CHAPTER 28

13.5K 407 14
                                    

MARSHALL's POV 

Ngayong araw wala naman bago kundi ang muling pagpasok ni Fiolee, nagtataka lang sila bakit nga raw siya absent ng dalawang linggo at katulad ng dati kong palusot sa kanila ay may sakit lang siya.

Wala naman naghinala sa sinabi ko pero maraming nakapansin na mukha daw siyang hindi nagkasakit dahil tumaba siya at mas gumanda.

"Grabe Fiolee ang cute ng hair mo." tumawa si Fiolee at halatang nahihiya dahil sa kaniya ang atensyon ng buong klase.

"Ah eh haha salamat. Ikaw ang bango mo Julienne amoy strawberry ka." inilapit niya 'yung mukha niya sa leeg ni Julienne kaya na taranta ako at hinawakan ang mukha niya.

"HAHAHA tama na amoy Fiolee bibilhan na lang kita ng pabangong ganiyan." pagpapakusot ko kaso nagtaka si Julienne.

"Hindi naman strawberry ang amoy nitong pabango ko eh. Candy ang amoy nito." Na tawa-tawa kami ni Fiolee.

"Ay amoy strawberry candy kasi hehe." tumawa na lang sila ni Bruce at nabalik sa upuan dahil dumating na ang teacher namin.

Wala naman kaming ibang ginawa kundi ang magpractice sa labas. Buti na nga lang at makulimlim ngayon kundi sunog kaming dalawa nito ni Fiolee.

"Marshall si Prince oh." tiniro niya 'yung pila ng mga class A. Simula rin kasi ng mabusted siya ni Fiolee parang naging matamlay na si Prince at malimit na siyang na sama sa'min ni Fiolee.

"Tawagin ko? Hindi pa naman mag uumpisa eh." tumungo siya at parang ang saya-saya.

"Prince." lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa balikat. Lumingon siya sa'kin at ngumiti.

"Oh bro." tumayo siya at umalis kami sa pila nila, madaming nakatingin pero hindi namin pinansin at pumunta kami sa pila namin nila Fiolee.

"Yow Prince musta na!" Bati ni Bruce sa kaniya at iba pang mga classmate namin na tropa niya na rin.

"Hello haha na miss ko kayo." napakamot siya sa batok niya.

"Hindi kana na dalaw sa classroom namin ah," sabi ni Julienne na nagtataka rin.

"Ah naging busy lang ako." napatingin siya kay Fiolee pero agad niya ding itong binawi.

Nakita ko naman kung pano sumimangot si Fiolee kahit naman papaano ay naging kaibigan namin siya kaya mahirap din kay Fiolee na iniiwasan siya ni Prince.

"Prince!" Sigaw ng vice president nila kay Prince kaya agad ding tumakbo si Prince sa pila nila at kumaway samin.

"Balik ako mamaya." sigaw niya.

Nakatungo si Fiolee ng buong practice at hindi nakikinig sa mga adviser namin na nasa stage. Lutang 'to kakaisip kay Prince.

"Hoy Fiolee ang panget mo." hinampas niya ko ng sobrang lakas kaya muntikan na ko matumba sa upuan ko kaya nakahatak kami ng atensyon.

"Hehe wala po 'yun," sabi ko na lang sa mga taong nakatingin sa'kin.

"Fiolee joke lang 'yun wag kana kasi sumimangot kakausapin ka rin ni Prince 'di lang 'yun ready dahil ngayon ka lang niya ulit nakita." pagkukunbinsi ko.

Nakahalata ata si Julienne sa nangyayari kaya inakbayan niya si Fiolee.

"Alam mo girl busted 'yung tao kaya ganun lang 'yun. Pero bigyan mo siya ng space at magiging ayos din ang lahat." napatingin kami sa kaniyang. Alam niya?

"Nakaw kahit 'di niyo sabihin sa'kin kilala ko naman si Fiolee at syempre nahahalata ko sa mga kilos niyo." ngumiti siya sa'min ni Fiolee.

"Kahit nga alam kong may iba pa kayong lihim okay lang sa'kin eh haha tropa kasi tayo." niyakap niya si Fiolee kaya niyakap niya rin 'to.

Your Blood Is MineOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz