Spark 51

68 3 2
                                    


Chapter 51

We Talk

It took me time before I decided to approach the lady in the front desk.

"Hi..." I greeted with a low and hesitant voice.

Lumingon siya sa akin at nakilala agad ako. "Good morning. Ikaw pala ulit, Ma'am."

I can sense how her good mood lossened up a bit. I smiled. "Uh—"

"Hindi po talaga tumatanggap ng kahit anong appointment si Sir ngayon, Ma'am. Pasyensiya ka na."

Nanatili ang tingin ko sa kanya. Diretso rin ang titig niya sa akin, ngayon ay tuluyan ng nawala ang ngiti. I didn't mean to ruin her good mood so I tried to smile again to bring it back. Kaso nananatili siyang seryoso.

"Pwede po ba ako magtanong?" I asked.

She nodded formally. "Ano po 'yon?"

"'Yung babaeng kausap mo ngayon lang, sino po siya?"

"Kilala po siya rito. Bakit niyo po naitanong?"

Kinagat ko ang labi ko. "I heard her saying she has no appointment to Klein but she's—"

"Iba po si Ms. Dee, Ma'am. She's very special to Sir Klein. Hindi po siya kliyente. Mas lalong hindi siya basta bisita lang." naiirita na niyang sabi.

Umiling agad ako at ngumiti, natataranta dahil ayaw ko siyang mairita. Hindi ko naman sinasadya. Nagtatanong lang ako.

"I understand. Naiitindihan ko. I'm sorry. I guess, I just really want to talk to Klein—"

"Hindi nga po siya pwede, Ma'am."

"I know! I know! Please don't be mad." I said softly. "Nagtatanong lang ako."

"Ang kulit niyo po kasi. Sinabing hindi pwede si Sir." Lalo lang siyang nairita ngayon. "Umalis na lang po kayo. Baka maabutan kayo ni Sir dito, mapagalitan po ako."

"I'm so sorry but..." I bit my lower lip. "Hindi ko ba talaga siya pwedeng makausap? Kahit ilang minuto lang?"

"Hindi nga po."

"Just a minute or two? Promise, I'll just tell him something and I'm done. I swear!"

"Ma'am, please. 'Wag na po kayong makulit. Umalis na lang po kayo."

"Pero bakit 'yong babae..." binulong ko lang 'yon kaya hindi ko inaasahang maririnig niya dahilan nang mas lalo niyang pagkairita sa akin.

Kulang na lang ay itulak na niya ako roon makaalis lang kung hindi lang nagsalita ang pamilyar na boses sa likod ko.

"What's the matter in here?"

Mabilis ang naging pamumutla ng babae. "S-Sir..."

Dahan-dahan akong tumalikod at sinalubong ang seryoso at nakakapagpanginig na titig ni Klein sa akin.

Napaawang ang bibig ko. Hindi ko napigilan ang sariling mapatitig nang sobra at mapatunganga sa mukha niya.

I wanted to tell him so many things. I wanted to tell him that three years ago, I had my best realization in life and that is... my feelings for him. That I like him for real. I like him so much in his version. I liked him himself. I like him not him as Keene, but him as Klein Jee. Bago pa lang ako umalis sa Pilipinas, alam ko ng gusto ko siya. Mahal ko si Klein. Si Klein ang minahal ko at hindi si Keene. Hindi ko lang matanggap noon dahil sa galit at dismaya ko sa mga pangyayari.

Naniniwala akong impossibleng nagustuhan ko lang siya dahil akala ko, siya ang kababata ko. Impossible dahil noon pa mang inakala kong siya si Keene, napansin ko na ang pagbabago niya. Pero nagawa ko pa rin siyang nagustuhan.

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now