CHAPTER 17

13.4K 490 10
                                    

MARSHALL's POV

"Marshall kulang pera ko, bili mo pa ko nito dali." sabay pacute niya sa'kin.Tsk!

"Hindi purkit nanliligaw ako sayo eh uutuin mo na ko." Tamo mo 'to ngumuso pa.

"Ikaw lang kamo ang manliligaw na hindi marunong malibre sa nililigawan." nagtataray na siya, Kailangan ba talagang manlibre pag nanliligaw?

"Good evening sir, tuloy po kayo." pagbubukas ng guard doon sa pumasok na lalaki.

"Marshall isa lang eh dali na." pagkukulit ni Fiolee ano ba 'tong babae na 'to bubutasin ang bulsa ko.

"Marshall? Fiolee?" Pagtingin namin sa likuran namin ay nakatayo doon si Prince na parang naiinis. HAHA naiinis siya maasar pa nga. Inakbayan ko si Fiolee at tinaasan ng kilay si Prince.

"Bakit may problema ba?" Nakita ko nag iba ang timpla ng mukha niya at parang mag aalburuto na.

"Hindi ka talaga pantay lumaban Marshall." umupo siya sa gilid ni Fiolee at tinanggal ang pagkakakakbay ko dito.

"Pre, pasensya na? Pero pinababantay siya ng mama niya sa'kin." pag mamayabang ko, aba close ata kami ni tita Fionna.

"Teka teka! Subukan niyo mag away dito at makakatikim kayo ng sapak sa'kin pareho." tumayo na si Fiolee kaya sumunod na ko at ganun din ang prinsepeng baklain na 'to.

"Fiolee pwede ba kong sumama sayo?" 'di ba ko nakikita ng prinsepeng 'to?

"Excuse me pre SAMIN ang tamang word." hindi niya ko pinansin at nag patuloy lang sa pangungulit kay Fiolee, ngayon lumalabas na ang tunay na ugali ng prinsepeng 'to!

"Oo sige dito lang naman kami sa park eh, isa pa walang gaanong tao doon ngayon dahil gabi na walang mga batang naglalaro." umupo si Fiolee sa isang bench at syempre sumunod kami. Mukha kaming mga alagang tuta nito ni Fiolee pero okay lang basta makasama ko siya.

"Fiolee ang cute ng pajama mo." nakita kong namula si Fiolee dahil kay Prince tsk ako kaya nag pasuot sa kaniya nyan.

"Epal kasi 'tong si Marshall eh nilagyan ako ng chi----." parang nabulunan si Fiolee at naalala ang ginawa ko hahaha namula siya hanggang sa tenga niya. Kala mo Prince ah mas matindi ako mag papula ng mukha ni Fiolee no!

"Ha? Anong nilagay sayo ni Marshall?" Pagtataka ni prinsepeng bading.

"Wala ka na doon pre." haha nakita kong kumunot ang noo niya. Tsk tsk pikong prinsepe

"wag na nga kayo magtalo d'yan nakakabinge eh." kaya natahimik kami saglit pero pinatay ng limang lalaking papalapit samin ang katahimikan.

Limang lalaki na mula sa malayo ay alam ko nang kauri ko.

"Prince dalhin mo si Fiolee sa malayo dali." nakita kong nagtataka si Prince sa sinabi ko.

"Ha ano? Bakit?" Nagtataka na rin si Fiolee.

"May limang lalaking papalapit dito mag tago kayo." napatayo na ko dahil malapit na sila.

"Pero bakit? Malay mo napadaan lang," sabi ni fiolee

"Basta lumayo kayo dito dalian niyo." napatingin sila sa dereksyon kung saan andoon ang limang lalaki.

"Marshall. Anak ni Jazon Perez na napaka daming kasalanan na nagawa samin." pagsasalita ng lalaking malaki ang pangangatawan at mukhang leader nilang lima.

"Si Jazon Perez na pinatay ang kapatid ko." pag sasalita pa ng isa. Lahat sila may hawak na patalim.

"Kaya ngayon ikaw ang sisingilin namin, Marshall Perez!" Tinulak ko na silang dalawa at nakita kong hinihila na ni Prince si Fiolee papalayo. Nakita ng isang pang lalaki na papalayo na sila Fiolee kaya hinabol niya ito.

Hindi ako makakapayag na mahawakan niya si Fiolee!

Kaya sa galit ko ay na ilabas ko ang tunay kong anyo at pinangas ang leeg nung lalaki. Nakita ko ang pagkagulat nila Fiolee at Prince. Oo tama nakita na nila ako sa anyong kinamumuhian ko. Puno na nga dugo ng bampira ang bibig ko at naglaho na ng parang abo 'yung lalaking kinagat ko.

"Takbo!" Sigaw ko sa kanilang dalawa na parang na bato sa kinatatayuan nila.

Sinugod ako ng leader nila at hinataw ako ng kutsilyo sa dibdib, Nag iwan 'to ng napakalalim at mahabang hiwa sa'kin. Nakita ko ang paghiyaw ni Fiolee at pilit siyang inilalayo ni Prince sa lugar na 'yun.

Ngumiti na lang ako sa kaniya at nakita kong tumulo ang mga luha niya.

"Ngayon alam na ng mga kaibigan mo na halimaw ka. Tingin mo ba matatanggap ka pa nila?" nanggalaiti ako sa galit at sinubukan siyang sugudin pero sobrang sakit ng sugat na natamo ko. Apat pa sila samantalang ako iisa lang, Ano ba namang buhay 'to? Napaka daya.

Pero ayos lang na mamatay ako dito, at least ligtas si Fiolee alam ko namang 'di siya pababayaan ni Prince eh. Alam ko.

"Hahaha! Matatanggap nila ako kasi hindi naman akong sing hayop niyo." binigay ko ang pinakamalas kong suntok pero parang bakal ang mukha niya sa tigas at tila hindi siya natablan nito.

"Pareho kayo ng ama mong matalim mag salita, kaya dapat pareho lang din kayong mawala!" Hahatawin niya na ulit ako ng hawak niya pero bigla siyang tumumba at nakita ko sa likod niya si Jasper. 'yung buddy guard ko, may hawak hawak siyang ispada at pinunasan niya 'yung ng puting tela saka binalik sa lalagyan nito sa likuran niya.

"Master tara na po, uuwi na tayo." inalalayan niya ko tumayo. Parang walang nangyaring labanan sa park dahil walang naiwang bakas dito. Tila naging alikabok ang mga katawan at dugo nila na hinipan na ng hangin.

"Teka sila Fiolee." nag pumilit akong maglakad papunta sa direksyon kung saan tumakbo sila Fiolee.

"Nasa bahay po silang dalawa master tara na." at isinakay niya ko sa kotse.

Ligtas na ko ngayon, pero ang iniisip ko kung matatanggap pa rin ba ako nila?

Ngayong alam na nilakung ano ang tunay na ako. 


TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now