CHAPTER 44

8.6K 299 18
                                    

MARSHALL's POV

Bakit ang saklap ng tadhana?

Nandito kami sa bulletin board at nakikipagsiksikan sa mga istudyanteng nakikitingin din sa mga schedule nila.

May kumokopya at may pinipicturan na lang ang schedule nila, lahat ng andito sa bulletin na 'to ay mga HRM four years at two years course.

KanIya-kaniya kasi kaming bulletin dito ng mga course masyado kasing madaming istudyante kung sa iisang bulletin lang ipopost ang mga announcement.

"Na saan kaya si Fiolee?" Naghiwalay kasi kami saglit para daw mabilis namin mahanap ang mga schedule namin, siguro naman magkikita sila nung Reyly alam ko same sila ng course na kinuha.

"Yow," napalingon ako sa kakaibang awra ng tumawag sa'kin, hindi ako nagkakamali bampira siya.

"HRM dude?" Tumango ako.

"YES! Sama ka sa'min lima lang tayong lalaki sa room." napatingin ako sa iba niyang kasama, may nakasalamin at 'yung isa long hair at 'yung isa naman parang baklain.

"As in lima lang tayo?" Tumango 'yung nakasalamin at inayos ang salamin niya.

"Ayon sa na basa ko sa listahan ng mga istudyante lima lang tayong lalaki, ako nga pala si Dexter." inabot niya ang kamay niya. Ang weird.

"Marshall." nakipagshake hands ako sa kanila is- isa at pinagkatitigan ko 'yung nag ngangalang Jonas na kaninang tumawag sa'kin.

"Dude crush mo ko?" Umiling ako.

"Alam ko kung ano ka." pabulong ko sabi sa kaniya kaya namutla siya at napatingin sa mga kasama pa namin sabay hila sa'kin papalayo.

"Alam mo?" Tumango ako.

"Pano? Wolf ka ba?" Napataas ang kilay ko, saka ko pinakita ang braso ko sa kaniya na sobrang putla.

"Sheeet hindi ko na pansin o na amoy, dhampir ka?" Tumango ako.

"Dude I love you may karamay na ko." niyakap niya ko kaya kinilabutan ako at pilit siyang inilalayo sa'kin.

"Marshall!" May lumilipad na sapatos na tumama sa mukha ni Jonas at sapol 'to sa noo.

"Anong ginagawa mo sa boyfriend ko bakla ka!?" Tumawa lahat ng nakakita sa ekspresyon ni Jonas at ni Fiolee.

"Hindi ako bakla Bam---." pinigilan ko na siya isigaw ang mga susunod na sasabihin niya.

Parang tanga kasi ipagsigawan ba namang bampira siya?

"Ow I see gets ko na." ngumiti si Fiolee at umupo para makapantay si Jonas na napaupo dahil sa pagbato ni Fiolee sa kaniya ng sapatos.

"Sorry Jonas kala ko kasi bakla ka na nilalandi ang boyfriend ko." inalalayan ni Fiolee si Jonas tumayo ay nakipagshake hands dito.

"Fiolee." lumapit siya dito at bumulong.

"Bampira rin ako." ngumiti sa kaniya si Fiolee at niyakap din siya ni Jonas na ikinagulat ni Fiolee miske ako.

"Grabe hindi ko akalain na mabilis akong makakahanap dito ng kauri ko." napangiti na lang kaming dalawa.

"Ehem ehem." napatingin kami sa lalaking nasa likod namin.

"Ay oo nga pala Shun." nanlaki ang butas ng ilong ko sa nakita ko.

Anong ginagawa ng Shun na 'yan dito?

"Marshall Classmate ko si Shun." masayang pumalakpak si Fiolee habang papunta kay Shun, doon nag init na naman ang ulo ko.

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now