CHAPTER 8

23.1K 664 23
                                    

MARSHALL's POV

Bakit ganun? bakit naiinis ako? hindi ko alam 'yung nararamdaman ko naiirita ako kay Prince, kay Fiolee basta naiinis ako!

"Sarap nilang pangasin." bulog ko.

Andito na ko sa kwarto at sinusubukan ko mag compose ng kantang panlaban sa kanilang dalawa. Kaso wala akong maisip sa sobrang inis ko.

"Marshall." paulit-ulit ko naririnig 'yung boses ni Fiolee tinatawag ako.

Yung tawa niya, 'yung itsura niya pagkinikilig siya, 'yung mga pagbubunganga niya at 'yung mukha niya pag nakangiti siya. Naiirita ako! tanga ba? pero naiinis talaga ako sa kanila kanina.

Naiinis ako ng hindi ko alam ang dahilan.

Tapos feeling ko pa problema lang ako ni Fiolee. Katulad kanina naiinis siya sa'kin kasi ano? kasi sumama ako sa kanila ni Prince? kasi guguluhin ko 'yung moment nila? ano bang mayroon sa mistisong prinsipe na 'yun ba't niya gustong gusto?

"Mistiso din naman ako ah? mistisong bampira nga lang tssk."

Sumalumbaba ako at tumingin sa labas ng bintana.

Bilog na bilog pala ang buwan ngayon, hindi ba nakakaapekto samin 'to? 'di ba sabi nila ang mga bampira daw nagbabago ng anyo pagkabilugan ng buwan?

"Apo wag mong titigan ang buwan!" na gulat ako sa nag salita, ano ba 'tong si lolo hindi marunong kumatok?

"Bakit lolo?" umupo siya sa kama ko at kinuha 'yung mga papel na nagkalat sa kama ko.

"Baka mahipnutismo ka at mawala ka sa sarili mo apo." saka niya binuksan 'yung mga nilamukos kong papel.

"Ganun ba 'yun? anong mangyayari pag nawala ako sa sarili?" tinaas niya 'yung ulo niya at tinigil ang pagbabasa

"Papatayin mo lahat ng makita mong buhay." kinilabutan ako sa sinabi ni lolo at bumalik ulit siya sa pagbabasa. Ngayon lang pumasok sa utak ko na binabasa niya pala 'yung mga kakornihan ko!

"Lolo wag 'yan!" agad kong inabot 'yung papel na hawak niya pero lumutang siya sa hangin. Pano 'yun? Ano 'yun?

"Lumilipad ka lo?" tumawa siya ng malakas at binatukan ako

"Oo! kagaya ng nakikita mo kaya natin gawin 'to." patuloy niyang binabasa 'yung papel! takte nababasa niya na! pano ko maabot 'yun?

"Subukan mong abutin apo!" tumalon talon ako pero 'di ko talaga kaya!

"hahahaha." napikon ako at binato ko siya ng unan tapul!

"aba pilyo ka ah! hahaha." bumababa siya at umupo sa tabi ko.

"'di mo pa kayang gawin ito sa ngayon pero matututunan mo din 'to apo." inakbayan niya ko.

"Eh lolo 'di ba sabi nila pwede tayong maging paniki?" May napapanood kasi akong ganun dati eh.

"Pwede kaso mga mahika iyon na ginagamit ng mga sinaunang bampira para makapagmasid sa mga tao, lumipas ang taon at nabura na ang kaalaman kung pano ba gamitin 'yun."

"Ahhh. 'di mo alam kung pano lo?" nagkamot siya ng ulo at tumawa

"Ang tatay ko alam niya pero wala siya dito sa bansa eh. Nasa england siya ngayon." nanlaki 'yung mata ko! as in? buhay pa ang lolo ng tatay ko?

"Hahaha wag kana magtaka apo." tinapik niya ko sa ulo saka bumalik ang tingin sa mga papel na nakakalat.

