CHAPTER 50

6.8K 258 18
                                    

MARSHALL's POV

Na saan ka ba? Hindi ako mapakali kaya naman lumabas ako para hanapin siya.

Gabi na pero hindi pa rin siya na uwi kaya naman nag-aalala na ko, isa pa baka mamaya kung anong mangyari sa kaniya o kaya baka siya ang may magawang hindi maganda.

Hindi naman ako kinakabahan o ano pero syempre gusto ko na siya mahanap at tapusin ang away na 'to.

"Asan ka ba kasi?" Napabulong ako habang naglalakad dito sa labas, suot ko ang jacket ko na may hood at nakapamulsang naglalakad. Ang daming tao kaya hindi ko maamoy ang dugo niya, hindi naman din ako makalipad dahil puro unit at apartment dito masyadong matataas ang bahay baka makita nila ako.

"Haaay." hindi ako uuwi sa bahay hanggang hindi ko siya nahahanap, kailangan kong mag sorry sa kaniya.

Kung saan-saan ako nakarating at nag tanong-tanong din ako sa mga classmate namin tinext ko na rin sila Jonas at Shun pati si Prince pero hindi din daw nila alam.

Na upo ako sa bench at inisip kung saan siya mahahanap.

"Marshall." napalingon ako sa lalaking hinihingal dahil sa pagtakbo.

"Anong nangyari?" sabi ni Prince, sabi ko na nga ba maasahan ko 'tong isang 'to.

At iyon nga ikinuwento ko lahat sa kaniya, na sapak niya nga ako sa mukha pero hindi ako na galit o nagtaka man lang.

"'Yan para sa pag papaiyak mo kay Fiolee tarantado ka sana kasi itinulak mo 'yung babae eh," sabi niya at kinuha ang cellphone niya.

"Nagulat kasi ako sa ginawa ni Jane kaya 'yun." napabuntong hininga siya.

"Natext mo na ba si Julienne?" Napasinghap ako, oo nga no!

"Hindi pa tatawagan ko." dinial ko ang number ni Julienne at agad niya 'yung sinagot.

"Andyan si Fiolee?" Bungad ko at tumawa siya.

"Oo andito siya," sabi ng kabilang linya kaya agad nag ningning ang mata ko at na hampas sa tuwa si price.

"Andun daw siya." bulong ko kay Prince.

"Ha ano?" sabi naman ni Julienne sa kabilang linya.

"Ah wala-wala si Prince ang kausap ko." binababa niya na ang call, teka bakit niya binababa?

"Dude binababa niya na." nag shrug lang si Prince kaya napabuntong hininga ako.

"Anong plano mo?" Tanong niya sakit at ako naman 'tong ng bikit balikat.

"Alam ko hindi siya nag do-dorm at nasa cavite siya na uwi," sabi ni Prince kaya tumayo na ko at naglakad papuntang sakayan ng taxi.

"Dude san ka pupunta?" Nilingon ko siya.

"Sasakay pauwing cavite." nasapo niya ang ulo niya kaya kumunot ang noo ko, bakit eh sabi niya andoon si Julienne at si Fiolee ngayon.

"Pupunta ka kaagad doon? Eh ang layo kaya tatlong sakay at isa pa nakakasigurado ka na bang andoon siya?" Bumalik ako sa tabi niya at umupo ulit.


"Tatawag ako ulit." dinial ko ang number niya at agad din naman 'tong sumagot. Pero this time si Reyly naman ang na rinig ko sa kabilang linya.

"May I help You Sir?" Bungad niya sa'kin kaya na tawa si Prince, naka loud speaker kasi ito.

"Si Fiolee and'yan? Saka na saan si Julienne?" Tumawa rin siya katulad ng unang ginawa ni Julienne.

"Yes andito kami kala Julienne at galit sayo si Fiolee." lalong dumiin ang tenga ko sa cellphone ko.

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now