CHAPTER 30

12.6K 374 16
                                    

MARSHALL's POV

Natulog ako ng sobrang lapad ng ngiti sa labi. Ikaw ba naman makaraos sa apat na taon ng pag-aaral at napakaganda pa ng regalo sayo ng taong mahal mo 'di ba? Hindi ka magkakaroon ng napakalapad na ngiti na pwede nang mapunit ang labi mo?

Ang saya kaya! Parang hindi ako makakatulog nito sa saya, parang gusto ko isipin lahat ng pwede namin gawin ni Fiolee habang mga Bf/Gf kami. Grabe hindi ko inaasahan ganito pala kasaya ma-inlove.

Parang kang lilipadin sa tuwa.

Alam ko na bukas na bukas gagawin namin ang first ever date namin ni Fiolee. Bakla ko ba? Eh sa kinikilig ako eh.

Nakatulog na ko kakaisip ng mga pwede naming gawin bukas ni Fiolee at hindi ko namamalayang umaga na pala.

Bumangon ako at naghilamos, pag angat ng ulo ko nakita ko agad ang ngiti sa mukha ko sa salamin. Mukha pala akong baliw?

Bumaba na ko sa hagdan para kumain kasabay ng girlfriend ko.

Sheeeet grabe may girlfriend na ko at si Fiolee pa heaven!

"Marshall bakit ganiya ka ngumiti nakakatakot? Umagang umaga oh." napatingin ako kay ate Ainah na nag hahanda ng mga pagkain.

"Wala ate Ainah. Teka Goodmorning," bati ko sa kaniya kaya nag iba ang itsura niya na mukhang nagtataka.

"May kakaiba sayo Marshall natatakot ako," sabi niya ng nakapamewang.

"Hindi ba pwedeng masaya lang talaga ako?" ngumisi siya at tumalikod sa'kin. Hindi niya na ko pinansin at bumalik sa pagtulong sa mga kasambahay namin maghanda ng pagkain.

"Goodmorning Marshall." napatingin ako sa kadadating lang na si Fiolee. Ganun pa rin naman ang mukha niya kada umaga pero para sa'kin lalo siyang gumaganda.

"Go-good morning." nauutal ako, hindi ako makatingin ng daretsyo sa kaniya para kasing nahihiya pa ko. Saka sa ginawa ko kagabi nakakahiya! Hindi ko napigilan hunagulgol sa harap niya.

"Ow Fiolee gising kana rin pala," sabi ni ate Ainah na may dalang kanin.

"Goodmorning ate Ainah." bati sa kaniya ni Fiolee at parang napatitig siya dito.

"Teka-teka. Ako lang ba ang nakakahalatang ang blooming niyong dalawa? Ipaliwanag niyo nga?" Natatawa niyang sabi at pinagkatitigan kaming dalawa.

"Aminin niyo anong mayroon?" Napayuko si Fiolee, nahihiya atang aminin na kami na.

"Ah eh." pinigil ko si Fiolee at ako na nagsalita.

"Girlfriend ko na kasi siya kaya ako masaya okay? At kaya ganiyan makangiti 'yan si Fiolee dahil napakaswerte niya at boyfriend niya ko hindi siya makapaniwala okay na ate Ainah?" Lumaki ang mata ni ate Ainah at ilong ni Fiolee sa sinabi ko HAHAHA

"KAPAL MO MARSHALL UMIYAK KA PA NGA KAGABI SA TUWA!" Namula ako doon ah. Agad akong tumakbo sa tabi niya para pigilan ang bibig niya sa pagkutata.

"Mousholl moo ahsosbwoapaqb." bigla niya kinagat ang kamay ko kaya napahiyaw ako. Ginamit niya kasi ang pangil niya.

"ARAY!" natatawa na lang si ate Ainah samin.

"Tama na 'yan, kumain na tayo." Pababa na si lolo James kaya nagsiayos na kami ayaw niya kasi magulo pag nasa harap na kami ng pagkain.

Natapos ang pagkain at asaran sinabi ko na rin kay Fiolee ang plano kong date kaya nagpaalam na kami kala lolo James kung pwede kaming gumala at pumayag naman sila basta daw mga 7pm nasa bahay na.

So ito ako ngayon todo ayos ng mukha at porma ko. First date namin 'to kaya dapat maging proud siya na ako ang kasama niya maglakad at dapat maingit lahat ng mga babaeng makakakita sa'min sa kaniya dahil ang pogi ng kasama niya.

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now