Spark 13

76 1 0
                                    


Chapter 13

Girls' Bonding

I was so guilty and sorry. I was so embarrassed. Ang tanging alam ko lang para makaalis sa kahihiyan ay ang huwag ng magpakita roon kahit kailan.

Alam kong maling tinakasan ko ang kasalanan ko. Handa naman ako sa parusa ko kung sakali. Kinakabahan ako, pero hinahanda ko na naman ang sarili ko para roon.

I just hope Keene would forgive me. Hindi na ako manggugulo sa kanya. Hindi ko na ipipilit ang pakikipagkaibigang gusto ko. Tama siya, I can't force everything to turn out the same. As long as it already change, it couldn't turn back perfectly.

Or worst, it couldn't turn back things anymore.

"Starting today and next two days, you can take your rest—"

Iyon pa lang ang sinabi ni Tito ay naghiyawan na sina Venn, Irah at Hara. I laughed. Tito Madrid glared at us annoyingly.

"You freaks," he snorted. "You will have three days rest because you'd be very loaded after that. You will participate in the Philippine's Show first and after that, you will have a live guesting in the iMedia. It will be immediately followed by your radio's live guest too. Kapag natapos na iilang live guesting ninyo, expected na rin na mare-release ang music video. Three days after the release, you will have a five live stream in different studios. At sa tatlong araw na 'yon, magkakaroon kayo ng magazine photoshoot at ensayo na rin para sa live."

It was followed by our very disappointed groans. Para akong mahihilo habang pinakinggan' yon. Akala ko pa naman makakapagpahina na talaga kami ng mahaba-haba!

"Oh sige nga, ngayon kayo magdiwang."

"Kakapagod naman, Tito." si Venn.

"Pwede ka namang umalis sa industriya kung gusto mo," pamimilosopo niya.

Venn chuckled tiredly. Napamasahe naman sa batok si Irah.

"Sunod-sunod naman 'to, Tito. Wala na kaming maayos na pahinga. Hindi yata kami masasanay sa ganito. " reklamo niya.

"You need to get used to it now. Sobrang nagbloom na kayo mga senorita, baka hindi pa kayo inform! Fastly rising Filipino Girl Group nga, diba? Kanina sa Channel 23? Katanga-tanga."

"Parang bakla, Tito." Tumawa ako.

"Sinong hindi mababakla sa inyo? Arte-arte!" He rolled his eyes. "Sige na. Rest na muna kayo. You can go and stay in your house for the whole day. Refresh and unstress. Don't go around recklessly, please. I don't want to settle another paparazzi's issue. Let's all take this easy para hindi kayo nade-drain. And your food intake..."

Nagsimula na naman siya sa mahabang paalala niya sa exercise and healthy diet namin. Nang iwan niya kami'y nagsimula agad sa pagpaplano si Hara ng gala.

"Sa bahay tayo tonight. Ako sa pagkain natin. Si Venn sa movies for movie marathon tapos si Irah sa alcohol and drinks. Tayo lang. Tayo lang tatlo. Hindi kasali ang isa diyan." aniya.

I chuckled and pulled her hair playfully. "Sama niyo 'ko! Ako ang magdadala ng kagandahan!"

"Oh diba? Hindi pa gumagabi pero nandidilim na paningin ko sa kanya." si Hara.

I laughed hard and punched her shoulder.

"Aray ko! Iyang kamay mo, babalian ko 'yan, a!" She jokingly pulled my hair. "Para namang sasama ka talagang bwesit ka! Lagi ka nga roon sa lalaki mo kahit sobrang ikli lang ng free time, e. Ngayon pa bang tatlong araw rest day natin?"

"Di na ako pupunta ro'n." I laughed and hugged them. "Sama niyo na ako! Walang kukumpleto sa Girls' Sentinels kundi ako lang!"

"Kawawa naman ng unggoy." asar ni Hara.

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon