CHAPTER 32

10.9K 372 17
                                    

MARSHALL's POV



Masakit pa rin 'yung braso ko bakit ganun parang ang tagal naman nito maghilom.

"Hays." napabuntong hininga ako dahil nakakatamad ang bakasyon namin, tapos 'tong si Fiolee ayaw pa ko papasukin sa kwarto niya 'yan tuloy wala akong makausap.

Ah alam ko na i-tetext ko na lang siya.

To: Fiolee MyLoves So Sweet <3
Hi Fiolee kamusta?

Parang ang corny naman ng entry ko. Pero iyon kasi 'yung unang pumasok sa isip ko eh ano kaya ire-reply niya?

From:Fiolee MyLoves So Sweet <3
Bkit?

Ikli naman ng reply niya parang tinatamad ata siyang kausap ako, ano ba 'yan wag niyang sabihin na nagsasawa na agad siya sa'kin ang sakit naman isipin nun! three days palang kami tapos nag sasawa na siya sa'kin? Awts.

To:Fiolee MyLoves So Sweet <3
Nag sasawa ka na ba sa'kin?

Ewan ko para akong tanga pero gusto ko malaman ang sagot niya.

From:Fiolee MyLoves So Sweet <3
Sobra sawang sawa na ko sa mukha mo Marshall XD

Awww ang sakit-sakit naman nun! Grabe pag sa mahal mo pala galing ang salitang 'yun parang gumuho na ang puso mo no. Sawa na siya sa'kin? Anong gagawin ko para mamiss niya ko?

Hindi na ko nakapag-reply dahil sinimulan ko na mag internet at maghanap ng mga tips kung pano hindi magsasawa ang mga babae sa partner nila.

Unang na basa ko is dapat daw may miss moments kayo? Ano naman 'yun.

Kaya binasa ko pa at ang sabi ay dapat daw may mga time na hindi kami lagi magkasama para naman may time na mami-miss namin ang isa't isa.

Eh kung ganun naman pala eh edi hahayaan ko nang mag-sawa siya sa'kin kesa lumayo ang isa samin. HAHAHA

*tok tok*

Napabangon ako at agad sinara ang laptop ko, binuksan ko ang pinto at niluwa nun si ate Ainah na may dalang meryenda.

"Oh kumain ka na muna." tumingin siya sa braso ko, nakalimutan ko nakasando lang pala ako nakita niya tuloy ang sugat ko.

"Saan galing 'yang hiwa na 'yan ha?" Daredaretsyo siya pumasok sa kwarto ko at umupo sa kama ko, Nataranta ako ng hawakan niya ang laptop ko kaya agad ko 'tong inagaw at nagtaka siya sa ginawa ko.

"Hoy Marshall, ako 'yang pinapanood mo sa laptop mo? Porn 'yan no kaya todo tago ka!" Namula ako at umiling.

"Hindi no!" ngumisi siya ng pangasar. Ayoko ng mga ngiti niyang ganito dahil alam ko may iniisip siyang masama.

"Hoy ate Ainah lumabas kana nga ng kwarto ko." inirapan niya ko at dumikwatro ng upo.

"Sabihin mo muna kung ano 'yan." sabay ngiti niya sa'kin ng mapangasar.

"Wala 'to games lang 'to." nakakahiya naman kasi kung malaman niya na nag se-search ako ng tungkol sa kung pano mapapatibay ang relasyon eh kalalaking tao ko. Kadalasan kasi babae ang na gawa nito.

"Kung games 'yan akin na palaro." tumayo siya at inagaw ang laptop ko kaya napalipad ako, tumayo siya binato ako ng unan kaya nahulog ang laptop at sinalo niya.

"Shems nakakalipad kana pala! Buti na lang matalino ako." agad niyang binuklat ang laptop ko at 'yun na basa niya na 'yung mga tips. Halos mamula ako dahil tawa siya ng tawa at panay ang asar sa'kin.

"Shit Marshall ang bading mo! HAHAHAH." semento bumuka ka! Kainin mo na ko.

"Hahaha ang corny mo pero super nakakakilig 'tong ginagawa mo haha." napakamot ako ng ulo, anong nakakakilig?

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now