Spark 32

55 0 0
                                    


Chapter 32

Fan Boy

We took a lot of pictures. After enjoying ourselves in the sea, he brought me to the other tourist spots in the city. Pumunta kami sa Plaza Heneral Santos para roon maglakad-lakad pero hindi rin kami nagtagal doon dahil maraming tao. Mabuti na lang din at hindi naman ako nakilala.

"Pagod ka na?" tanong niya habang nasa sasakyan kami, katatapos lang sa Plaza.

I smiled cheerfully. "No. I'm enjoying!"

Tumango siya. Inabot niya sa akin ang napakaraming finger foods, snacks and drinks na binili niya kanina.

He squeezed the bottle's seal to open the water for me. Binigay niya at binuksan ang isang healthy burger para sa akin. He looked passionate and handsome while doing that. I smiled. Napansin niya ang titig ko kaya tumitig din siya, nagtataka.

"Hm?" he asked.

I chuckled. He looks innocent! How handsome! "Thank you. Pagod ka na ba?"

Kumunot ang noo niya. "Bakit ako mapapagod?"

"Kanina pa tayo namamasyal. I'm sure pagod ka rin kahit nanonood ka lang naman sa akin."

"Oh, anong nakakapagod do'n? Nakakapagpahinga nga ako."

Uminit ang pisngi ko. Tinawanan ko na lang 'yon kahit hindi siya natatawa. Seryoso pa rin akong inaasikaso.

"Where do you want to go now?" he suddenly asked.

Natigilan ako.

Noon ko pa naisip na puntahan ang gustong-gusto kong puntahan dito. I promise myself I will going to visit there before going back to Manila. Hindi nga lang ako sigurado kung tama bang kasama ko si Klein na pumunta doon... lalo pa dahil wala siyang maalala.

"I want to visit the orphanage... kung saan tayo lumaki dalawa."

He looked at me closely. I stared at him, tinitimbang ang kanyang reaksyon. Ramdam kong hindi na siya nagulat pa sa sinabi ko. Siguro dahil inaasahan na niyang gagawin ko 'yon lalo pa dahil nakita niya kung gaano ako kaexcited na pumuntang GenSan.

He licked his lower lip and slanted his head. Tumitig siya sa akin ng ilang sandali bago dahan-dahang tumango.

"I didn't know where it is. Can you tell me?"

Nagulat ako roon. Nagdalawang-isip pa tuloy ako. "Uhm, you're coming with me?"

"Bakit hindi?"

"I just thought... you cannot go there because you lost your..."

He watched me. "Ang sabi mo doon tayo lumaki. Why can't I go there?"

"Pero... wala kang maalala." I'm afraid I can trigger his memory or something. "Ayos lang naman na huwag ka ng sumama. Gusto ko lang talaga puntahan."

"Anong ayos lang na huwag akong sumama?" he looks offended.

"Kasi—"

"Hindi ayos 'yon! Sasama ako!" mariin at halos pagalit niyang sigaw.

My lips slightly parted, nagulat sa kanya. "Are you sure?"

"Bakit hindi?" Nagsalubong ang mga kilay niya. "Kahit wala akong maalala, sasama ako, Shiana!"

Napakurap-kurap ako. "I'm sorry. I just thought..."

"Pupunta ako. Tayong dalawa. Hindi mo ako iiwan dito!" he said.

I bit my lower lip. Nanghahamon niya akong tiningnan hanggang sa nagpigil na ako ng ngiti. He looked so offended. Suplado ng nagpasulyap-sulyap sa akin ngayon habang bumabyahe kami papunta roon.

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now