Spark 20

85 0 0
                                    


Chapter 20

You Deny

Instead of going to hospital, Tito suggests to bring me to a personal doctor. Sumama sa amin si Tito at ang P.A. Keene was the one driving the van. Hindi na siya umimik pa pagkatapos ko siyang hindi sagutin sa mga tanong niya.

The van was silent. Busy si Tito ka-co-contact sa kung sino samantalang tahimik naman si Emy, isa sa mga P.A namin. Keene was silent and serious too. Hindi na rin ako nagsalita pa.

Nang makarating kami sa harap ng clinic ay walang sali-salitang binuhat ulit ako ni Keene. I was so close to protesting pero nang makitang seryoso siya at halos galit, umurong ang tapang ko. Tito was already busy talking to a doctor. Keene removed his black cap and placed it on my head before he putted me down in the bed gently.

"Anong nangyari sa pasyente, Sir?" the doctor's assistant approached Keene, and I don't know why I can see something meaningful on her stares.

"Natipalok." Keene answered formally.

Ngumiti nang malaki ang assistant at tumango. I almost glared at her. Busy na ulit si Tito katatawag samantalang nanatili naman sa tabi si Emy, binabantayan ako.

"Saan po ang masakit, Ma'am?" the assistant asked me.

Hindi ko alam kung bakit gusto kung umirap. Kung hindi ko lang napansin agad ang malalim na titig ni Keene sa akin, baka ginawa ko na nga. I sighed heavily.

"Kanan."

Lumapit si Tito sa amin pagkatapos ng ilang tawag. "I can't stay here for long. Kailangan ako sa ceremony. I will let you here for a while, kay Emy kita pababantayan at saka kay..." Tito looked at Keene. "... kay detective. He's one of the guard in the event kaya pwede kita sa kanya ibibilin muna. Whatever happens to you, he's accountable. I'll be just quick at babalikan kita agad dito. I'll ask another security to guard you here."

Hindi na ako nagprotesta pa. Alam ko ring hindi lang ako ang kailangan asikasuhin ni Tito. Keene and Tito talked for a while before Tito finally walked out. I don't know why it was suddenly so easy to Tito to let me stay with Keene gayong kung ibang tao 'yon, kahit pa security ng station, hinding-hindi niya kami basta-basta ibibilin.

Maybe because Keene is part of the police force that's why he's confident as that?

The doctor asked few questions about what happened and Keene was the one entertaining him. He looks serious while listening to all the doctor advices that I was kinda intimidated. Para siyang... manager ko. Pwedeng pamalit kay Tito.

"Emy," Keene called the P.A after the doctor was done to his advises.

"Ay kambing!" Napahawak si Emy sa dibdib niya dahil sa gulat. "Sir? Sir? Tinawag niyo ako, Sir? Bakit po?"

"Pabili ng tubig at pagkain sa labas. Ayos lang?"

"Huh? Oo naman, Sir, uy! Sige po, sige po!" Inabutan siya ni Keene nang pera at pagkatapos ay dali-dali ng umalis.

Kanina pa lumabas ang doctor pagkatapos lapatan ng bandage at lunas ang paa ko. Kaya ngayong wala na rin si Emy, kami na lang dalawa ni Keene ang naiwan sa kwarto.

I caught him staring at my foot, looking at it seriously. Kapagkunway marahan niyang hinawakan 'yon, tama lang para maramdaman ko. He, then, slowly turned to me.

"How are you feeling?"

I have a strong urge to swallow hard. Abnormal na naman bigla ang kalabog ng dibdib ko.

"A-Ayos na." Ngumiwi ako nang pagkatapos igalaw ng kaunti ang paa'y naramdaman ko ang sakit. "Medyo masakit pa rin."

"It will be okay..." masuyo niyang sabi.

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now