Spark 45

80 1 0
                                    


Chapter 45

You Promised

Kung hindi lang kumalat 'yon ay hinding-hindi ako aalis. Hihintayin ko siya hanggang sa masaksihan ko mismo ang pagbabalik niya. But I got worried about the issue that I can't help but do something.

Many intrigued me about it. I hate the attention too much. Gusto kong sumabog sa frustration noong muntik na akong ma-trap ng iilang ligaw na reporters. I was just glad I was able to escape it, they didn't get any statement from me.

Pinili pa talaga nilang magkalat nang ganito gayong problemado ako kay Shiana. It's making my patience shorter. Hindi pa nakakatulong na kahit sa office ay iniintriga ako ng mga katrabaho.

"Totoo 'yon, Alvarez?"

"Naks! Dream come true ba?"

"Akala ko ba ayaw mo sa mga celebrity?"

"Nag-GenSan kayo? Kaya pala nagleave ka noong nakaraan! Masikreto talaga 'to! Di nagkukuwento ng lovelife!"

Binalewala ko silang lahat at inabala na lang ang sarili sa pag tawag sa mga tauhan ko. They still have no update for Shiana pero patuloy nilang tinitrace. They have a lead na nasa Baguio pero hindi ko pa kayang umasa dahil hindi pa sigurado.

Nababaliw lang ako lalo habang iniisip ang lahat.

Baby, please...

Kinagat ko ang labi ko at tinawagan ang inutusan kong tracker.

"How was it?"

"Going there, Sir. May lead na kami kung sinong uploader pero kailangan pa rin makasiguro. Reported na rin ang mga videos and articles. Anytime, it will be suspended and gone."

Hinilot ko ang sentido ko. Someone approached me and it was the frustrated Inspector Sansha Rivera.

"It is not true, right?" she immediately bubbled. "You're always out these past days but of course it's not for her! May hinahawakan kang kaso! And the last time I remember, you hated her guts. You hated celebrity! It's so impossible! Huh! This media bubbles a lot, really. It's maddening!"

Tamad kong nilingon si Inspector Rivera. As much as I want to tell her that I am dating Shan, ayoko namang ipagmayabang iyon sa ganitong pagkakataon. Ayoko lalong pangunahan si Shiana.

"Deny it, Klein! You have the right to deny it kasi hindi naman totoo! Magbigay ka ng statement, kahit itanggi mo lang para tantanan ka na! It's not as if it's true that you're dating her anyway!"

"Stop it." I said impatiently and walked pass through her. Pagod na ako at may kailangan pang asikasuhin. It's frustrating me. Sana naman huwag na siyang dumagdag.

"Saan ka pupunta?" aniyang sinundan pa ako. "You'll go to the reporters? You better! Itanggi mo 'yon nang hindi ka na guluhin. Wala talagang ibang dala 'yong artista na 'yon kundi ang manggulo! Nananahimik ka lang din dito tapos ngayon bigla-bigla kang guguluhin? Paano ka ba biglang na-involve sa babaeng 'yon? Is she the mastermind of this? She's that obsessed with you? She doesn't know anything but to inflict chaos—"

Natigil siya pagsasalita nang bigla ko siyang hinarap at matalim na tiningnan. Her eyes grew big when she saw my mad reaction. Napahinto siya at kinabahang napatitig sa akin.

"Stop talking shits about her in front of me."

"W-What?"

Tinalikuran ko ulit siya, nagpipigil na ng galit. Nagtiim-bagang ako. She followed me again.

"It's true anyway! She doesn't understand that your life needs privacy! Kung sanay siya sa atensyon, ikaw hindi. Alam niya sana 'yon! Hindi itong dinadawit ka niya sa ganito!"

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon