Spark 47

60 2 0
                                    


Chapter 47

Hara's Concert

Natulog agad ako sa hotel nang makarating sa Pilipinas. Hindi pa naman ibinenta ang bahay namin at balita ko'y nag-utos lang sina Mommy ng mga kasambahay para alagaan iyon kaya bubukod din ako roon. Maghohotel muna ako ngayon hanggang sa matapos ang concert ni Hara.

Nagising din naman ako nang tumunog ang phone ko sa isang tawag. Napangiti ako nang makitang si Hara iyon.

"Hindi ka ba talaga pupunta?" malungkot at may halong pagtatampo niyang tanong. "Kahit isang araw ka lang dito? Attend ka naman sa concert ko. Kahit ngayon lang! Ako ang mag bo-book ng flight mo pauwi!"

Pinigilan ko agad ang paglawak ng ngiti ko. She didn't know that I already book a ticket for her concert, let alone my arrival here in the Philippines. Hindi niya alam na ngayon ang uwi ko at mananatili na rito.

"Hindi talaga, e." pagsisinungaling ko.

"Kahit bumalik ka na agad pagkatapos ng concert! Grabe naman, e! Ilang concert ko na ba ang hindi mo napuntahan? Kahit isang beses lang, Shan. Kahit ito lang naman, oh."

I bit my lower lip and I suddenly feel guilty. Balak ko kasi talaga siyang isurprise sa concert niya pero parang gusto ko na lang sumuko ngayong parang ang lungkot lungkot niya!

"Hindi na nga makakapunta si Venn kasi may dadaluhang event. Si Irah, hindi rin makakadalo. Ikaw ang pinaka inaasam-asam ko ngayon tapos..." she sounded so sad again.

Kinokonsensiya ako nito, e!

"I'm so sorry," nalungkot din tuloy ako. "Baka rin kasi hindi na ako makakahabol-"

"Makakahabol ka pa! Bukas pa naman sa gabi ang concert! Kahit malate ka, ayos lang, Shan. Basta makapunta ka."

Kaunti na lang susuko na yata ako!

"Sorry talaga, Hara."

Natahimik siya. Ramdam na ramdam ko lalo ang dismaya at lungkot niya, hinahatak pa yata akong itigil na 'to at umamin na!

"I'm really sorry."

"Ayos lang," namamaos niyang sabi. "Alam ko rin namang may pinagkakaabalahan ka rin. Gusto ko lang talagang makadalo ka. This concert is very special for me. Gusto ko naroon kayo. Lalo ka na..."

Nalungkot naman ako. Akala ko aabot pa talaga sa puntong mapapaamin akong dadalo. Mabuti na lang at bigla siyang nagpaalam dahil tinawag na raw ng manager. Mukhang nasa practice pa siya at isiningit lang talaga ang pag tawag sa akin.

Bumawi na lang ako. Wala akong ginawa buong araw kundi ang bumili at mag-order ng mga merch niya. Pagdating ng concert ay nagtyaga rin akong pumila. Bumili pa ako ng mga gifts para masurpresa ko mamaya.

I didn't call the other members since gusto ko talaga silang isurpresa isa-isa. We communicated to each other pa rin naman for the past years. Miminsan ay nagkikita rin kami sa Abu Dhabi at sa ibang bansa. Pero may mga pagkakataon talagang hindi ko sila nahahagilap dahil sobrang busy na rin. Kagaya ngayon.

Sa kanilang tatlo, si Hara ang palagi kong nakakausap. Paano, e, kahit abala siya'y hahanap talaga siya ng oras para makatawag sa akin. Minsan, siya pa ang pumupunta sa ibang bansa para makita ako. Minsan ay silang dalawa ni Venn pero madalas ay siya lang isa.

Si Irah ang bihira kong nakakausap. Kinareer niya yata talaga ang pagiging lowkey at pagiging out of the social world. Busy rin siya sa fashion line at boutique niya kaya iniintindi ko na rin.

Maraming tao sa Araneta. Seeing the waves of people bringing their colored lightstick and banners is nostalgic. Isa ito sa mga namiss ko. Ang magperform, marinig ang cheers ng mga tao, at ang makaharap ang sandamakmak na tagasuporta.

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now