Spark 21

80 2 1
                                    


Chapter 21

Fan Meeting

I was discharged that same night. Keene didn't leave the whole night too. Pagkatapos niyang hindi sumagot ay tuluyan na nga kaming natahimik. Good thing Emy already got back or else it will be one hell of a moment. Sa sobrang dismaya ko ay hindi ko na siya kinausap pa buong gabi.

Tito Madrid came back to the hospital bringing the good news about GS receiving awards and nominated as group of the year. Hindi na sumama ang grupo sa pagsundo sa akin sa hospital dahil pinagpahinga na agad ni Tito.

Keene still insisted to drive us to the station. Sa dorm ako tutuloy ngayong gabi. Pansin ko ang palaging pagpadpad ng mga mata niya sa akin habang nagmamaneho. I ignored it. I can't talk to him this night anymore.

Nang makarating ang van sa parking lot ng station ay dumalo sa amin ang iilang staffs. Keene immediately went out from the car to assist me. Mabilis akong nagpaalalay sa ibang staff para iwasan siya. He still tried to hold on me and I want to glare the staff when he fully gave me to Keene after recognizing it was him.

The staff was so confident when he gave me to Keene that I want to shout at him!

"I'm sorry..." hindi ko inaasahang iyon agad ang ibubulong ni Keene nang hapitin niya ang beywang ko para alalayan.

I suppressed my scream when he gently scoped me up without warning. Lifted like a bride, he enters the station with the bouncers around, protecting us from any spies.

"I'm really sorry..." he whispered again, stealing a moment to utter it without anyone noticing.

I stayed silent.

"Hindi ko alam kung paano sagutin 'yon, Shan..." humina at namaos lalo ang boses niya. "Hindi ko alam kung paano simulan. Ayaw kong magalit ka sa akin o ano, please."

Ewan ko.

I'm not demanding answers from him. Kaya nga hindi ko na siya pinilit magsalita. I just want to know why. Kasi hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ganoon.

It's never about pride. It's never about my ego being ignored all this time. This is all about our friendship and my confusion of what the hell did I do why he acted that he doesn't know me at all?

Bakit ganoon?

Bakit?

I felt like our friendship and memories for years was unvalued. Our childhood memories and relationships were invalid. Kasi ako lang ang nakilala sa kanya. Ako lang ang kaya pa siyang kilalanin kahit ilang taon na ang nagdaan.

"Hindi ko gustong itanggi ka. Hindi ko lang alam kung paano ka... patutunguhan. Kasi..." He swallowed hard and looked at me again, parang hirap na hirap. "I'm really sorry. Hindi ko ginusto 'yon, maniwala ka sa akin."

Hindi na ako nagsalita.

Hanggang sa makarating kami sa elevator ay wala ng nagsalita sa amin. No one was allowed to know our dorm kaya si Tito na ang umalalay sa akin at pinauwi na ang lahat. Nakita kong gusto pa ni Keene na alalayan ako hanggang sa dorm pero mahigpit ng ipinagbabawal ni Tito iyon.

And that was our last interaction. Because the following days, hindi na tumanggap ng kahit anong bisita si Tito habang nagpapagaling ako sa bahay. Only the girls were allowed to visit and other than them, wala ng pinayagan. Kahit pa si Keene.

Hindi na nasundan pa ang pagkikita at pag-uusap naming 'yon.

Luckily, my foot went well after days. Nagsikap din talaga akong ayusin iyon dahil ayaw kong nadedelay ang schedules namin dahil lang sa absenses ko. I was able to come back fine and actively performed our live shows again. Doon ko binawi ang pangit na performance ko last time.

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon