CHAPTER 42

8.6K 299 21
                                    

MARSHALL's POV

Maaga kaming gumising ni Fiolee at nag try akong magluto para saming dalawa, first time ko 'tong gagawin feeling ko tuloy asawa niya ko na handang ipagluto siya, tama ba 'tong iniisip ko? Kalalaki kong tao eh mukhang mas kinikilig pa ko sa kaniya.

Hindi ko masisisi ang sarili ko dahil pakiramdam ko asawa ko na talaga siya, sana habang buhay kami magkasama ni Fiolee at syempre kasama ang magiging mga anak namin hihihi.

"Marshall mukha kang manyakis." nabulunan ako sa sinabi niya, kaya napatingin ako sa kaniya na mukhang nauuta na sa luto ko.

"Bakit naman ha? Napaka mo kamo, at isa pa ayaw mo ba n'yan?" Umiling siya.

"Hindi ah masarap nga eh hehe." halata naman sa mukha niyang nadidiri siya sa lasa, hindi ko siya masisisi kakasimula ko lang pag aralan 'tong pagluluto at sa ayaw nIya't hindi siya ang paulit-ulit na titikim dito.

"Hayaan mo gagalingan ko pa tamo mag iimprove ako." ngumiti siya sa'kin at sinubo 'yung piraso ng manok.

"Mosorop syo no." punong puno ang bibig niya habang sinasabi 'yun at dahil doon napagaan niya ang loob ko.

Nag ayos na kami para pumunta sa mall at bumili ng mga gamit namin sa school, nilista niya pa bawat gamit na bibilhin namin at sabi niya dapat daw lahat ng gamit namin eh pareho kami.

"Oh ba't may color dito? Ano tayo elementary?" sabi ko habang binabasa ang listahan at tulaktulak ng kabila kong kamay 'yung cart.

"Bakit Graphic Artist ako kaya kailangan ko n'yan." nahiya ako! pahiya ako unti doon ah.

"Eh ba't napaka daming cooking materials dito? Saka na 'to pag binigay na nga prof namin 'yung kailangan namin." ngumuso siya.

"Incase lang naman para may gamit din sa bahay." suko na ko.

"Gastadora mo." inirapan niya ko.

"Syempre pera mo gamit eh." at nag lakad siya papunta sa mga coloring materials. Napaka taray talaga nito may time na sweet at isip bata may time naman na parang matandang menopause na tsk.

"Wow tignan mo 'to Marshall oh couple notebook." masaya niyang kinuha 'yung design na lalaki at babaeng nagtatawagan tapos once na ipinag dikit mo 'yung book magkakonekta na 'yung string nung phone.

"Ilalagay ko na 'to dito ah." tumango na lang ako, ang girly pa rin kasi nung design kahit sabihin mo nang lalaki 'yung nakadrawing.

Baka isipin nila baklain ako sheeet.

"Marshall tignan mo 'to ang cute oh." at 'yun kung ako ano na 'yung laman ng cart namin na wala naman sa listahan. Ano bang silbi ng listahan na 'to?

❦❦❦

"Grabe na gulat ako sa presyo hindi ko akalain na aabot 'yun sa ganun." pinanglakihan ko siya ng mata at umaktong nang gigigil. Pano kunwari pa siyang hindi niya alam na ganun kamamahal 'yung mga pinaglalagay niya sa cart namin.

Pa-inosenten pa tsk!

"Alam mo kung anak lang kita pinalo na kita ng tyinelas sa pwet." nag peace sign siya sa'kin at sinubuan ako ng fries.

"Kumain kana lang ang sarap kaya." andito na kami ngayon sa mcdo at kumakain ng bff fries. Oo bff fries ang gusto niya kasi feeling niya daw unlimited 'yung fries eh kaya-kaya ko kayang ubusin mag isa 'tong ganito kalaki.

"Ito pa Marshall tatlo 'tong coke float eh ayaw ko ng lasa pag nahalo na 'yung ice cream sa coke errk." nag inarte pa na kunwari eh nasusuka.

"Alam mo sana bumili na lang ako ng fries sa super market kanina at prinito sa bahay kung fries lang pala ang trip mong kainin." nag thumbs up siya.

"Bright idea! Bibili na rin tayo ng grocery na'tin for this month." kinamot ko ang batok ko at napasabunot na lang sa buhok ko sa inis.

"Tingin mo mabubuhat ko pa 'to? Ha ha?" Tumango tango siya at lumapit sa'kin sabay bulong na.

