Spark 56

82 3 0
                                    


Chapter 56

The Album

Days flew fastly. It's still unbelievable that I've been doing really well. Akala ko, magiging mahirap ulit sa akin ang lahat pagkatapos noong huling pag-uusap namin ni Klein. I admit that it actually take days for me to finally move forward to that, but the moment I decided to keep going, I keep going consistently.

And it is something to be proud of.

Inabala ko ang sarili ko sa trabaho. I went to a jacket film for my upcoming album—the recording label decided to make an album for me instead. It has 12 tracks and half of it was my composed song— and it is actually nostalgic. It feels the same way back when I was still Girls' Sentinels. I was glad working on my jacket film. Now, I'm just waiting for my album to be finally released in all music platforms.

"Dito ka," nakasimangot na hinawakan ako ni Marius at hinigit papalapit sa kanya.

Maraming tao sa Araneta. Hara's concert the last time was really crowded pero lumalaban din ang dami ng tao sa concert ngayon ni Venn. We're in the VIP now and just waiting for Venn's concert to start.

"Teka lang!" reklamo ko dahil kanina pa niya ako hinihigit.

Kasama ko ngayon sina Hara, Irah and Marius sa concert. Nasa Pilipinas na rin si Mom and Dad, kasabay lang sa pag-uwi ni Marius noong nakaraang buwan. And yes, Marius is still here. Hindi naman talaga siya nag-i-stay nang sobrang tagal dito sa Pilipinas pero bumisita talaga siya at uuwi lang sa Abu pagkatapos ng dalawa or tatlong linggo.

"Mars, kung ayaw mo, ako na lang. Madali namang magpalit." siko sa akin ni Hara na katabi ko sa kaliwa sabay tingin kay Marius.

Tinawanan ko siya. "Ayaw kang katabi."

"Syempre ayaw niyang makatabi ako kasi na-awkward siya. Normal lang talaga 'yon sa mga magaganda!"

Ilang sandali pa'y nagsimula na ang concert ni Venn. Simula pa lang ay nagsisisigaw na ako. Paano, e, nakakahagit si Hara. Parang mawawasak ang bunganga kasisigaw. Hindi rin ako nagpatalo. Pareho na kaming sinasaway ni Irah pero dahil hindi kami nakinig, natawa na lang siya at sumabay na rin sa amin.

We were noisy in the VIP. Akala ko nga andami na naming nagugulo pero kung malakas ang hiyawan namin, mas malakas sa kanila. Tumawa ako at winagayway ang dala-dalang banners and lightstick.

"Go, Venn! Woooooh! Galing mo!"

"Go and get it, girl! Ganda-ganda mo, mars! Anakan mo ako isang dosena lang!" napapaos ng sigaw ni Hara

Humalakhak si Irah at sumigaw na rin. "That's our girl! Go, Venn! Slay the stage baby girl!"

Ang ingay-ingay talaga namin. Kung hindi nagsisisigaw, nagtatalon naman at parang bano na sumasabay sa mga kanta ni Venn. Minsan nagtatawanan. Akala ko nga naiirita na sa ingay namin si Marius pero nang lingunin ko'y mataman lang naman siyang nakakakinig, tahimik pero nakatitig kay Venn.

Siniko ko siya at winagayway ko ang lightstick sa mukha niya. "Ayos ka lang?!"

Nilingon niya ako. "Yes."

"Tahimik naman!"

He laughed at inakbayan ako. "I'm enjoying. Continue your thing. Let's enjoy the concert."

"Sigaw ka rin!"

"My voice will turn different if I'll shout, Shiana. They'll be shock as hell, please."

I laughed. I continue cheering Venn at the top of my lungs. Sa katatalon at kasisigaw ko, hindi ko namalayan ang balanse at muntik na akong matumba. Someone had to grip on my chair so that I won't stumble in the floor.

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon