Spark 14

81 1 0
                                    


Chapter 14

Philippines' Show

"Sinong artistahin kagabi?"

"Sinong umiyak na parang shunga?"

"Sinong sinapian ng demonyo?"

"Sinong-"

I groaned and threw a pillow on Hara. Pinagtutulungan na nila akong asarin ngayon porket I'm sober na. Irah laughed hard, pointing on my face.

"Bully kang leader," nakanguso kong usal sa kanya.

"Ikaw una natamaan sa amin. Nakakahiya ka!" asar pa niya. Nahawa na talaga sila ni Hara.

It really hurts.

"'Buti kagabi lang ako natamaan. Si Hara, dati ng may tama." asar ko kay Hara na nakayakap pa talaga sa unan ko.

Unan ko! Unan ko pa talaga! Sila na nga ang nakisiksik sa kwarto ko, sila pa talaga ang may ganang mang-asar sa akin ngayon!

"Ano 'yong sabi niya, Venn? It really hurts na magmahal ng ganito 'yon, diba?"

"Hoy! Kailan ko sinabi 'yon?"

"Pagkatapos mong umiyak, boba. May amnesia?"

Kailan ko ba sinabi 'yon? Ack! Ayaw ko ng maalala. Masakit na ang ulo ko sa hang-over. Ayoko ng sumakit pa 'yon lalo kaiisip ng mga pang-aasar ni Hara.

"Tss. You three are stressing me more." I blamed them.

"Mukha nga ng stress?" asar pa siya. "Hoy! Mas stress kami sa'yo kagabi. 'Wag ka! Binabawi lang namin ngayon. " si Hara.

I just frowned at her. Naalala ko naman talaga ang mga pinaggagawa ko kagabi pero ayoko lang aminin dahil ayaw kong inaasar ako ng mga babaeng 'to.

Umagang-umaga, ako talaga ang nakita ng mga baliw.

Para naman kasi akong shunga talaga kagabi. Bigla na lang nagbreak down. Nakakainis!

The girls have an individual plan for the whole day. Mabuti na rin 'yon dahil gusto ko rin talagang bisitahin sina Mommy at Daddy sa hospital. Irah told me that Mommy went here immediately when she read my text last night pero hindi na nila ako ginising dahil tumba na raw ako.

Mommy took good care of them the whole night too. Hindi ko nga lang siya naabutan ngayong umaga dahil sobrang aga rin daw niyang bumalik sa hospital. She just really went home to make sure we're safe kahit hindi na naman na kailangan.

I always understand how much they cherish time. They're both doctors. Being busy isn't the right word to describe their duty enough. Kaya ako na ang bibisita sa kanila ngayon. I missed them too.

When the girls already went home, nagbihis na rin ako at nag-ayos. Wearing a thin turtle neck maroon sleeveless shirt and high waisted maong jeans, I was already ready. I just bun my hair into ponytail through white scrunchie and put a light make up.

Pagdating ko sa hospital ay dumiretso ako sa opisina nina Mommy at Daddy. They have their own office in the hospital. Alam kong sobrang busy pa nila ngayon. Baka nga nasa operation room pa sila sa mga ganitong oras kaya maghihintay na lang ako rito.

I texted them both so that they'll be inform I'm here in the office. Baka kasi sa sobrang busy nila'y hindi na sila pupunta sa opisina. Nandito pa naman ako.

Matiyaga akong naghintay sa kanila. It's very fine. I missed them so much that there's no reason to be tired in waiting. Nagtititingin lang ako sa opisina nila hanggang sa pumasok si Daddy.

"Shiana, hija! I missed you!"

I smiled widely, ran towards him and hugged him tightly. Gosh, I missed them more! Lalo na si Daddy dahil si Mommy lang 'yong huling nakausap ko noong nakaraan.

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now