Spark 48

51 2 0
                                    


Chapter 48

Catching Up

"Malay namin! Hindi ka naman nagsabing uuwi!"

Halos pagtulungan ako nina Venn at Irah dahil sobrang nasurpresa sila nang makita ako. Hindi raw ako nagsabing uuwi. E syempre, susurpresahin ko nga sila, e! May surpresa bang sinasabi?

"Kahit ako! Bigla na lang siyang sumulpot kanina sa backstage. Nanood pala! Kagaya niyo! Mga scammer!" singhal ni Hara na halos manggigil na sa amin.

Nanood din pala kasi sina Venn at Irah kanina nang hindi sinasabi kay Hara. Hindi nga lang kami nakapang-abot. Sobrang priceless tuloy ng reaksyon namin sa isa't isa kanina!

"Kainis. Ba't mo kasi sinurpresa 'yan, Shan? Kung kami lang ang nagpakita kanina, syempre di 'yan iiyak at mananapak lang. Pangit pa naman niya umiyak!" asar ni Venn kay Hara.

"Taray, parang ang ganda mo?" sigaw na naman niya. "Depungal ka, ang sabi mo nasa event ka ngayon. Ikaw rin Irah! Kayong lahat, pinagkakaisahan niyo ba'ko?"

"Itong concert mo ang event na tinutukoy kong dadaluhan ko, boba!"

"Pasyensiya naman na ano at ito lang ako!" Hara rolled her eyes.

Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan silang nag-aasaran. Parang nagbago na rin ang mga ugali ng mga 'to. Mas naging maingay na. Si Irah lang yata 'yong hindi masyado. Pero mas madalas ng palangiti.

Gayunpaman, sila pa rin. Nakikita kong sila pa rin ang mga kaibigan ko. Parang walang nagbago.

"Kung bakit kasi may pasurprisa-surprisa pa. Akala naman na surprise ako?" si Hara.

"Hindi ba? What the fuck, Shiana? Nakaabot ka? Oh my gosh, nakaabot ka!" ginaya ko pa ang boses niya kanina habang umiiyak.

Humagalpak ng tawa ang lahat.

"Pucha, laglagan na 'to?" simangot ni Hara.

Nagkulitan pa kami roon bago napag-isipang mag catching up na lang sa restaurant. We waited for Hara because she still has something to do before the staff let her go. Kapit na kapit siya sa akin habang naglalakad kami, hindi talaga ako pinapakawalan.

"Pucha, kapit na kapit, boyfriend ba kita?" tatawa-tawa kong asar kahit gusto ko rin naman siyang nakakapit sa akin.

"Depungal ka, magpasalamat ka na lang at hinawakan ka ng isang superstar!" angis niya. "Pagod na pagod ako, buti na lang nandito ka. Worth it."

"I like the song. Produce and release it." I said, referring to the song she performed lastly.

"Gusto ko sana. Kaso mas gusto kong personal. Para sa atin lang 'yon."

Ngumiti ako at hindi na siya pinilit. Venn and Irah are ahead of us, talking about something but I saw Irah's gentle stares at me. Ngumiti ako sa kanya. She smiled too before she went inside to Venn's car na sinakyan nila papuntang concert kanina.

Pagdating sa restaurant ay dumiretso kami sa VIP space na pinareserve ng manager ni Hara. We chose to follow Hara's availability today because it's her hectic day. Pagka-upo pa lang ay andami na agad nilang kwento. There's a lot to catch up and I'm glad that they're sharing everything. This is what I missed.

"Pero nakita niyo na ba 'yong bagong boyfriend ni Shan?" si Hara habang nakaturo sa akin.

"Yung Marius?" si Venn.

"Oo! Yung maskuladong pogi!"

"Boyfriend mo 'yon?" gulat na tanong ni Venn sa akin. "Gagi, hindi nagsasabi!"

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now