Spark 3

86 2 0
                                    


Chapter 3

His Necklace

"Hindi mo ba ako namumukhaan? Ako 'to, Keene! Si Shiana! Si Shan. We spend our childhood years way back in General Santos City! Tayong tatlo ni Giddy!"

I was so happy that I finally meet him. After many years! Pinasok ko pa ang Show Business para mas mapadali ang paghahanap ko sa kanya.

Pero bakit ganito? Even with my cheerful face right now, he's not pleased to see me. He's not even smiling. Nakatitig lang siya sa akin, nalilito ang mga mata.

I felt like I was a stranger to him.

"Excuse me..." Ang tanging sagot niya sa lahat ng sinabi ko.

Binaklas niya ang kamay kong nasa braso niya at napahawak siya sa kanyang dibdib.

Parang nadudurog ang lahat sa akin nang makita kong umaatras siya. Hindi ba niya talaga ako nakikilala?

"Keene..."

Tinitigan niya ako ng ilang sandali bago siya nag-iwas ng tingin. I saw him biting his lower lip. Pinukpok niya ng dalawang beses ang dibdib niya. Napasulyap siya sa kanyang relo at mas lalo akong iniwasan.

Napalunok ako.

"Keene... Did you really not remember? Ako 'to. Si Shan. Kung hindi ka naniniwalang ako 'to, sasabihin ko sa'yo ang lahat ng ginagawa natin noon sa GenSan. Sa bahay-ampunan, Keene. Doon tayo sabay na lumaki. Una kang kinuha para ampunin. Sumunod si Giddy sa'yo tapos huli ako. Hindi mo pa rin ba naaalala?"

"Hindi ako si Keene..." nag-iwas ulit siya ng tingin.

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak pa rin sa kanyang dibdib. When he saw me looking at it, agad niyang binaba ang kamay at umayos siya ng tayo. He cleared his throat.

I gave him a small smile. He's just lying. I know he's my Keene. He's my childhood friend. He's my first love.

I feel it. Hindi kumakalabog ng ganito kabilis ang puso ko kung hindi siya 'to.

Why is the lying? Ayaw niya bang makita ulit ako?

"Keene..."

"I said I'm not Keene." Bumaling siya sa akin, iritado na ang mukha.

Natigilan ako.

"D-Don't lie to me. Alam kong ikaw 'yan. I've been finding you for years, Keene. Hindi na tayo nagkita pa pagkatapos mong bumyahe rito sa Manila para manirahan kasama ang mga umampon sa'yo. I'm so glad I finally see you... I'm really so glad."

"Hindi nga ako si Keene, Miss. Bakit mo ako pinagkakamalang siya gayong sigurado akong mas gwapo ako do'n?" iritadong usal niya.

Napaawang ang bibig ko.

"Tss. I can't believe you..." aniya.

Hindi ako nakapagsalita. He looked away again and licked his lower lip. Kunot na kunot ang noo niya habang napapasulyap ulit sa relo, halatang ayaw na akong makausap.

I swallowed hard.

Hindi ako naniniwala. Kahit nag-iba ng kaunti ang paraan ng pananalita niya, naniniwala pa rin akong siya si Keene.

And wait... He's detective! Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto iyon.

Yes, he's a detective! Malinaw pa sa ala-ala ko noon na gustong-gusto niyang maging detective paglaki niya! Pinangarap niya 'yon ng sobra mula pa pagkabata! He's definitely my childhood friend Keene!

Tinitigan ko siya at dahan-dahan akong napangiti. Now, he finally had his dream. He's a detective now.

My heart feels warm. I'm so happy seeing him right now and this way. Natupad niya pala talaga ang pangarap niya. I'm so proud of him.

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon