Spark 28

90 1 0
                                    


Chapter 28

Aggressive Fan

"I-I don't know... Hindi n-naman ako nanliligaw." ikinahiya kong nautal pa ako sa pagsagot sa tanong niya.

Abot abot ang tahip ng kaba sa dibdib ko habang pinagmamasdan siyang seryosong nakatitig sa akin. Sagrado pa rin ang pagkakakulong niya sa akin sa ibabaw ng counter top, ang dalawang kamay ay nakatukod doon.

He stared at me. Kahit nakaangat ako'y mas matangkad pa rin siya. Level lang ng ilong niya ang mga mata ko pero dahil bahagya siyang yumuko, nagpantay iyon. Parang lalabas ang puso ko sa lakas ng kalabog nito. I blinked twice before I managed to ask.

"Why are you asking?" naging kabado bigla ako sa mga titig niya. "Sino b-bang liligawan mo?"

Tumagilid ang ulo niya. Hindi siya sumagot bagkus ay pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko bago muling tumingin sa akin.

"Pwede bang ligawan ang kaibigan?" he asked instead.

Parang biglang nanginig ang mga tuhod ko. I swallowed hard. Ibinaba ko ang tingin ko sa aking mga hita.

"Pwede naman..."

"Really?" he smirked.

I don't know if he's amused or just genuinely happy to what I said! Kumalabog lalo tuloy ang dibdib ko.

"Depende naman 'yon... kung papayag ang kaibigan. At kung magandang tingnan na... ligawan siya."

Kumunot ang noo niya, bahagyang nawala ang ngiti sa huling kong sinabi. "Bakit naman hindi magandang tingnan?"

Napalunok ako. "You know... There's instances like that. May mga magkaibigang super close na mas magandang tingnan kung ganoon lang sila kaysa magligawan. Kasi iyon din possibleng dahilan kaya nagbabago ang closure, ang atmosphere at ang relasyon nilang dalawa."

Napatigil siya at napansin kong malalim na napaisip. "Are we a super close friend?"

What? Napaangat ang tingin ko at napakurap-kurap. Why is he suddenly asking that?

"Well... Noon, I guess."

"At ngayon?"

"Still going there?" puno ako ng alanganin dahil hindi ako sigurado sa kung anong estado namin ngayon.

"I guess it's better if we're super close but not as friend." suhesyon niya.

Alam ko agad ang ibig niyang sabihin pero hindi ko magawang pabulaanan. Ngumiti lang ako. He shifted his body and went more closer to me, ngayon ay dikit na dikit na sa akin.

"Bakit parang friend zone ako riyan sa ngiti mo?"

Umawang ang bibig ko. Our eyes met. Lito siya at parang gustong itanggi ko ang interpretation niya roon. I smiled, slightly amused because he looks innocently hopeless. I didn't know that him being this cute and handsome can make my heart raced so fast.

"Why?" I said. "Ano ba ang tingin mo sa akin?"

Hindi siya sumagot. Nagkatinginan kami.

"How do you see me? Do you see me as a friend? Or more?" pabulong kong tanong. "Do you have feelings for me?"

He licked his lower lip and craned his head. Pinagmasdan niya akong mabuti. Ang kaba at nerbyos ay nakita kong bahagyang dumaan sa kanyang mga mata.

"You?" namamaos na tanong niya pabalik. "Do you have feelings for me?"

Tipid akong ngumiti kahit naghuhurumentado na at halos mahimatay na sa sobrang kaba. "Why don't we figure it out together?"

"How?"

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon