CHAPTER 49

6.3K 243 13
                                    

MARSHALL's POV

Namadali akong umuwi sa unit namin pero wala akong na datnan doon.

"Asan ka ba Fiolee?" napatadyak ako sa pintuan ng kwarto niya ng makita ko na wala rin siya doon.

Nakakainis kasi 'yung babae na 'yun! Bakit niya ginawa 'yun? Bakit niya ko hinalikan sa harap ni Fiolee?

FLASHBACK

Nagliligpit na ko ng gamit ko para umuwi at na tapos ko na rin 'yung cake na project namin na ibibigay ko kay Fiolee, mahilig kasi siya sa chocolate cake.

"Hi Marshall," sabi ni Jane sa'kin habang may hawak na slice ng cake.

"Hello," sabi ko habang patuloy lang sa pag-aayos, sana magustuhan 'to ni Fiolee.

"Tikman mo naman 'tong gawa ko oh." napatingin ako sa kaniya at ngumiti siya sa'kin, hindi lingid sa kaalaman ko na type niya ko dahil sa mga tingin niya at sa mga sinasabi nga mga classmate namin sa'kin.

"Ah haha sige." para matapos na ay titikaman ko na lang iyon at aalis na agad kasi sure ako nag iintay na si Fiolee sa room nila.

Pero pagkakagat ko bigla itong na hulog sa damit ko kaya namantyahan ang puting damit ko ng kulay pink na flavor ng cake.

"Oh my! Sorry Marshall." agad niya ko pinunasan ng panyo niya at hindi naman ako agad nakapag-react.

Mahasyado niyang nilalapit ang katawan niya sa'kin kaya na amoy ko ang dugo niya, nakakainis na 'tong babaeng 'to ah.

"Marshall?" Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Fiolee doon na nakatayo at halatang nagtataka.

Lalapitan ko na siya ng bigla akong halikan ni Jane kaya na gulat din ako at nakita kong mabilis na tumakbo si Fiolee papalayo sa'kin.

Hinabol ko siya pero masyadong madaming taong papauwi kaya hindi ko maamoy o makita man lang siya.

Kaya ito ako ngayon nag mumokmok.

FIOLEE POV

"Tama na 'yan Fiolee." hinahagod ni Julienne ang likod ko, andito ako ngayon sa bahay ni Reyly at kasama namin si Julienne.

Dito ko naisipang pumunta pagkatapos ng nangyari kanina.

"Hindi naman sagot ang pag-iyak Fiolee," sabi naman ni Reyly kaya napatingin ako sa kaniya.

"Pero 'di ba dapat nilalabas 'tong sakit?" Tanong ko sa kaniya sabay singhot ng sipon ko. Sakit eh.

"Pero teh kanina pa 'yang pag-iyak mo baka maubusan kana ng tubig sa katawan". Napasimangot ako at lalong na paiyak dahil sa paninermon sa'kin nitong dalawang 'to.

Hindi nila ako kinocomfort! Makapunta nga sa comfort room baka sakali doon umayos ang pakiramdam ko.

"Dapat kasi mag-usap kayo," sabi ni Julienne at sinuklayan ang buhok ko.

"Tama na ang nakita ko bhess!" Sa dahandahan niyang pag susuklay bigla niya ko binatukan.

"Aray!"

"Ay sorry kaw kasi ayaw mo makinig sa'min eh malay mo naman nilalandi lang siya." tumango tango si Reyly.

"Eh ba't siya nag palandi?" Nagbuntong hininga sila at tinignan ko.

"Wag ka na nga magreklamo sa'min at hindi ka naman nakikinig tara na kain tayo." naglakad kami papuntang kitchen at naglabas ng madaming pagkain si Reyly.

Inayos namin 'yun sa harap ng lamisita at nanood ng horror movie. Sa pagsigaw at pagkain ko na muna ito ilalabas at isa pa exam pa namin bukas. .

Lalo tuloy ako napaiyak, pano ako makakapag-concentrate nito sa reviewer ko kung may iniisip ako at isa broken ako?

"Fio alam mo masasapak na kita." out of some where niyang sinabi habang si Reyly naman panay ang sigaw sa pinapanood namin.

"Eh kasi ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kasakit." sabay suntok ko sa flat chested kong dibdib ko.

"Gaga ka kasi binibigay mo lahat 'yan tuloy todo ka rin kung masaktan." napakagat ako ng labi ko, pinipigilan ko na naman umiyak.

"Alam mo Fio, ang relationship kasi hindi naman puro happiness lang ang makukuha mo d'yan, may sadness din na magbubunga naman ng lesson sa inyo which is mag papatibay ng relation niyo." napatitig kaming dalawa ni Julienne kay Reyly na seryosong seryoso sa pag aadvice.

"Hugot?" Sabay namin tanong.

"Nope, base sa experiences 'yun." nagbago naman ang timpla ng mukha niya.

"Tama na drama please 'di ako makarelate eh." kay Julienne naman kami napatingen, NBSB nga pala 'to.

Nung magbabandang 8pm na nag pasya kaming dalawa ni bhess na dito muna matulog kala Reyly tutal wala naman daw siyang ibang kasama. At saka pinag-iisipan na ni bhess kung dito muna siya makikituloy at magbabayad na lang ng upa kay Reyly kesa naman daw sa byumahe pa siya papunta dito, hindi kasi siya nag dorm at bumabyahe siya mula cavite hanggang dito sa Manila na may tatlong sakay lang naman.

"Bhess kanina pa nag vi-vibrate 'yung phone mo." napatingin ako sa bag ko na kitang kita ang pag-ilaw at vibrate ng phone ko.

"Hayaan mo siya." sinuklay ko ang buhok ko at inayo ang pantulog na pinahiram sa'kin ni Reyly.

"Okay. Tara group study muna tayo."

Umupo kami sa blanket ni Reyly sa sahig at sinimulan mag review para sa exam bukas, may unting pumapasok sa utak ko pero more on sa eksenang nakita ko kanina.

Hindi ko talaga maisip bakit na gawa ni Marshall 'yun eh, parang may part sa'kin na ayaw maniwala sa nakita ko at mayroon din naman na nag sasabing totoo 'yung nakita ko.

Sana naman kasi tinulak niya 'yung babae or hindi siya pumayag na halikan siya 'di ba, pero hindi eh nangyari na at parang wala lang sa kaniya.

Siguro papalipasin ko muna 'to, uunahin ko muna 'tong reviewer ko, pipilitin kong isaksak sa utak ko na may exam kami bukas at finals na 'to.

Siguro buburahin ko muna siya sa isip ko, kahit ngayon lang.

Kahit ngayong gabi lang. 

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now