CHAPTER 48

7.8K 252 23
                                    

DEDICATED TO:

Shadow_Lady22 


FIOLEE's POV

Mag uumpisa na ang finals namin, ang bilis ng panahon dati pasukan lang ngayon mag se-second semester na kami.

Busy lahat sa pagsusunog ng kilay syempre puspusan na 'to dahil last chance na namin 'to para bumawi this sem. Scholar pa naman din kami nila Marshall kaya dapat mabalance namin 'yung grade namin na hindi bababa sa dos. Hirap kaya ng math, nakakainis dahil Graphic artist na nga ang kinuha ko para puro art na lang pero may math pa rin at english, okay lang ako sa english pero bakit may math!

"Anong sukat nung isang triangle?" tanong sa'kin ni Shun habang nakain kami dito sa garden.

"30° by 60°," sabi ko sa kaniya, napatingin naman ako kay Reyly na busy sa kakaayos ng buhok niya.

"Reyly 'di ka mag rereview?" Umiling siya.

"Bakit?" Hindi ba siya magte-take ng exam?

"Tatlong beses ko na na-take ang exam na 'yan, alam mo naman," humina bahagya ang boses niya.

"Lahat ng course dito alam ko na," sabi niya at bumalik sa pag-aayos.

"Iba talaga pag matagal kana dito no, teka matanong kita buti hindi nila napapansin or ng mga teacher dito na naging student ka na nila dati?" Usisa ni Shun, tama siya pano 'yun?

"Tumitigil naman ako ng 2 years at babalik ulit, isa pa iba iba ang name na ginagamit ko saka sinasabi ko na, baka kamukha ko lang." napalapit ako sa kaniya. Grabe siguro laki ng ginagastos niya para sa pag papalit ng pangalan at siguro pwede na rin siya maging teacher dahil alam niya na lahat or na pag-aralan niya na. Grabe.

"Anong totoong name mo?" Tanong ni Shun.

"Reyalinda." napaikom ako ng bibig at pinilit wag matawa.

"Teh ang baho, napakaluma na HAAHA." tumingin siya sa'kin ng masama.

"Paglulumaan din ng panahon 'yang pangalan mo Fiolee kala ko ba." Na putol ang tawa ko at siya naman ang tumawa.

Tama siya mag mumukhang matanda na rin ang pangalan ko pag lumipas ang mga panahon.

Ipapapalit ko na lang din siguro hehe

"Teka Fiolee himala wala sila Marshall?" tumingin ulit ako sa libro ko at sinulat 'yung re-reviewhin ko.

"Nagbe-bake sila kaya daw na urong 'yung pasok nila, for batch daw second batch ata sila kaya mamaya pa ang break nila." sinulat ko 'yung mga mahahalagang lesson na baka lumabas sa exam.

"Ahhh kaya pala," sabi ni Reyly at na putol na doon ang usapan kasi todo review na kami.

This fast few days lagi na lang kaming busy ni Marshall, pag nasa bahay naman kami lagi din kaming may ginagawa, siya busy magluto ako busy mag drawing at gumawa ng mga plates namin sa subject ng DRW.

Minsan na iisip ko na pareho na kaming walang time sa isa't isa, nasa iisang bahay nga lang kami at magkatabi lang ang mga kwarto namin pero ang dalang namin mag usap kaya parang ang layo-layo namin sa isa't isa.

"Ang gaganda talaga ng mga classmate nila Jonas no." napatingin ako sa dereksyon kung saan nakatingin si Shun.

Puro babae nga pala ang mga classmate nila Marshall.

"Ang puputi naman over dinaig pa tayong mga bampira sa putla," sabi ni Reyly at sinundan ko ng tingin 'yung mga babae, ang kikinis nila tapos ang ikli pa ng skirt ng mga HRM na babae.

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now