CHAPTER 14

17K 583 39
                                    

Dedicated to moonjojo :)
Thanks sa pag support tears of joy
('°̥̥̥̥̥̥̥̥ω°̥̥̥̥̥̥̥̥`)



FIOLEE's POV


Ano ba 'to ang dami ko pang gagawin! hindi ko pa tapos 'yung sa algebra ko pati na 'yung sa science ko. Ano ba 'to! maloloka na ko!

*vibrate*

Napatingin ako sa cellphone ko na panay ang pagbi-vibrate sa mesa. Sino naman kaya ang nag text? agad kong kinuha 'yun at binasa ang message from unknown number.

'Hi Fiolee aq 2 c Prince nkitext lng, please wag kng mawawala bukas sa laban q ah! pra sau un so please be there' si Prince talaga masyado akong iniisip! Napatulala ako saglit at inisip 'yung sinabi niya, OO nga pala no bukas na 'yung event kaya dapat ready na ko mag cheer para kay Prince my labs ko.

Para sa'kin 'yung kanta na 'yun at pag nalaman ng mga ibang epal na student na may gusto sa kaniya titigilan na nila ang pagmamahalan namin. Okay! Fiolee ito na 'yun!

Kinuha ko 'yung poster paint at iba pang pwede kong gamitin pang design sa banner ng Prince my labs ko. At 'yun mga 1pm na ata ako nakatulog, okay lang tapos na naman 'tong banner para sa kaniya sure ako kitang kita niya 'to kasi pinaulanan ko 'to ng glitters no! ewan ko na lang kung walang makapansin sa banner ko.

❦❦❦

"Fiolee anak gising na, umaga na baka malate ka pa." kinusot kusot ko 'yung mata ko na nasisilaw sa liwanag galing sa nakabukas na kurtina ng bibtana. Umaga na pala. .

"Dalian mo maligo mayroon ka na lang 45mins para mag ayos anak," sabi ni mama saka niya sinarado 'yung pinto ko. Tumayo na ko at namadaling mag ayos. Kinuha ko na 'yung gamit ko at 'yung banner syempre na pinaghirapan ko.

Pagkababa ko kumain agad kami ni mama.
"Ma pwede mo kong uwian ng luto mo mamaya hehe?" paglalambing ko kay mama, hindi ko pa pala naikukwento na chef siya sa isang sikat na 5 star hotel dito samin. Minsan inuuwian niya ko ng mga luto niya galing sa trabaho.

"Oo naman." niyakap niya ko at hinalikan sa pisnge.

"Ikaw pa eh mahal na mahal kita Fiolee, okay ingat sa pagpasok ah Love you nak." kinuha niya na 'yung bag niya at na unang umalis, iniwan niya rin sa'kin 'yung susi dahil daw may importante silang guess kaya maaga rin siyang umalis at gagabihin siya umuwi.

Agad din akong umalis at kinandado ang bahay, naglakad na ko papasok at nung nakarating ako sa school na gulat ako kasi grabe 'yung mga ibang istudyante talagang tatalbugan ata nila ako sa banner. Feeling ko 'di na Song writing contest 'to kundi poster making contest eh. Pagandahan ng design para kay Prince. Pero na gulat din ako kasi may mga babaeng iisa ang kulay ng hawak na banner. Kulay pula, tinignan ko 'yung nakasulat dito at puro Marshall ang nakalagay. Grabe ha, hindi naman nila crush maige si Marshall? Oo nga pala kasali si Marshall. 'di kaya magtampo 'yun pag hindi ko siya chineer? hayaan mo na madami namang mag chicheer sa kaniya eh.

"Goodmorning Fiolee." bati sa'kin ni Julienne "Goodmorning din Julienne." saka ako umupo sa upuan ko.

"Fiolee na tapos mo 'yung assignment sa algebra?" tumango ako at kinuha 'yung notebook ko sa bag. Binuklat ko to at tinignan at at at at.

"Takte! Nakalimutan ko! hala!" Nag wawala na ko doon kasi terror pa naman 'yung teacher namin doon tapos 'di ko pa na tapos 'yung assignment ko. Pati 'yung sa science 'di ko pa tapos eh research 'yun! anong gagawin ko?

"Hahaha easy lang Fiolee," sabi ni Julienne na pinapahinahon ako pero wala talaga kinakabahan ako second subject ko na 'yung science!

"'Yan kasi iba inuuna." napatingin ako sa kakapasok lang na si Marshall, sukbit niya na 'yung gitara niya sa likod niya. Umupo siya at tinignan ako saka napukol ang mata niya sa banner ni Prince.

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now