CHAPTER 18

13.4K 516 12
                                    

MARSHALL's POV

Inalalayan ako ni Jasper na pumasok sa bahay, at pagkapasok namin agad namang nagtakbuhan ang mga maid para tulungan ako.

Hindi ako kinakabahan sa kalagayan ko kundi sa magiging reaksyon nila Fiolee.

"Apo." tawag ni lolo James habang pababa siya ng hagdan.

"Sila Fiolee po lolo?" Unang tanong ko.

"Wag ka mag alala, napaliwanag ko na sa kanila. Pero apo ihanda mo na ang sarili mo dahil pag nakalabas ang balitang 'to sa iba hindi ko maipapangakong mabubuhay pa sila." tinapik niya ang balikat ko at sinenyas na nasa kwarto ko sila Fiolee.

"Lenalie tahiin mo ang sugat ng master mo." nakita ko namang nataranta si chimay.
Pag pinagkalat nila ang nalaman nila baka hindi ko na sila makita. Dahil damay kaming lahat pag nagkataon.

Umakyat na ko sa kwarto ko kaalalay ni Lenalie. Pagbukas palang ng pinto naririnig ko na ang hikbi no Fiolee. Bakit siya na iyak? Dahil ba sa nangyari sa'kin? O dahil sa takot?

"Marshall?" napatayo siya at tinitigan ako at agad siyang tumakbo sa'kin at niyakap ako. Napangiwi ako dahil sa sakit pero ayos lang. Parang na bura lahat ng takot ko kanina dahil alam kong tanggap niya pa rin ako.

"Marshall!" Iyak siya ng iyak sa dibdib ko.
"Shhh tama na okay na ko." tumingin siya sa'kin ng daretsyo at parang nag nining ning ang mata niya tapos ang lapit ng mukha niya at rinig ko ang kaniya kaniyang tibok ng puso namin. Ito na ba 'yun? Hahalikan niya ba ko?

Palapit siya ng palapit at.

*PAK TOK*

"ARAY! MASAKIT!" sinikmuraan niya ko ng napakalakas, sobrang sakit dahil 'yung sugat ko ay napakalalim. Grabe feeling ko mawawalan ako sa ulirat.

"Hala sorry-sorry nakakainis ka kasi Marshall eh! Sorry." inalalayan ako ni Lenalie papuntang kama at parang may namumuong kidlat sa pagitan ng mga mata nila. Selos?

Hinubad ni Lenalie ang long sleeve ko at pagtingin ko kay Fiolee namumula siya at kulang na lang eh umusok ang ilong niya. kaya umiwas na lang siya ng tingin samin at kinausap si Prince. Oo nga no andito din si Prince nawala siya sa isipan ko. Tanggap niya kaya ang mga nalaman niya?

Sinimulan na ni Lenalie ang pagtatahi sa'kin. Hindi na kailangan ng anistisya dahil manhid na ang katawan ko sa sakit.

"Master tapos na po pupunasan ko na lang po ng maligamgam na tubig 'yang sugat niyo. Saglit lang po wag kayong gagalaw." saka niya kinuha 'yung mga gamit.

"Miss samahan mo nga ko lumabas, kailangan ko ng sariwang hangin," sabi ni Prince saka siya sumama kay Lenalie lumabas ng kwarto.

"Marshall okay ka lang?" kitang kita pa rin sa mukha niya ang pag-aalala.

"Oo ayos lang ako, pero Fiolee sana ilihim mo ang nakita mo." hindi ako makatingin ng daretsyo sa mga mata niya. Feeling ko napakadami kong kasalanan na na gawa sa kaniya.

"Oo naiintindihan ko, nakakatakot at hindi ko man maipaliwanag pero susubukan kong tanggapin paunti unti," sabi niya habang nakatitig sa mga daliri niya at nakayuko.

"Fiolee si Prince--" pinutol niya ang sinasabi ko at ngumiti.

"Sabi niya iintindihin niya daw. Kailangan niya lang ng panahon para mawala 'yung takot pero pangako niya na hindi niya ipagkakalat kahit kanino." nakahinga ako ng maayos sa nalaman ko. Kahit kalaban ko si Prince alam ko talagang mapag kakatiwalaan ko siya.

"Master andito na po ako." inilapag ni Lenalie ang palanggan sa table ko.

"Ahm miss pwede pong tumabi muna kayo?" sabi niya kay Fiolee kaya nag iba 'yung timpla ng mukha nito. HAHA ang cute ni Fiolee.

"Ako na lang ang magpupunas sa kaniya saka magtatakip ng sugat niya ayos lang ba? CHIMAY?" Tapos ngumiti siya ng napakalawak hahaha. Kaya na inlove ako kay Fiolee kasi palaban siya at matapang din. Kumunot ang noo ni Lenalie at hinawakan ng mahigpit 'yung bimpo.

"Hindi po pwede baka po masaktan niyo si master pag kayo po ang gumawa." ngumiti din si Lenalie. Nangangamoy gera 'to ah.

"CHIMAY hayaan mo na ko at alam ko ang ginagawa ko." para silang baliw na nag ngingitian sa isa't isa.

"Hay nakaw Lenalie hayaan mo na silang dalawa d'yan halika na dito sa labas." na gulat kami sa nag salita. Pagkatingin namin sa pintuan ay nakatayo na doon si ate Ainah at nakapamewang pa.

Wala nang na gawa si Lenalie at iniwan kami sa kwarto.

"Oh 'yan na mahahawakan mo na ang abs ko." pang-aasar ko kay Fiolee. Namula siya at kinuha 'yung bimpo.

"Kapal mo!" Piniga niya 'yung bimpo at pinunas sa'kin. Naka tungo lang siya at binalot na kami ng katahimikan.

*Snif snif*

Napatingin ako sa kaniya, nabigla ako dahil habang pinupunasan niya 'yung sugat ko ay naiyak na pala siya.

"Oh bakit Fiolee?" Napabangon ako at tinignan siya.

"Kasi tignan mo ang lalim ng sugat mo eh tapos nakakatakot pa dahil baka maulit pa 'yun. Hindi mo naiisip na kinabahan ako?" At 'yun humagolgol na siya ng iyak. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak dahil sa pinakakita niya. Kasi hindi ko maipapangako sa kaniya na hindi na 'to mauulit kaya baka umiyak lang ulit siya ng ganito.

Nikayap ko siya at pilit na pinatahan.
"Hayaan mo mag iingat na ko." mga ilang minuto ata bago siya humupa sa pag-iyak.

"Basta Marshall wag mo kaming kakagatin o papaytayin ah. Katulad ng ginawa ko kay Earlenne." Na bigla ako. Alam niya na rin ang tungkol doon?

"Sinabi na samin lahat lahat ni lolo James, sabi niya hindi mo daw sinasadya 'yun. Oo natatakot ako sayo ngayon at parang hindi ko pa rin maisip na ikaw ang gumawa nun. Pero wala akong magagawa Marshall. Ikaw ay ikaw. Ikaw 'yung taong matagal ko nang kasama at hindi ko kayang mawala ka samin, kaya please wag mo nang uulitin 'yun. Please lang wag kang tumulad sa mga rebeldeng bampira na 'yun." tinapik ko ang ulo niya.

"Oo naman. Para sayoFiolee."


TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now