Spark 6

98 2 0
                                    


Chapter 6

The Foods

"O? Ba't ka natulala riyan, Detective Alvarez? Akala mo si Inspector Rivera na ano?" anang lalaking natanungan ko kagabi na Chief pala nila rito!

Tumayo si Keene at mabilis na lumapit sa akin. Kitang-kita ko pa rin ang gulat sa mga mata niya. I smiled at him.

"Hi. I hope you won't mind if I–"

"Anong ginagawa mo rito?"

"Uh, I'm visiting you?" I smiled wider again.

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. He's on his white V-neck t-shirt covered by brown leather jacket paired with his black pants. I gulped a bit. He looks... naturally good looking. Ang simple lang niyang manuot at para lang talagang sibilyan pero sobrang charming pa rin ng dating.

Gwapo na talaga si Keene noong mga bata pa kami pero hindi ko aakalaing ngayong sobrang mature na niya, mas lalo yatang lumala.

"How did you know that I'm here?" ramdam ko na naman ang iritasyon sa boses niya.

"Uh, nagtanong ako roon sa Chief yata ninyo... kaya nalaman ko."

I heard him cursed a little. He combed his hair. It was immediately fixed from being messy. Tinitigan niya ako.

"Hindi ka pwede rito,"

"Pinapasok ako."

"Hindi ka sabi pwede rito. Makakadisturbo ka lang. Marami kaming trabaho kung hindi mo nakikita," istrikto niyang sabi.

"Well, hindi naman ako mangdidisturbo so don't worry."

"Then leave. It's the only way if you really don't want to disturb us."

I smiled bitterly. Bakit ba ganito siya sa akin?

"I'm just visiting, Keene. Why can't you just entertain me for a while?"

"I don't waste my time entertaining some stranger guests." he said looking irritated before he turned his back on me and went back to his chair.

Umawang ang bibig ko. Stranger? Until now he's still pretending not to know me? Grabe naman! Para namang hindi kami magkakilala noon!

I sighed and roamed my eyes around their cubicles. Abalang-abala talaga silang lahat. Walang halos nakapansin sa akin dahil tutok lahat sa trabaho. O baka rin wala lang silang pakialam.

"Did you eat lunch already?" I asked him because I was really bothered. Walang kahit anong foods sa tables nila o kahit mga palatandaan na kumain na sila.

"Yes. Now, leave and don't disturb us."

"Sino ba 'yan, Detective Alvarez? Hindi mo ba ipapakilala?" biglang tanong nung senior na namatok sa kanya kanina.

Lumapit ito sa amin. Nakita kong napapikit si Keene, iritado at problemado na ang mukha.

"Magandang tanghali! Hindi ikaw ang palaging bumibisita kay Detective Alvarez dito kaya naninibago ako. Kaano-ano ka ng abnoy na 'to?"

I bit my lower lip and smile shyly. "Uh, I'm... I'm his friend, I think."

"Kaibigan? Ngayon lang kita nakita, ah!"

"Uh, ngayon lang po ako nakadalaw rito, Sir."

"Ganoon pala? Ba't lapitin ng magagandang babae 'tong si Alvarez? Hindi naman gwapo?" Nilingon pa nito si Keene.

Ngumisi lang si Keene pero nang sumulyap sa akin ay unti-unti 'yong napawi. Kinagat ko ang labi ko.

"Hala! Artista 'yan! Nakita ko 'yan last time doon sa meet and greet na naging tagabantay ako!" the old policeman interluded, pointing at me.

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now