CHAPTER 58

6.2K 241 10
                                    

MARSHALL's POV

Nagpasya kaming bumalik na sa Manila at hindi na inintay pa ang birthday ko, mas pinipili ko nang manatili dito sa unit namin kesa sa lugar na 'yun kung saan na ganap 'yung trahedya kahapon.

Puno ng masasaya at masasaklap na ala ala ang lugar na iyon at hindi makakabuti kay Fiolee kung magtatagal pa kami doon. Tungkol naman kay Prince ay ayos na siya, kahit minsan ay halatang isinusuka niya ang pagiging bampira, ano pa nga ba ang magagawa niya kundi ang magtiis? Sa ngayon ay kasama niya si ate Ainah sa bahay nila Reyly para turuan siyang pigilan ang sarili sa paghahanap ng dugo at mas maintindihan pa ang mga bagay bagay tungkol sa pagiging bampira.

Kailan ba daratingsa buhay namin ang maging normal? Sabagay pano namin makukuha 'yun kung 'di naman din kami normal, 'di kami tao para mamuhay ng normal.

"Marshall." napalingon ako kay Fiolee, halata sa mukha niya ang mga iniisip niya at halata rin sa mukha niya na kakagaling niya lang sa pag-iyak.

Sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa mga nangyari, pero ano pa bang magagawa nun? Ano pa bang mababago? Wala naman 'di ba?

"Fiolee please tigilan mo na ang pag-iyak at pagsisi mo sa sarili mo." tumango siya at umupo sa tabi ko, pero kahit paulit ulit siyang sumangayon sa'kin, alam ko naman na 'di niya maiiwasang balikan na siya pa rin ang dahilan ng pagkamatay ng iba sa resort.

"Alam mo Fiolee, sana wag kana mag isip ng mag isip, wala na tayong mababago pa, lahat ay nangyari na. Ang maganda lang nating magagawa ay yanggapin ito lahat." muli siyang napatakip ng mukha at umiyak.

Na bigla ako sa reaksyon niya pero hindi na lang ako umimik at niyakap ko na lang siya. Ngayong araw na 'to ang kaarawan ko pero parang hindi naman ito masaya, katulad ng dati na puro lang masasamang bagay ang nangyayari tuwing sasapit ang kaarawan ko.

Wala namang nagbago, akala ko magiging masaya ang kaarawan ko ngayon dahil kasama ko sila pero wala eh sadyang malas ako at tuwing kaarawan ko pa nagaganap ang mga ganitong bagay.

"Marshall sorry, birthday mo ngayon pero wala man lang tayong handa." ngumiti na lang ako.

"Hayaan mo na, sanay na ko." umiling siya.

"Igagaya na lang ba na'tin ang araw na 'to sa mga lumipas mong kaarawan? Tara Marshall samahan mo ko." na gulat ako sa sinabi niya, agad niyang pinunasan ang mga luha niya.

"Teka Fiolee saan ba tayo pupunta at saka hindi ba masama ang pakiramdam mo?" Umiling siya.

"Sorry kung naging madrama ako, tama ka eh kahapon pa ko iyak nang iyak, siguro ngayon tama na muna." pilit siyang ngumiti at agad na tumayo.

"Magbibihis na ko ah, ikaw din." tumango na lang ako at sumunod sa gusto niya.

Byumahe kami pabalik sa Cavite pero hindi sa mansion o kala tita Fionna kundi sa sementeryo kung saan nakalibing ang mama at papa ko.

"Natatandaan mo nung mga bata tayo pagpupunta kami ni mama para dalawin si papa sumasama ka pero sabi mo ayaw mong dalawin ang mga magulang mo." hindi ako makatingin sa kaniya.

"Marshall panahon na rin siguro para dalawin mo sila." lumuhod siya at tinanggal ang mga tuyong dahon na nakatakip sa lapida ng mga magulang ko. Saka siya kumuha ng puting kandila at sinindihan sa tapat nito at naglapag ng dala naming bulaklak.

"Hi po tita at tito, ako na po ito si Fiolee 'yung kababata ng anak nyo, siguro naman po namumukhaan niyo ko. Hindi niya pa po siguro na kukwento na girlfriend niya na po ako dahil hindi nga po siya na bisita sa inyo. Ako na po ang humihinge ng pasensya sa ginagawa ng anak niyo ngayon." tumigil siya saka tumingin sa'kin ng masama.

