Spark 11

79 0 0
                                    


Chapter 11

Addressing Him

I was too shock. Tulala ako pagkatapos sabihin ni Inspector Rivera 'yon at kahit gustuhin kong magtanong pa, hindi ko na nagawa dahil tinatawagan na agad ako ni Tito na bumalik.

I was too pre-occupied with it the whole day. Ang pag survive sa interview namin nang hapong iyon ay tila isa pang malaking milagro sa akin. I was thinking too much about it that my head already hurts.

"He's Klein, Shiana. He's Klein. Not Keene..." paulit-ulit ko 'yong sinabi sa sarili ko habang nasa kwarto ako at nagpapahinga na.

I was physically tired from the practice and now, mentally exhausted. I looked at the crumpled sheets of paper on my bed. I was trying to compose some lyrics for a song pero nahihirapan na akong magpokus.

I keep thinking about Keene being Klein Jee Alvarez.

Kaya ba palagi niyang sinsabing hindi siya si Keene?

Because he's really Klein? He changed his name the moment he was adopted by the Alvarez?

Magkatunog lang din ang pangalan ng dalawa. That is maybe the reason why no one corrected me about it. They thought I spoke it right all this time.

Parang hindi pa nagsink-in 'yon sa utak ko.

Kaya pala hindi ko matagpuan ang mga information niya sa social media! It's Klein Jee Alvarez and not Keene Alvarez.

Damn! Kay tanga naman talaga.

Para akong tangang nahirapan na talagang makatulog sa gabing 'yon. Kinabukasan, hindi na ako pinayagan ni Tito na umalis sa tanghali dahil finalization na sa rehearsal namin bukas. Sisimulan na kasi namin ang shoot sa music video namin kapag masterized na namin ang lahat.

But then, bumisita pa rin ako sa police office bandang alas kwatro ng hapon. Hindi nila inaasahan kaya nagkagulatan pa sila. Nakita ko pang mabilis nilang nilinis ang mga pagkaing ipinadala ko kaninang tanghali na hindi pa nila nauubos hanggang ngayon.

"Ms. Shan!"

"Wow. Nakabisita ka!"

"Good afternoon!"

My eyes stayed at the food for a while before I smiled at them. "Uh, good afternoon. Nakakadisturbo ba ako?"

"Hindi naman. Mag-o-off duty na rin ang iba maya-maya. Bakit ka nandito sa ganitong oras, Ms. Shan? Namiss mo ako?" si Inspector Tinada ang sumagot sa akin.

Napansin kong kaunti na lang sila roon. Mukhang umalis lang sandali ang iba dahil nakita kong makalat pa ang mga table nila. Keene—I mean, Klein's table was clean, though. Hindi ko alam kung malinis lang ba talaga siyang mag trabaho o malinis 'yon dahil off duty na siya.

"Nasaan ang ibang mga kasama niyo?" I asked Inspector Tinada.

"Nag-imbestiga siguro. Ang iba'y may dinaluhang simulation. Babalik naman ang mga 'yon. Halika! Kumain na muna tayo nitong mga dala mo."

I only smiled briefly. "Hindi na. Si Keene? I mean, Klein... Si Klein, nasaan?"

"Ah! Lumabas lang silang dalawa ni Inspector Rivera saglit. Nagpatulong si Detective sa kanya."

"Ganoon ba?" Unti-unting lumiit ang ngiti ko. "Babalik pa ba siya?"

"Mukhang. Nandiyan pa gamit ni Inspector Rivera, e."

Tumango ako. "Uh, dito pala nakadestino si Inspector Rivera?"

"Oo. Kaunti lang kaming Inspector dito. Detective force kasi ang office na 'to at saka iilang matataas na ang rango. Bakit? Ayaw mong nandito siya?"

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن