CHAPTER 53

6.7K 267 13
                                    

MARSHALL's POV

Maagang na tapos ang exam namin at andito kami ngayon tambay sa field at nanonood ng mga naglalaro ng soccer.

Nakakatamad naman kasi umuwi sa bahay tapos wala naman kaming pera ngayon para gumala kaya dito muna kami kwentuhan na lang dito sa lilim ng puno.

"Dapat kasi nilagyan niyo ng pangalan na'tin 'yung kubo," sabi ni Jonas.

"Tangek eh 'di naman talaga atin 'yun, hayaan niyo na minsan lang naman may tumabay doon," sabi ni Shun, dapat kasi sa kubo kami tatambay kaso na unahan kami.

"Guys may mga panaginip ba kayo?" Singit ni Dexter saka niya binaba 'yung librong hawak niya.

"madami kaso alam niyo 'yung panaginip na hindi mo matandaan pero alam mo nanaginip ka tapos minsan ang gulo, kasi kunwari si Marshall ang kasama ko tapos mamaya ikaw na Shun." kwento ni Jonas kaya na tawa kami, lahat tuloy kami doon na tuon ang atensyon sa usapan.

"Alam niyo bang may meaning 'yan?" Seryosong sabi ki Dexter saka tinaas ang librong hawak niya.

"Ayon sa librong ito, may mga panaginip na gabay para sa hinaharap mayroon namang dala lang ng kaisipan at mayroon ding iyon talaga ang mangyayari sa hinaharap." napaisip kaming lahat, tahimik at lahat kami inaalala bawat panaginip na dumaan sa'min, biglang pumasok sa isip ko 'yung nag-iba ng pagkatao si Fiolee, na sakop na daw ni Renz ang katawan niya.

"Eh may mga sign din 'di ba minsan, kunwari nakakita ka ng bulate itaya mo daw sa lotto 'yung otso?" Seryosong sabi ni Angelo.

"Oo pwede daw mag katotoo eh, pero ayon dito sa na basa ko may time daw na likha na lang ng iniisip mo bago ka matulog ang panaginip mo, kunwari iniisip mo 'yung bagay na 'yon bago ka matulog, maari mo daw mapaniginipan iyon"

"Ahhhhh." Sabay-sabay naming sagot.

"Pano kung napaniginipan ko na sinasakal daw kita Dexter?" sabi ni Jude na nakakunot na ang noo.

"Ayon sa na basa ko hindi daw totoo 'yun." pinatunog ni Jude ang mga daliri niya sa kamay.

"Pero magkakatotoo na 'yun ngayon kung hindi ka mananahimik." biglang tumakbo si Dexter at sumunod si Jude kaya nag tawanan kami at tinanaw sila sa malayo.

"Bakit ang init ng ulo ni Jude kay Dexter? HAHAHA." napakamot na lang kami ng ulo habang pinapanood sila naghabulan.

❦❦❦

Mga bandang 7pm umuwi na kami ni Fiolee at sumakay sa taxi, pero hindi maalis sa utak ko 'yung sinabi ni Dexter, totoo kayang pwedeng mangyari ang mga panaginip?

"Marshall okay ka lang?" Natumango ako sa kaniya at pinitik ang noo niya.

"Oo naman may iniisip lang ako." sumandal siya sa balikat ko.

"Ako rin eh, 'yung sinabi ni Dexter kanina." napatingin ako sa kaniya, so iniisip niya rin 'yun?

"O bakit mo naman iniisip 'yun?" ngumuso siya at tiningala ako.

"Magugulo kasi ang mga panaginip ko."

"Tungkol saan naman?"

"Kay Renz." napatingin ako sa kaniya, na bigla rin ako dahil napapaniginipan niya rin si Renz?

"Napapaniginipan mo rin siya?" Napatawa siya saglit.

"Lagi naman eh, saka alam mo doon niya ko kinakausap." ngumiti siya sa'kin at sumandal ulit.

"Anong sinasabi niya?" Matagal siya bago sumagot.

"Nilalambing niya ko." tapos nagbuntong hininga siya.

"Kaso pagtapos nun hihilahin niya ko sa ilalim ng tubig at parang hinihigop niya ko papasok sa loob niya." napaayos ako ng upo at na bigla siya dahil nga sa nakasandal siya sa'kin.

"ANO!"

"Sir, Maam andito na po tayo." napatingin kami sa driver at nagbayad na saka bumaba.

Na putol ang usapan namin doon, pero patuloy pa rin itong tumatakbo sa utak ko. Ano bang ibig sabihin ng mga iyon? Bakit parang pareho at tugma ang mga panaginip namin?

Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay na nood muna kami ng movie, ito ang past time naming dalawa kahit noong mga bata pa kami mahilig kami manood ng mga movie na ang genra ay zombie.

"Ang pogi ni R." na patingin tuloy ako sa kaniya, ang panget-panget eh mas pogi pa ko doon.

"Saan banda sa baba niya?" Hinampas niya ko, napopogian kasi siya sa bidang zombie dito sa pinapanood naming Warm Bodies isa 'tong comedy romance plus horror na rin siguro at 'yung bidang lalaki eh zombie. Tamo na gustuhan niya pa 'yung zombie samantalang bampira na nga 'tong boyfriend niya, FYI poging bampira.

"Marshall teka pala tatawagan ko lang si tito Howard, next month gusto ka daw niya makilala." tumango ako at ngumiti lang siya bilang tugon at dumaretsyo na sa kwarto niya.

Na tapos namin 'yung movie mga nakatatlo ata kami bago kami nakaramdam ng antok.

"Good night Marshall," sabi niya at pumasok na sa kwarto niya.

Pumasok na rin ako sa kwarto at natulog. .

"Marshall." napabangon ako at tinignan ang buong paligid.

"Marshall." tumingin ako sa bawat sulok ng kwarto pati sa bintana pero wala din.

"Marshall." biglang may yumakap mula sa likod ko habang nakahiga ako sa kama, sobrang init ng palad niya at ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko kaya agad akong bumalikwas at inalis ang pagkakayakap niya sa'kin.

"Re-Renz?!" ngumiti siya at gumapang papalapit sa'kin.

"Ako nga." hinawakan niya ang kamay ko at lumapit sa mukha ko.

"Sa'kin ka na lang kasi, wala na naman si Fiolee eh saka magkamukha naman kami tsk." umirap siya at muling tumingin sa labi ko.

Napalunok ako at inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Lumayo ka sa'kin."

"Kung lalayo ako, lalayo rin sayo si Fiolee." hinawakan ko ang braso niya ng napakahigpit pero parang hindi siya nasasaktan.

"Subukan mo lang." ngumisi siya at biglang sinakmal ang leeg ko kaya napahiyaw ako sa sakit na dulot ng pag baon ng pangil niya sa'kin.

"AHHHHHHH."

"Marshall! Anong nangyayari?" Biglang pumasok si Fiolee sa kwarto ko at lumapit sa'kin.

"Napaniginipan ko siya." hinahabol ko ang hininga ko sa sobrang nerbiyos, grabe akala ko totoo, ilang beses na ba 'to nangyari pero bakit parang hindi ko pa rin mahulaan ang totoo sa panaginip?

"Shhhh wala 'yun panaginip lang 'yun." hinagod niya ang likod ko at pinaupo ako saka siya lumabas sa kwarto ko, maya-maya ay pumasok ulit siya na may hawak na isang basong tubig.

"Oh uminum ka muna." agad ko 'tong ininum at pilit pinakalma ang sarili ko.

"Fiolee dito ka muna matulog please." nagkamot siya ng ulo at ngumiti.

"Sige na nga." inayos niya 'yung baso at humiga sa kama ko.

"Mauna na kong matulog?" Tanong niya kaya na tawa ako at nahiga na din.

"Payakap." hinampas niya ko ng unan.

"Nanaginip ka ba talaga o gusto mo lang ako makatabi?" Ngumuso ako at umiling, try ko mag pacute sa kaniya.

"Sige na nga sige na." yes umubra.

Kaya niyakap ko na siya ng mahigpit at inamoy ang buhok niya, ang bango talaga ng Fiolee ko.

"Fiolee dito ka lang ha," sabi ko at tumingin siya sa mata ko.

"Oo naman hindi kita iiwan."

"I love you." ngumiti siya at pinisil ang ilong ko.

"Mahal din kita." at pinikit niya na ang mga mata niya, sana lagi kong makita 'yung asul niyang mata hindi 'yung pula, sana siya si Fiolee ko hindi si Renz at sana walang mag bago.

Sana wala. 

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now