SPECIAL CHAPTER

6K 230 12
                                    

REYLY's POV

"Prince kayanin mo", 'yan na lang ang na sabi ko habang naghihingalo siya.

Hindi ko alam ang gagawin ko, nakakataranta sabayan pa ng mga tanong na binabato sa'kin nila Jude at ng iba pa.

"Ano ba talagang nangyayari?" Paikot-ikot si Angelo habang kinakamot ang ulo niya na pawang naiines.

"Guys kung anu man 'to tama na hindi nakakatuwa ang biro na 'to," sabi niya, naiinis tuloy ako dahil sa sitwasyon na katulad na 'to na gawa pa niyang tanungin kami? Sa sitwasyon na katulad nito na naghihingalo na si Prince maiirita pa siya sa'king magtanong?

"Reyly anong gagawin na'tin? Nasa sayo ang disisyon kung gagawin na'tin siyang katulad na'tin." napailing ako, ayokong maranasan niya ang hirap ng maging imortal.

"Mamamatay na sIya! Hindi niya na kaya." kinabahan ako ng makita ko siyang unti unting tumitigil sa paghinga.

Kaya kusang kumilos ang katawan ko at kinagat ang pulso niya saka ko hiniwa ang pulso ko at tinapat sa bahaging kinagatan ko, Gagawin ko na kahit masakit sa'kin, parang pinagkaitan ko na rin siya ng normal na buhay pag ginawa ko 'to, pero ayoko kasing mawala siya sa'kin.

Ayoko.

"Teka anong ginagawa niyo?" Hiyaw ni Jude kaya sinamaan ko siya ng tingin at tinitigan gamit ang pula kong mata.

"Pwede doon muna kayo sa kwarto? Mamaya namin ipapaliwanag ang lahat pero sana intindihin niyo muna ang sitwasyon." tumango si Julienne at sinamahan ang ibang tumaas sa kanila kanilang kwarto.

Isa na lang ang alam naming tanggap kami kahit malaman niya ang totoo, iyon ay si Julienne alam kong alam niya na 'to simula't sapul pero dahil kaibigan niya kami siya na mismo ang nag iintay na umamin kami sa kaniya ng sekretong 'to.

"Reyly si Prince hindi na humihinga." tumingin ako kay Prince, wala na siyang buhay. Parang bumalik sa lahat-lahat sa'kin 'yung nangyari kay Kenneth, sobrang sakit parang unti-unti na namang nabubuhay ang alala ko noon.

"Ihiga na na'tin siya sa sofa, at tignan ang nangyayari kala Fiolee sa labas." tumango si Shun at Jonas saka kami namadaling lumabas at ang na abutan namin ay si tita Fionna, pilit na inaamo ang isa pang pagkatao ng anak niya.

Sobrang hangga talaga ako sa kaniya dahil kinaya niya lahat para dito, nahihirapan akong panoorin kung pano itaboy at ihagis ni Renz si tita Fionna at kung sakaling matauhan na si Renz at bumalik sa dating si Fiolee? sigurado ako hindi niya mapapatawad ang sarili niya pag nakita niya ang mama niya sa masamang kalagayan at ang iba pang bampirang pinatay niya kasama na don si Prince ang dating nagmamahal sa kaniya.

Nakita ko rin kung pano amuin ni Marshall si Renz dahil mas nag wala ito at sa wakas, bumalik na siya sa dati.

Nakabalik na siya dati pero nag iwan siya ng mga bagay na hindi na pwedeng maibalik pa sa dati.

Katulad ngayon, andito ako sa kwarto kung saan nakahiga si Prince, tinititigan ko siya at siguro huling pagkakataon ko na siyang makikita bilang normal na tao, minahal ko na siya bilang siya at hindi bilang si Kenneth, minahal ko na siya dahil sa pag pupursige niyang ipamukha sa'king mas deserving siya kesa kay Kenneth.

Pero pano ngayon? Pano kung pag gising niya ayaw niya pala ng naging desisiyon ko?

Pano kung paggising niya kamuhian niya ko dahil ang akala niya hindi ako katulad nila, na isa rin akong normal at hindi imortal?

Pano kung pag gising niya nag bago na ang isip at puso niya? Pano kung hindi niya na ko mahal?

Pano kung lahat ng iniisip ko ngayon ay tama?

Ang daming tanong sa isip ko pero isa lang ang papanindigan kong sagot,

Mahal ko na siya at kahit anong mangyari papatunayan ko 'yun sa kaniya, bilang siya at hindi bilang si Kenneth. 

TO BE CONTINUED

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now