pag gising namin sana ay ayos na ang lahat.

Sana. 

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now