CHAPTER 11

17.3K 648 36
                                    

This chapter is dedicated to

@11teel 

FIOLEE's POV

Bumaba na ko suot ang kulay pink na dress na pinahiram sa'kin ni ate Ainah. Nakita ko silang naka upo na sa mahabang lamesa at nakahanda na ang ibat-ibang pagkain. Nasa gilid naman ng lamesa ang mga kasambahay nila na nag aantay ng iuutos nila.

"Oh Fiolee tara na at saluhan mo kaming kumain." aya ni lolo James, 'di pa rin ako makapaniwala na ganito na ngayon kayaman si Marshall na nakatira siya sa magarang bahay na 'to.

Umupo ako sa gilid ni lolo James, tinignan niya ko pati na rin si ate Ainah ay nakangite sa'kin.

"Kung sumalo lang satin si Marshall sa pagkain at nakita ka niya, magagandahan din sayo 'yun ija," sabi ni lolo James at sumang-ayon si ate Ainah.

Namula naman ako at nagpasalamat lang sa kanila. Hindi sumabay samin si Marshall at doon na lang daw sa loob ng kwarto niya kakain. Hindi naman ako makakain ng maayos dahil ang sama ng tingin sa'kin ng isa nilang kasambahay. Mukha siyang kaidad ko lang at may maganda at sexy'ng katawan sana all 'di ba?

Patuloy lang akong kumain at nang matapos na ko inihatid ako ni ate Ainah sa kwarto ko.

"Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka ah, and'yan lang ako sa kabilang kwarto." tumango lang ako sa kaniya at iniwan niya na ko. Nag libot-libot lang ako sa kwarto at nahiga na rin, Masyado na rin akong napagod ngayon araw kaya matutulog na rin ako.

MARSHALL POV

Kinausap na ko ni lolo kanina tungkol sa nangyari, sabi niya normal lang daw samin mga bampira ang mawala sa sarili at makapatay ng tao. Pero para sa'kin hindi normal 'yun, kasalanan sa Dyos ang pumatay ng kapwa mo tao.

Kapwa? hindi ko na nga pala sila katulad isa nga pala akong halimaw, isang bampira

"Hayss." napabuntong hininga na lang ako, hindi rin ako makatulog dahil sabi ni lolo andito daw si Fiolee, gusto ko siyang makita pero nahihiya ako, gusto ko siyang kausapin at sabihin na may kasalanan ako, na ayaw ko siyang madamay sa gulo ng mundong mayroon ako. Pero natatakot akong mawala siya, natatakot akong layuan niya.

Tinignan ko ang orasan sa loob ng kwarto ko at alauna na pala ng madaling araw. Hindi talaga ako makatulog, kung silipin ko kaya si Fiolee ngayon? siguro naman mahimbing na ang tulog niya at hindi niya malalaman na binisita ko siya.

Sisilipin ko lang kung okay siya.

Kaya dahan-dahan akong lumabas sa kwarto ko at tinahak 'yung gitnang kwarto pero ang kinagulat ko ng mahuli ko si ate Ainah na papasok sa kwarto ni Fiolee. Sinasabi ko na eh katulad ni tita Reiz hindi niya rin mapigilan ang sarili niya na tumikim ng sariwang dugo.

Mag kahalong takot at galit ang naramdaman ko ng inilabas ni Ate Ainah ang pangil niya at tangkang bubuksan ang pinto ng kwarto ni Fiolee.

Agad ko siyang tinabig at tumilapon siya hanggang sa dulo ng pasilyo.

"Aray Marshall!" diin at galit na sinabi niya.

"Anong ginagawa mo sa tapat ng pintuan ni Fiolee ng ganitong oras ate Ainah?" lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa braso, ngumisi siya at tinignan ako sa mata.

"Hindi ka ba nababanguhan sa dugo niya? Marshall sinasayang mo 'yung pagkakataon makatikim ng sariwang dugo." lalo akong na galit sa sinabi niya at lumabas na rin ang pangil ko.

"Wag si Fiolee. sinasabi ko ate Ainah hindi pagkain si Fiolee." hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko maya-maya tumawa siya ng mahinhin.

"Binata kana Pinsan." ngumiti siya ng nakakaloko. Anong trip ng babaeng 'to?

"Hmm? anong nangyayari d'yan?Ate Ainah? Marshall?" Nakita namin ang inaantok na si Fiolee na sumilip sa pinto at nakikiusisa samin ni Ate Ainah.

"Ah wala 'to Fiolee," sabi ko sabay inalalayan ko si ate Ainah tumayo.

"May dumaang daga kaya na tumba si ate Ainah haha." napakamot ako ng ulo buti na lang hindi niya na halata.

"Oo nga Fiolee wala 'yun, Ah Fiolee Pwede ba kong tumabi sayo matulog?" tinignan ako ni ate Ainah ng nakakaloko at pangasar! balak niya ba talaga patayin si Fiolee? Nakakainis dapat mabantayan ko si Fiolee!

"Ah si---." pinutol ko na agad 'yung sasabihin ni Fiolee dahil hinatak ko na siya papasok sa kwarto.

"Hindi pwede ate Ainah tabi kaming matutulog ni Fiolee, tara na!" Hinatak ko si Fiolee at kinandado ang pinto saka ko sinabi na "goodnight ate Ainah." Nakahinga ako ng maluwag! sa loob loob ko naisahan ko si ate doon. Kala niya ah wag si Fiolee!

"Ah eh Marshall?" kinalbit kalbit ako ni Fiolee na parang nagtataka at namumula, anong problema nito?

"Bakit?"

"Ah eh dito ka matutulog? bakit?" bigla kong naalala, babae nga pala 'tong kasama ko! Na mula rin ako sa mga pinaggagawa ko biglang lumakas ang tibok ng dibdib ko at pinag papawisan ako ng malagkit.

"ah ano kasi ano ahhh nasira Aircon sa kwarto ko. oo tama nasira kaya sobrang init doon dito muna ko matutulog kung ayaw mo kong katabi edi doon ka sa sahig." saka ako humiga sa kama niya.

"Kapal ng mukha mo Marshall! ako 'tong babae papatulugin mo ko sa sahig?" umupo siya sa gilid ko

"Ay babae ka ba? akala ko kasi lalaki ka eh." tumalikod ako sa kaniya ng higa.

"Ah ganun?" tumahimik siya at naramdaman kong humiga siya sa gilid ko.

"Oo ganun nga." humarap ako sa kaniya. .

Nag katinginan kami mata sa mata sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa. Nakaharap pala siya sa'kin na gulat ako. Nakita ko siyang namula pero ngumiti lang siya sa'kin, ewan ko pero niyakap ko siya ng sobrang higpit.

Ayaw ko na siyang pakawalan sa bisig ko. Gusto ko dito lang siya sa piling ko, gusto ko ganito lang kami habang buhay, 'yung nasa tabi ko lang siya, 'yung akin lang siya, 'yung siya lang ang kasama ko. Ewan ko pero hindi ko talaga alam 'tong nararamdaman ko. Basta masaya ako ngayon na andito lang siya para damayan ako.

Dito lang siya sa piling ko.

"Marshall? eh?" nakapikit lang ako at 'yung mukha niya malapit sa dibdib ko at nakadantay naman ang ulo ko sa ulo niya. Hindi ba niya naririnig 'yung kabog ng dibdib ko? sobrang lakas nito para gusto sumabog.

"Wag kana maingay! Matutulog na ko." pinipilit kong kumalma.

"Ah eh ahmm o-osige." napangite nalang ako kase sa unang pagkakataon hindi siya umangal sa gusto ko. Pinag bigyan niya ko yakapin ko siya.

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now