CHAPTER 56

6.4K 243 20
                                    

MARSHALL's POV

Pangalawang araw na namin dito sa resort at ngayong umaga tirik na tirik ang araw ay nagkayayaan silang maligo sa dagat.

"Tara dalian mo Reyly!" Sigaw ni Prince kay Reyly na hindi makalabas sa cottage dahil nga sa takot ito sa araw, isa pa pala iyon hindi alam ni Prince ang tungkol kay Reyly.

"Ayaw ko masisira ang skin ko mamaya na kong gabi." sigaw niya rito kaya na tawa ako sa reaksyong binigay nila.

"Ano ba kayong apat tara na!" Sigaw ni Prince.

"Oo nga ano ba ang K-KJ niyo naman." natatawa ako na natataranta dahil isa pa kong hindi makalabas dahil sa sinag ng araw.

"Alam niyo para kayong mga bampira!" Sigaw ni Angelo."Oo nga ang puputla niyo na oh, unti na lang talaga 'di na ko magtataka na bampira kayo haha." dagdag naman ni Jude kaya nagkatinginan kaming apat pwera lang kay Fiolee na kasalukuyang ang sarap ng pagbibilad sa araw.

"Mamaya na kami, sayang naman 'tong ipinundar kong likas papaya sa balat ko kung mawawala lang sa isang liguan." palusot ni Jonas saka kumain ng kumain.

"Ako naman may allergy sa buhangin kaya bawal ako d'yan." kumunot lalo ang noo nila.

"Oh ikaw Marshall anong palusot mo?" Tanong nila Jude.

"Nakaw men tara na maligo na tayo, mga KJ 'yan lunudin na'tin 'yan mamayang gabi." biglang akbay ni Prince kay Angelo at Jude na panay ang pilit sa'min kaya wala na silang na gawa kundi maligo na.

Nakahinga naman kami ng maluwag dahil pinalusot na kami ni Prince, kaya iyon nanuod na lang kami sa kanila at sumama sa picture.

Kumakain na kami ng tanghalian sabay-sabay, ang daming inihanda ni tita Fionna kaya grabe ang sarap ng kain namin at busog na busog talaga ako.

"Marshall ito pa oh." inabot ni Fiolee 'yung kanin kaya naman kinuha ko 'to pero hindi ko sinasadyang mapatingin sa kaniya.

Napatitig ako sa mukha niyang basa at buhok niyang nakalugay, hanggang sa suot niyang damit.

Teke-teka! Napaka manyak ko na ata kanina pa ko naaakit sa katawan niya ah, pano ba naman naka swim suit siyang yellow at shorts na maong kaya kitang kita ko ang balat niya at katawan niya, parang gusto kong hawakan at yakapin 'yun pero syempre pinipigilan ko.

"Nakaw papa Marshy matutunaw 'yan," sabi ni Angelo kaya nagtawanan sila, nakatulala na pala ako kay Fiolee at bahagya pang nakabukas ang aking bibig.

"Sorry-sorry." napakamot na lang ako ng batok ko at kinain lahat ng nasa plato ko.

Sheeet lahat pala sila nakatingin sa'kin samantalang ako nakatingin lang kay Fiolee, ang ganda-ganda niya kasi eh kaya hindi ko maiwasang titigan siya. Isa pa lalaki rin naman ako at talagang attracted kami sa mga babae.

Natapos kaming kumain at unting kwentuhan at palipas oras lang ang ginawa namin bago tuluyabg lumubog ang araw.

Sa swimming pool na kami na ligo dahil high tide na ngayon ang dagat at isa pa masyado ng madilim sa labas.

Nag sitalunan na kaming lahat doon at masayang naglaro sa tubig, kung ano anong pakulo ang tinuro sa'min ni Dexter ayon daw sa mga na basa niya, una ayaw namin mag sisunod dahil baka korni lang pero in the end ginawa na rin namin at masaya naman siya.

"Nakakapagod talaga 'yun haha." andito kami ni Fiolee sa gilid ng pool habang ang mga paa namin ay nakalubog sa tubig.

"Oo nga eh pero masaya." saka siya tumingala at tumingin sa kalangitan.

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon