CHAPTER 55

7K 249 26
                                    

DEDICATED TO: Iceytower 

FIOLEE's POV

Tatlong araw bago ang kaarawan ni Marshall, byumahe kami magkakabarkada papuntang Cavite at tuwang tuwa sila dahil first time lang sila makarating dito sa bahay bakasyunan nila Marshall. Isa itong resort na pag mamayari nila lolo James, manghang mangha kami sa kalakihan nito at ganda ng mga matiryales na nasa loob nito. Kaniya-kaniya kaming higaan nila Julienne at ganun din sila sa kabilang kwarto, kitang kita dito ang ganda ng tanawin sa labas.

"Mga anak kakain na." sigaw ni mama ng buksan niya ang pintuan ng kwarto namin nila Reyly.

"Sige ma bababa na," sabi ko at nag ayos na kami ng mga gamit, kasama rin sila ate Ainah at mama dito pero nasa kabilang kwarto sila natutulog, tatlong araw kaming mag sta-stay dito para i-celebrate ang birthday ni Marshall at mag bakasyon na rin at the same time.

"Ang cute ng mama mo Fiolee, mukhang bata pa siya," sabi ni Reyly habang inaayos ang mga damit niya.

"Oo nga eh kahit single mom lang siya."

"Hindi niya na naisip maghanap ng iba?" Umiling ako.

"Madami ngang nanliligaw sa kaniya pero sabi niya sa'kin na sama daw ni papa ang puso niya kaya hindi na daw siya mainlove inlove pa sa iba kahit payag ako ayaw niya na talaga." napahanga sila sa tatag ni mama.

Miske ako eh sobrang tinitingala ko ang mama ko dahil napalaki niya ko ng maayos at hindi sumasalalaysa iba.

Siya ang pinakamatibay na babaeng kilala ko.

❦❦❦

Natapos ang tsimisan at lumabas na kaming tatlo sa kwarto para kumain, pagbaba namin doon ay nakaupo na silang lahat sa kaniya-kaniya nilang pwesto.

Kumain na kami ng sabay-sabay at nag kwentuhan, ang saya nga kasi akala nila 'yung mga kasama naming matatanda ay kaidaran lang namin at si lolo James akala nila papa ni Marshall.

Madaming nahumaling kay ate Ainah dahil talaga namang maganda ito at natatawa kami once na aminin niya na ang edad niya parang lumagapak ang puso nila Jonas sa balitang 'yun.

Natapos kaming kumain at sama-sama kaming nilibot ni Marshall sa labas kahit gabi na, pero hindi muna kami naligo sa dagat or pool dahil mga pagod din kami sa byahe kaya nag set sila ng bon fire sa buhanginan sa tapat ng dagat at doon kami ng kwentuhan at kantahan, nilabas ni Marshall 'yung gitara niya at sinimulang kumanta ng kahit anong i-request namin. Ginawa na nga namin siyang radio at sa kaniya kami sumasabay sa pagkanta.

"Gosh papa Marshall 'di mo naman sinabing nakakahumaling pala ang boses mo natu-turn on ulit tuloy ako sayo," sabi ni Angelo kaya binigay ni Marshall ang gitara kay Dexter.

"Mas maganda ang boses ni Dex, 'di ba Dex." umiling si Dexter at pinasa ang gitara kay Jude.

"Ayon sa nalaman ko mas maganda ang boses ni Jude." at pinasa niya ang gitara kay Jude kaya na galit ito at akmang ihahampas sa kaniya ang gitara kaya iyon nag habulan na naman silang dalawa.

"Baka mag katuluyan ang dalawang iyon 'di kaya?" Nabanggit ko na lang kaya na tawa silang lahat.

Mga bandang 10pm na sila nag kaayayaan matulog pero ako nag stay lang muna doon.

"Ey love birds hindi pa ba kayo papasok?" sabi ni Prince at umiling ako saka naman kumpas ng kamay ni Mashall na pinapaalis si Prince.

"Okay then, una na ko guys." at naglakad na siya pabalik sa mansion kaya na iwan kami ni Marshall dito kasama ang gitara niya.

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now