"Oo naman bampira ka eh." suko na talaga ako, ibalik niyo 'to sa cavite please. Ibalik 'to sa nanay niya! Sa sinapupunan mismo ni tita Fionna!

Napabusangot na lang ako at sumunod sa gusto niya, wala eh pag mahal mo talaga lahat susundin mo kahit mag mukha kang tanga, nakakabulag nga naman ang pag-ibig.

Pumunta kami sa super market at nag libot, inutusan niya pa kong bumili ng whisper with wings daw at cotton and clean 'yung kulay blue dahil daw 'yun ang gusto niya at ako naman nakipag sabayan sa mga nanay na kumuha ng napkin niya dahil 50% off 'to ngayon.

Pinagtitinginan nga nila ako at natatawa sila sa pinaggagawa ko. Nung makakuha na ko eh inabot ko sa kaniya at nakita kong kinilig 'yung mga nanay na bumibili saka sinabing,

"Para sa girl friend niya naman pala hihi."

Wala eh mahal ko nga kasi!

Natapos ang nakakapagod na labanan at bakbakan sa mga buhatin ko kanina ng makauwi kami sa unit, buti na lang kamo at elevated 'to kundi mamatay matay ako sa pag akyat sa hagdan.

"Marshall anong iluluto mo?" Nakanguso niyang sabi sa'kin habang nanonood kami ng TV.

"Ano ba gusto mo? Mag sardina na lang tayo para tipid saka na tayo magluto ng magastos pagkakain tayo dito ng tanghalian.

Niyakap niya ko sa braso ko at kinuskos 'yung pisnge niya dito, tamo iba na naman siya kanina mataray at pilya ngayon naman parang pusa.

"Sige-sige basta ikaw ang maghuhugas hehe." napabuntong hininga ako at napangite sa kaniya.

Ginulo ko ang buhok niya at pinitik ang noo niya. " Oo ako na matulog kana pagkatapos mo kumain para makapagpahinga kana." tumingin siya sa'kin at pinakita ang mga ngipin niya parang kuneho sa'kin sa pamamagitan ng ngite.

Nakakatuwa 'yung maliliit niyang ngipin at dalawang magkadikit na malaking ipin sa unahan, hindi naman mahalay tignan na mukhang kabayo o talagang rabbit ah hindi naman kasi ganun kalaki ito kaya cute tignan.

"Salamat Marshall." sinandal ko ang ulo ko sa ulo niya.

"Masakit ang likod ko hilutin mo." utos ko sa kaniya at agad naman siyang tumayo at minasahe 'to kaso imbes na gumaan ang pakiramdam ko eh lalo 'tong lumala at feeling ko mababali ang likod ko eh.

Kumain na kami at gaya ng napag usapan ako ang naghugas at nag saing ako na lahat hahaha.

Pumasok na siya sa kwarto niya at ako nanood pa saglit ng mga palabas sa TV.

FIOLEE POV

10pm na pero hindi pa rin ako makatulog, paikot ikot ako sa kama ko katulad kagabi hindi pa siguro ako sanay dito sa bagong bahay namin at feeling ko may multo ditto sa kwarto ko.

Pano 'yung bawat sulok ng kwarto ko ang dilim tapos bakante pa kaya feeling ko may batang nakaupo doon at maputla ang balat tapos umiiyak waaah.

Hindi ako mapakali at lumabas sa kusina/salas namin dahil maliit lang naman ito, kaso nakita kong bukas pa ang TV at paglapit ko dito at natutulog na pala si Marshall.

Lumuhod ako para silipin ang mukha niyang mahimbing na natutulog.

Pinagod ko siya kanina sa pamimili nakakaawa naman 'to. Lumapit ako sa mukha niya at tinitigan 'to.

Ang cute talaga ng boyfriend ko.

Tumayo ako at pinatay ang TV, napatingin ako sa kwarto ko na sobrang dilim at bumalik ang tingin ko kay Marshall.

Sa kwarto ko.

Kay Marshall. .

Sa kwarto ko.

Okay sige dito na ko matutulog sa tabi ni Marshall hehe, dinaganan ko siya at pilit na siniksik ang sarili ko umingit siya pero niyakap niya rin ako.

Nakaharap ako sa mukha niya at napangite, sobrang komportable na katabi ko siya, ilang beses na 'to nangyari at hindi ako nag sasawa sa pakiramdam na 'to.

Ang saya-saya ko ngayong araw na 'to.

Sana hindi matapos'yung mga ganitong pangyayari sa'min ni Marshall. 

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now