"Apo na gawa ka ng kanta ano? para sa babae? kanino sa kababata mo ba?" Napatayo ako sa sobrang hiya. ang gulo kasi ng sulat ko eh saka puro kakornihan, tapos tungkol pa daw kay Fiolee? tsk ewan!

"Hindi lo ah! Wala lang gawa-gawa ko lang 'yan, di ko nga alam kung para kanino o saan 'yang ginagawa ko eh." kinuha niya ulit 'yung papel at binasa

"Kaya 'di ka makagawa ng kanta kasi 'di mo pa talaga alam kung ano ba 'yung panghuhugutan mo. Kung para kanino ba talaga 'yang gagawin mo at kung ano ba ang gumugulo sa isipan mo." tumayo na siya at naglakad papuntang pinto. Pero bago siya umalis nagsalita ulit siya.

"Mas mabuti pa apo, kung ano 'yung laman ng puso mo iyon muna ang sundin mo hindi 'yung kung ano 'yung iniisip mo ngayon, pero syempre paganahin mo din ang utak wag lagi ito." saka niya tinuro ang parte ng katawan niya kung saan nakalagay ang puso niya.

"Mapanganib din kasi 'to, Kaya dapat sabay silang ginagamit. Pero sa ngayon unahin mong intindihin 'yung sinasabi ng puso mo saka mo gamitin ang utak mo." at lumabas na siya sa kwarto.

Napa-isip ako sa sinabi ni lolo, tama siya ano nga bang sinasabi ng puso ko?

Nagagalit ako ngayon kasi feeling ko nga problema lang ako ni Fiolee.

Oo tama problema lang ako sa kaniya, naiinis siya paglagi ko siyang inaasar, pero natutuwa ako pagginagawa ko 'yun sa kaniya.

Naiinis siya pag pinapakialaman ko siya,
Concern lang naman ako sa gagawin niya.

Naiinis siya pagginugulo ko ang buhok niya, eh pano doon ako nagiging masaya?

Problema lang ba talaga ako sa kaniya?

Napatingin ako sa papel at ballpen na nasa tabi ko. Saka ko naalala 'yung sinabi ni lolo na Unahin kong intindihan ang puso ko tapos saka ko gamitin ang utak ko.

Tingin ko makakapagsulat na ko ng kanta ngayon.

❦❦❦

Isang oras din nang matapos ko 'yung kanta, na lagyan ko na rin siya ng tono kaya okay na. Mga 11pm na ata ako nang matapos kaya humiga muna ako, nakakaantok na rin kasi anong oras na.

*tok tok*

"Sino 'yan?" Hindi pa rin ako nabangon at iniintay sumagot ang nasa pinto.

"Bagong katulong niyo po, pinadalhan po kayo ng lolo niyo ng pagkain." bagong katulong? eh napakadami na nga naming katulong ah.

"Ah sige pasok." pumasok siya sa kwarto at nilapag ang tray sa gilid ng kama ko.

"Master and'yan na po ang pagkain niyo, ubusin niyo daw po 'yan ," sabi niya.

Tinignan ko siyang maige, isa rin siyang bampira pero mukhang bata pa talaga at may mahaba siyang itim na buhok at mapulang labi katulad ng akin, nakasuot siya ng maid dress na parang cosplayer sa japan. Maganda siya at saka ano, at saka sexy.

"Ah master may ibibilin pa po ba kayo?" halatang nahiya siya sa ginawa kong pagtitig sa kaniya dahil namula ang maputla niyang pisnge. hahaha ang cute niya lang.

"Ah wala makakalabas kana." tas nun yumuko siya at naglakad nang palabas. kinuha ko naman 'yung pagkain at hinigop 'yung dugo.

Mga 11:30pm nag start na naman akong ayusin 'yung kanta, kinanata ko na 'to ng buo at ni record ko na rin para hindi ko makalimutan.

Dinalaw na ko ng antok kaya na tulog na ko pero bago ko ipikit ang mata ko, pakiramdam ko may nakatingin sa'kin. Pero hinayaan ko na 'yun dahil pagod na pagod na talaga ako. 

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon