CHAPTER 33

9.3K 322 22
                                    

FIOLEE's POV

"Yawn." Naghikab ako ng bongga at inunat ang aking mga braso. Panibagong araw na naman ng bakasyon namin, ano kayang maganda gawin kasama si Marshall? Kung bisitahin kaya namin si papa sa puntod? Or manood ng movie kasama si mama? O 'di naman kaya mag date ulit kami kasi nung nakaraan palpak ang date naming dalawa nakakaines.

"Tama ako naman mag aaya sa kaniya mag date." agad akong bumangon at naghilamos saka ako dunaretsyo sa kwarto niya. Hindi ko na 'to kinatok at dare-daretsyong pumasok sa kwarto niya, kaso walang Marshall sa loob ng kwarto na 'to.

"Marshall?" Saka ko lang naalala na aalis nga pala sila ni ate Ainah, pero bakit ang aga naman? Hindi man lang siya nagpaalam or nag babye sa'kin.

Napaupo ako sa kama niya at kinuha ang isa niyang unan. Niyakap ko 'to at inamoy.

"One month kitang hindi makikita mamimiss kita ng sobra." napabuntong hininga ako at lumabas na ng kwarto niya.

Hindi man lang ako nakapagbabye sa kaniya isang buwan siyang mawawala eh nakakainip naman.

Pumasok ako sa kwarto ko pagkatapos ko kumain at kumonek sa internet. Agad agad ako nag Online at minessage si Marshall sa Fb niya. Magkalayo man kami may internet naman para makausap ko pa rin siya.

Pumunta ako sa wall niya at binasa ang mga post sa kaniya ng mga fans niya sa school sarap sabunutan ng mga 'to oh haharot!

Meron akong nabasa na talaga naman nag painit sa ulo ko, galing 'to sa mortal kong kaaway nung elementary pa kami ni Marshall. Si Cheizca 'yung may crush kay Marshall since grade 4 kami, pumunta na siya sa ibang bansa at ngayon na basa ko 'to nalaman kong nakauwi na siya.

Chiezca Serutt
Hi Marshall! Im here na sa pinas kita tayo? Miss na kita, ow by the way I hate their post on your wall dapat ako lang pwede mag post dito.

Muah :*

Iyan 'yung sabi niya! Ang kapal ng mukha niya ha eh ako nga 'tong girlfriend hindi makapagpost sa wall niya tapos siya magagalit pa sa mga fan girls ni Marshall? Aba sarap sabunutan ng babae na 'to.

Pumunta ako sa wall niya at na asiwa ako, katulad ng inaasahan ko lalaki siya ng liberated, puro sexy ang mga picture niya. may malaki siyang hinaharap hindi katulad ng akin na hindi kalakihan, ang kinis niya at ang puti hindi katulad ko na may piso sa tuhod at ang bongga ng mga damit at make-up niya. Hindi katulad ko jologs.

"Hays." ba't ba kasi siya maganda? Bakit ba kasi nai-insecure ako masyado? At Fiolee habang pinupuri mo siya nilalait mo rin ang sarili mo kaya tama na.

Agad akong nag out ng fb at nag laro na lang ng Gun girls Z sa phone ko. Magpapaka bata muna ako at mag liliwaliw para hindi ko maisip si Marshall.

❦❦❦

"Lolo James alis na ko." kumaway si lolo James at ako naman naglakad na paalis, pupunta ako sa school para makuha 'yung mga natitirang gamit ko sa locker at dadaan na rin ako kay mama.

Wala akong magawa sa bahay kaya naman aalis na lang ako, paglabas ko at pagpunta ko sa bayan napakadaming tao at iba't ibang amoy ng mga dugo ang na amoy ko, sinubukan kong pigilin ang sarili ko dahil ayokong mapahamak ang lahi namin.

Kaya agad akong umalis sa madaming tao at dumaretsyo sa school, pagpasok ko walang tao at guard lang ang na doon. Agad kong kinuha ang mga gamit ko at sinalansan sa bag ko.

"Salamat po una na ko manong guard." tumango siya at kumaway at nagpatuloy na ko sa paglalakad papunta sa bahay namin pero may nasalubong akong babae.

Isang babaeng matangkad, makinis, maputi at oo tama si Cheizca nga 'tong nukhang mangkukulam na 'to.

"Is that you freak?" Napabuntong hininga ako at napairap sa kaniya kasi hindi talaga siya nagbabago at freak pa rin ang tawag niya sa'kin.

"Oh my! Is that you witch?" nginitian ko siya at napangiwe naman siya.

"Don't you ever call me that, saan ka naman makakakita ng ganitong kagandang witch?" siya naman ang na ngasar. Napatawa ako.

"Ah baka magic spell mo lang 'yan kaya kuminis ka pero dont worry makinis ka lang mukha ka pa ding mangkukulam." inirapan ko siya at tumalikod na sa kaniya.

Ako na mag sayang ng oras sa kaniya isa pa baka makagat ko lang siya sa galit ko.

"What? Kapal mo!" Hinila niya ang buhok ko kaya napaupo ako sa sahig, nakita kami ng mga taong dumadaan at mukhang pinag-uusapan na nila kami.

"Come on Fiolee tumayo kana d'yan at harapin mo ko, ang tapang-tapang mo kanina tapos ngayon you like a damsel in distress na ang peg mo?" Nanginginig na ang laman ko sa gigil pero pinipigilan ko dahil ayoko makapatay.

"Hey miss! Anong karapatan mong sabunutan ang girl friend ko?" Napatingala ako.

"Marsha--." Na putol ang pagsasalita ko ng makita ko 'yung lalaki, amoy bampira siya katulad ni Marshall pero hindi siya 'to.

Isang lalaking katamtaman ang laki ng katawan, nakajacket siya at headset at itim na itim ang buhok niya. Nakahikaw siya ng itim at sobrang pula ng mga labi niya.

"At ikaw ang boy friend ni Fiolee? You're so idiot 'to choose her. Pero okay hahayaan ko na kayo bagay kayong tanga." naglakad na siya papalayo sa'min at inalalayan ako nung lalaki tumayo.

"Okay ka lang?" Tumango ako.

"Salamat," sabi ko at pinagpag ko ang palda ko.

"You're welcome." ngumiti siya sa'kin.

"Bampira ka alam ko, anong balak mo sa'kin?" Mahina kong sagot sa kaniya. Nanlaki ang mata niya at sabay tawa. Anong problema ng isang 'to.

"Hahaha na laman mo? Dhampir ako kaya akala ko walang makakaalam dito na bampira ako at isa pa mortal ka lang 'di ba?" Umiling ako, hindi niya na amoy ang dugo ko kasi binubuo 'to ng pagkatao nila Renz at Marshall na 'yung part eh parehong mortal.

"You mean bampira ka? Bakit hindi ko na amoy?" Tinakpan ko ang bibig niya napakalakas kasi ng bibig baka may makarinig samin.

"Shhh ang lakas ng bibig mo tara nga dito." hinila ko siya papunta sa park kung saan wala syadong tao pag ganitong oras.

Umupo kami doon at ipinaliwanag ko sa kaniya lahat-lahat. May time na nag iiba ang ekspresyon ng mukha na parang may nalaman na sobrang importante at mayroon namang part na bored siya.

"Teka nga kwento ako ng kwento tapos ikaw hindi ko alam kung sino ka." napakamot siya ng batok niya at yumuko.

"Ah ako lang naman 'yung." tumingin siya sa mga mata ko at parang lalamunin ako.

"Taong nag mamahal sayo." Na mula ako at tinulak siya papalayo sa'kin. Sino ba 'tong hudas na 'to ay pinipick upan ako?!

"HAHAHA ang cute mo naman HAHAHA." Tawa siya ng tawa at namumula na ang buo niyang mukha at tenga sa kakatawa.

"Sino ka ba ha? Adik ka ba?" Nakakainis siya pinag titripan niya ko.

"Hahaha okay tama na." pinunasan niya ang mga luha sa mata niya at inayos ang upo niya.

"Aayos na nga ako baka pangasin mo pa ko, ako nga pala si Shun." inabot niya 'yung kamay niya sa'kin at ngumite.

"Fiolee." inabot ko naman 'to at nakipag-shake hands sa kaniya.

"Gusto mo kumain?" na gulat ako sa alok niya at hindi niya man ako tinatanong ay hinila niya na ko sa turo-turo doon sa gilid ng park.

Sino ba 'tong lalaki na 'to na parang kabute na bigla na lang susulpot sa buhay ko? May balak kaya siyang masama sa'kin? Oh baka nakahanap lang talaga siya ng kauri niya kaya siya masaya at feeling niya magaan ang pakiramdam niya sa'kin?

Hindi ko alam pero e-enjoyko muna 'yung libre niya sa'kin. 


TO BE CONTINUED

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now