"Uy samahan mo naman ako dito." Pag-aaya niya kaya umupo na rin ako sa harap ng puntod nila mama.

"Mag hi ka naman sa mama at papa mo." nagbuntong hininga ako.

"Hi ma! hi pa." napabuntong hininga si Fiolee at tumayo.

"Sige po tita at tito maiwan ko muna po kayo ng anak niyo. Aayusin ko na po ang gamit namin." at lumayo na siya sa'kin saka pumunta sa ilalim ng puno.

Napatingin naman ako sa lapida nila mama, masyado na itong luma at halatang hindi ito nalilinis, pano nga naman ito malilinis kung hindi ko 'to nililinis.

Sa tagal ng panahon ay hindi ko talaga dinadalaw ito, bakit? kasi nahihirapan akong balikan ang nakaraan, kung pano sila namatay at kung gaano kasakit na iniwan nila agad ako ng ganun kaaga.

Hirap mabuhay ng mag-isa, Kahit inalagaan ako ni lola nun, agad din naman siya binawi sa'kin, bakit lahat ng mga mahal ko sa buhay ay maagang kinukuha at inilalayo sa'kin? Sana naman wag si Fiolee, siya na lang ang lakas ko, siya na lang ang mayroon ako.

"Ma, Pa." na sambit ko na lang bigla.

"Pano ba 'to?" Napakamot na lang ako sa ulo ko at pumikit.

"Ma, Pa birthday ng anak niyo ngayon, nakikita niyo ba ako? Ang pogi ko no?" Napangite ako saglit sa mga sinabi ko, parang ang gaan sa pakiramdam ng ginagawa ko ngayon, pakiramdam ko nasa tabi ko lang sila at kinakausap din ako at nakikinig sa bawat kwento ko.

"Alam niyo ba ma, pa siya ang bumuo ulit sa buhay ko, si Fiolee 'yung tumayong ina, tatay, kapatid, kaibigan at kabiyak ko ngayon. siya na lahat no? All in one kasi 'yang babaeng 'yan. Alam niyo ma, pa ang saya ko dahil lahat nagagawa ko hanggat na d'yan siya. Kaya ng sana wag siyang kunin o ilayo sa'kin katulad ng nangyari sa inyo." nag sisimula nang manginig ang boses ko.

"Alam niyo miss na miss ko na kayo, hindi niyo man lang ako nakakasama pero alam kong and'yan kayo at binabantayan ako, Alam kong mahal na mahal niyo ako." nag uunahan ng dumaloy ang mga luha ko pero pinipigilan ko.

"Ma, pa Miss na miss ko na po kayo, sorry po kung nagtanim ako ng galit sa inyo, sorry po kung sinisisi ko kayo sa kung anong mayroon ako at sorry po kung iniisp ko na masama kayong magulang dahil maaga niyo kong inulila." hindi ko na kinaya.

"Pero mali ako, nararamdaman kong mahal niyo ko at kailangan kong alisin 'tong galit na 'to, dahil mahal na mahal ko kayo." umiyak na ko ng todo, kahit na nakakahiya dahil sa kalalaki kong tao pero wala na kong paki, ito ang nararamdaman ko ngayon.

"Shhhh." naramdamn ko na lang na may yumakap na sa'kin.

"Ma pa Salamat po sa lahat." ngumiti ako at tumingin kay Fiolee.

"Fiolee salamat." ngumiti siya sa'kin.

"Happy birthday Marshall."

Dahil sa nangyari ngayon na buo na ang araw ko, kahit simple lang ang mga handa namin ni Fiolee at kahit kami lang dalawa ay masaya na ko.

Para ko na rin kasi nakasama at nakausap ang mga magulang ko ngayon, iniisip ko na nga lang din na kasama namin sila sa pagkain ngayon. Na masaya kaming kumakain sabay-sabay kasama ang babaeng mahal ko.

Pero malabo nang mangyari 'yun, siguro mangyayari na lang 'yun once na magkakasama na kami sa kabilang buhay.

Ito na siguro ang pinakamasayang birthday na naranasan ko, isang araw na puno ng aral para sa'kin, natuto akong magpatawad at tumanggap ng mga nangyari na, natuto akong ilabas lahat ng emosyon na matagal ng naiipon dito sa loob ko at natuto akong sumaya kahit na nasa gitna pa rin kami ng problema.

Kakayanin ko ang lahat basta andito siya,

'Yung babaeng mahalna mahal ko. 

TO BE CONTINUED

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon