CHAPTER 40

9.9K 313 19
                                    

MARSHALL's POV

Naglalakad kami papuntang sakayan ng taxi dito sa Manila, actually hindi ako pamilyar sa place na 'to napakadaming tao, napakadaming dugo.

Napailing ako sa naiisip ko, hindi pupwede 'to napakadaming temtasyon, napatingin ako kay Fiolee na masayang masayang kausap si Prince. Sanay na siya sa mga ganitong eksena kung saan kaliwat kanan makakaamoy ka ng sariwa at mababangong dugo pero napipigilan niya naman.

Hanga talaga ako sa kaniya kasi lahat kinakaya niya.

"Bakit Marshall may dumi ba ko sa mukha?" napailing ako, nakatitig na pala ako sa kaniya.

"Wala-wala may iniisip lang ako kaya napatulala ako sayo, ganda mo kasi," nakita ko siyang ngumiti at bigla akong hinampas sa likod. Pakiramdam ko maisusuka ko ang baga at atay ko sa hampas niya eh.

"Ano ka ba! Alam ko na 'yun, wag mo na pakalandakan nakakahiya." mahinhin niyang sabi na akala mo eh maria clara. Minsan may sapak 'to pag sobrang saya nananakit na. Ganun ba talaga ang mga babae pagkinikilig?

"Teka-teka hindi ko pa alam ang kinuha mong course bf," sabi niya na naka cross arm, ako naman kinilig kasi tinawag niya kong bf.

"Secret," sabi ko saka ngumisi ng paloko.

"Chef kinuha niyan Fio," sabi ni Prince kaya pinanglakihan ko siya ng mata. Epal talaga ang isang 'to.

"Epal ka eh no secret nga eh tsk." bwiset talaga sa buhay ko 'tong prinsepeng 'to eh.

"Bakit chef? May talent ka ba doon? Ako nga wala eh tapos ikaw? Taray," sabi ni Fiolee na parang manghang mangha at nagtataka.

"Kaya nga nag chef ako or HRM dahil hindi ka marunong magluto para naman may makain na masarap 'yung mga magiging anak na'tin." nakita kong namula siya at nag transform bilang kamatis at si Prince naman halos masuka na sa banat ko.

"Bakit? Totoo 'yun, pano 'yung magiging anak namin Prince kung 'yung nanay nila puro drawing ang alam?" Tumango tango si Prince habang natatawa.

"Tara na nga umuwi na tayo," sabi ni Fiolee na namadaling pumila.

Anong problema nun?

Habang na sa byahe kaming tatlo ay panay ang kulitan at tawanan namin, kaming dalawa ni Prince ang nasa back seat at siya sa tabi ng driver. Natatawa nga kami ni Prince dahil kung ano-ano ang tanong niya sa driver at panay ang kwento niya dito, hindi naman nainis 'yung driver bagkos nakipagkwentuhan din kay Fiolee.

"Fio, Marshy gala tayo bukas?" Napatingin kami ni Fiolee kay Prince, bihira kasi magyaya 'to.

"Sige ba," sabi ko at tumingin kay Fiolee, umiling siya at kinaway ang mga palad niya na nag sasabing bawal or ayaw niya.

"Bakit?" Sabay naming sabi ni Prince.

"Birthday ni papa at dadalawin namin siya bukas, uuwi din ang tito ko kaya iintindihin muna namin siya." nakangiti niyang sabi.

"Sorry pass muna ako kayo na lang mag date." ngumiti siya at nagthumbs up.

"Wag na pala," sabi ko at ngumuso.

"Tayo na lang marshy haha," sabi ni Prince, kanina pa ko kinikilabutan sa marshy na 'yan.

"Dude lalaki ako," sabi ko na lang sabay tingin sa bintana.

"Sumama kana mang bababae tayo," sabi ni Prince at napatingin ako kay Fiolee, parang naiimagine ko na nilalabasan siya ng usok sa ilong.

"Sige ba tara HAHA." padabog siyang humarap sa daan at muling chinika si manong.

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now