CHAPTER 36

8.2K 311 19
                                    

FIOLEE's POV

Ilang araw na ba ko nag iintay? Mga lagpas two weeks na ata akong andito sa bahay at walang ginagawa kundi manood ng tv, maglinis, magbasa at mag online para i-check kung nag message na ba si Marshall kaso katulad ng mga unang linggo lumipas wala talaga.

Wala talagang reply.

Napatingin ako sa kisame, nakahiga kasi ako ngayon at nag mumokmok dito sa kwarto ko, sabi nga ni mama mag enroll na daw ako pero sabi ko saka na pag andito na si Marshall para sabay kami.

Ang tagal naman kasi dumating ng mokong na 'yun, usapan namin isang buwan lang or sabi niya pipilitin niya daw na two weeks lang pero lumipas na ang dalawang linggo at actually lagpas na nga sa isang buwan wala pa rin siya.

Nakakainis naman na sayang ang isang buwan na bakasyon namin dahil sa pag alis niya.

*ring tone*

*bababa babanana*

*bababa babanana*

Napatingin ako sa cellphone ko na panay ang pagkanta ng mga minions kaya agad ko 'tong sinagot.

"Hello lolo James?"

"Hello Fiolee, Umuwi na si ate Ainah mo at may pinapabigay si Marshall sayo." parang lalo akong na lungkot, si ate Ainah nakauwi na? Nauna pa siya? Eh si Marshall kaya?

"Si Marshall po bakit hindi pa na uwi?" Narinig ko nagbuntong hininga si lolo.

"Ayaw pa siyang pauwiin ni papa dahil madami pa daw itong ituturo sa kaniya, pasenya na apo uuwi din 'yun, sa ngayon ipinahatid ko na kay James 'yung sulat ni Marshall para sayo." sulat? Bakit hindi na lang siya mag message sa'kin sa fb or tawagan ako? Madami naman siyang pera eh kaasar 'yun napakakuripot.

"Sige po iintayin ko na lang si Jasper salamat lolo James." at nagpaalam na ko at pinatay niya na ang call.

Maya-maya dumating din agad si Jasper dala 'yung sobre at umalis din agad, pumasok ako sa kwarto at binuksan ang sulat.

To Fiolee,

Kakornihan ko ba? Siguro nabubweset kana sa'kin kasi sabi ko two weeks tas lumagpas pa ng one month, sorry ha kasi si lolo Fred ayaw pa ko pauwiin, at isa pa hindi ako makapag message sa fb kasi iniba ni ate Ainah ang password ko at saka niya na daw sasabihin pag nakauwi na ko para makapag-concentrate din ako sa tinuturo ni lolo Fred. Sorry talaga Fiolee sana pag-uwi ko d'yan ako pa rin ha? Wala ka bang lalaki d'yan? Tamo may malaman lang akong na may lalaki ka papatayin ko 'yun at ikaw paparusahan ko haha.

Alam mo ba ang dami ko nang alam na mahika at kaya ko na ding itago ang pagkatao ko sayo, hindi mo na maamoy ang dugo ko haha at kaya ko na rin maging panike katulad 'yung napapanood na'tin sa movie dati, akala ko fantasy lang 'yun pero nagagawa ko na ngayon.

Fiolee pagkauwi ko gagala tayo tapos mag eenroll na tayo sa gusto nating school nila Prince tapos maghahanap na rin tayo ng dorm na'tin para na tayong mag asawa hihi kasi sa isang bahay na tayo nakatira kulang na lang anak natin, pero syempre igagalang kita pag nagpakasal tayo gagawa tayo ng isang barangay na mga anak.

Osige babye na, madami pa sana ako sayong ikukukwento pero pag-uwi ko na lang.

I love you girl friend haha

From Marshall

Natuwa ako sa mga na basa ko at namula rin at the same time nung nabasa ko na gusto niya ng anak. Nakakaloka naman kasi pati 'yun na iisip niya.

Busy pala siya at pinalitan ni ate Ainah ang password niya kaya hindi niya ko mareplyan. Okay na rin 'yun para nga makapag-concentrate siya sa ginagawa niya. Ang cool siguro ng mga nalalaman niya na ngayon, as in magiging paniki siya? Ano kaya itsura niya nun? Syempre cute na panike hehe.

Masaya naman akong malaman na ayos lang siya pero sana dalian niya umuwi kundi mang lalaki talaga ako hahaha.

Itinago ko 'yung sulat niya na mala doktor buti nga na basa ko.

Pagkatapos bumababa na ko para kumain, ako lang mag isa dito ngayon nasa trabaho si mama, kaya magbabasa na lang din ako ng libro.

Mga bandang 6pm bumuhos ang ulan at sinakop na nag dilim ang lugar namin, nakakantok tuloy wala akong magawa.

at hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako sa sofa.

❦❦❦

"Nak pwede pumunta kasa palengke? Bili mo naman ako nito oh." tumango ako saka kinuha 'yung listahan at umakyat na sa kwarto para magbihis, umaga ngayon at makulimlim ang langit.

Nag jacket ako at nag dala ng payong baka kasi umulan.

Pumunta ako sa palengke at pagkatapos ko mapamili ang lahat ay umuwi rin ako agad.

"Wala ka pang one or two hours at nakabalik ka na agad? Hindi ka man lang nag gala-gala?" sabi ni mama at umiling ako.

"Try mo naman mag gala nak mabuburo ka dito sa bahay sige ka." ngumuso ako.

"Oo na nga ma, eh nakakatamad naman kasi mag gala mag isa no." napatawa si mama.

"Nakauwi na si Prince mag gala kayo at sabi ni mama niya may pasalubong daw sila sayo." nag ningning ang mga mata ko at agad sinuot ang sapatos ko.

"Okay ma bye!" Natawa na lang si mama at ako naman na madaling pumunta kala Prince. Pero alas dos na ng hapon baka nagpapahinga pa 'yun, napaurong ako ng paglalakad.

"Tama nagpapahinga pa galing sa byahe 'yun." napasimangot na naman ako at naglakad papuntang park.

Dismayado na naman ako sa mga kaibigan ko at boyfriend ko, kailan ba sila ulit magkakatime sa'kin?

Naglakad na ko papuntang park at tamang tama nakita ko si Shun doon kaya agad ako tumakbo papalapit sa kaniya.

"Shun!" Nakita ko siyang ngumiti sa'kin at kumaway.

Umupo ako sa tabi niya. "Anong ginagawa mo dito ba't ka mag-isa?" Napakamot siya ng batok.

"Lagi naman ako mag isa Fiolee haha." sabagay.

"Eh anong ginagawa mo?" Pinakita niya sa'kin 'yung iniiskecth niya, ito 'yung park kung saan makikita mo ang mga puno at bench tapos makulimlim din ang langit.

"Ang galing mo pala mag drawing." nakita kong nahiya siya.

"Ah ito lang naman talent ko." tumingin siya sa'kin saka ngumiti.

"Pareho tayo haha pang banyo lang kasi ang boses ko at parehong kanan ang paa ko"

"Pareho pala tayo?" Tumango ako at napatawa kaming dalawa.

"Ang saya niyo naman,"

Napatingin ako salalaking nagsalita sa harap namin ni Shun at na gulat ako ng makita ko si Marshallna nakatayo sa harap namin, masama ang timpla ng mukha at halatang galit. 

TO BE CONTINUED

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now