Spark 9

78 0 0
                                    


Chapter 9

The Policewoman

"Ugh! I think I'm gonna die!" reklamo ni Hara na bumagsak agad ang katawan sa sofa.

Magkasabay ding bumagsak si Venn at Irah sa couch. Ganoon din ako na agad isinandal ang batok sa backrest ng upuan.

Sobrang exhausted kami sa mga nagdaang araw. It's been almost a week of our straight duty. Meeting, photoshoots, rehearsals... all of it are draining us so bad. It wasn't this way before. Ngayon lang kami sobrang naging busy na naging rising group na.

I don't know if I should be grateful for that or what.

"My gosh. Mamamatay na yata ako! Wala akong maayos na pahinga. Grabe naman 'to!" si Hara ulit. Kahit pagod kaming lahat, iyong bibig niya, ang dami pa ring energy.

Huminga nang malalim si Irah, inaantok na. "We can rest tomorrow. Hindi na yata masyadong hectic bukas."

"Pero may rehearsal pa rin tayo, diba?" si Venn.

Iyong bagong music na in-offer sa amin ay ginagawa na naming music video ngayon. For days, we spent most of our hours rehearsing everything. The viewing, the recording, the dance practice, the concept of the music video... everything in the rehearsal is draining us. Everyday.

Twice lang yata kaming nakapag-photoshoot. Iilan lang din ang meeting. The whole week, it's the rehearsal. Hanggang ngayon, hindi pa namin masterized masyado. Hindi pa rin namin naishoot. More on practice pa kami.

"Bukas ay half-day lang ang practice natin. Sabi ni Tito Madrid, sa hapon ay pipili tayo ng questions para sa interview na gagawin natin sa magazine. I can't believe na nagawa pa rin niyang isingit 'yon sa dinarami-rami ng ginagawa natin." si Irah.

"Mas hindi ako makapaniwalang attentive ka pa sa mga reminders niya kanina, Irah. Grabe! Antok na antok na ako!" si Hara.

Ako rin. Parang mahuhulog na ang mga mata ko.

"Monthly idol daw kasi 'yon at ang Girls' Sentinels ang naselect kaya kailangan nila tayong ifeature. Tito agreed because that magazine is going to be one of our sponsor soon." Humihikab ng sabi ni Irah.

Tumango na lang kami dahil wala naman na kaming magagawa. It's part of our work. May mga panahon talagang parang impyerno ang buhay namin sa industriya. Pero hindi naman palagi. We also have time that we're acting like princesses in a kingdom.

Pero ngayon, sobrang hell talaga.

Kahit inaantok ay pinilit ko pa ring tumayo para mag skincare at mag-ayos ng katawan. That was just the moment that I got to check my phone too. Buong araw kong hindi nacheck 'yon dahil kapag breaktime ay mas pinili kong magpahinga kaysa sa magphone.

I instantly smiled when I saw the pictures of the police office today. It was sent earlier by the food's crew pero ngayon ko lang naicheck. I noticed that they have another foods in their table that's out of my order.

Wow! Natuto na silang mag-order ng sarili nilang pagkain ngayon?

O baka naman nahihiya na sila?

Kahit kasi sobrang busy ako at halos sa dance studio lang namamalagi, hindi ko pa rin kinakalimutang padalhan sila ng foods.

I just wished I can do it with myself now.

I wanna see Keene so much.

And I want to thank him because I guess he's letting me do what I want to their office now.

Pero teka... maluwang kami bukas! Pwedeng ako na ang maghatid ng pagkain!

Parang nawala ang antok ko sa naisip. I smiled inwardly. Oh my gosh! Iyon na yata ang pinakamagandang pamalit sa impyerno namin nitong mga nakaraang araw!

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora