Spark 4

85 0 0
                                    


Chapter 4

Handsome Police

"Ayokong umalis, Shan. Hindi kita iiwan dito. Ayoko. Ayoko."

Umiling ako at suminghot, pinipigilan ang sariling huwag maiyak sa harap niya.

"K-Kailangan mong umalis, Keene. Hindi ba't pangarap mo 'to? Gustong-gusto mong magkaroon ng pamilya para makapag-aral ka at matupad mo ang pangarap mong maging detective, hindi ba? Sinabi mo 'yon sa'kin. Heto na 'yon, Keene. Magkakaroon ka na ng pamilya. At hindi ba sabi mo, gustong-gusto mong ang pamilya Alvarez ang umampon sa'yo kung saka-sakali? Dahil mabubuting tao sila at mapag-alaga sila sa atin?"

"Pero ayokong umalis... Hindi na lang ako aalis, Shan. Dito na lang ako. Ayaw kitang iwan."

"Keene..."

Inabot niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon. Mangiyak-ngiyak ang mga mata niya habang nagsusumamong tiningnan ako.

"Hindi kita iiwan. Dito lang ako, Shan. Dito lang ako. Sasabihin ko na lang kay Mama na hindi na ako sasama sa kanila. Ayaw kitang iwan dito, Shan. Mamimiss kita. Hindi na kita makikita. Mababaliw ako."

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Sa murang edad ko, nagawa na niya akong saktan ng ganito.

Ayokong maghiwalay kami. Ayaw ko ring mawalay sa kanya. Pero ayoko ring ipagkait ang magandang future na naghihintay sa kanya.

At alam ko... naniniwala akong magkikita pa ulit kami.

Pinisil ko ang mga kamay niya. He was sixteen years old back then and I'm twelve. Kinukurot ang puso ko habang tinatanaw siyang umiiyak at mahigpit ang hawak sa akin, nagmamakaawang pigilan ko siya sa pag-alis.

I wiped my tears away. Kinuha ko sa bulsa ang ginawa kong necklace para sa kanya. It's full of white tiny beads and then the two lettered beads with 'K' and 'S' as a pendant.

Tumingyakad ako at isinuot ko 'yon sa kanya. I smiled sadly at him.

"G-Ginawa ko 'yan para sa'yo. Huwag mong iwawala, Keene. Gusto kong makitang suot-suot mo 'yan kapag nagkita tayo ulit."

"S-Shan..."

"Ayoko ring malayo sa'yo. Gusto kong dito ka lang. Pero gusto ko rin makitang natutupad mo ang mga pangarap mo, Keene. Kaya please, huwag ka ng mag-alinlangan. 'Wag mo na akong isipin dahil kahit ilang taon pa ang magdaan at malayo man tayo sa isa't-isa, hihintayin na hihintayin pa rin kita."

"Shan..." He started sobbing.

Niyakap niya ako nang sobrang higpit. Ibinaon niya ang mukha sa leeg ko at doon siya humagulhol.

"B-Babalik ako... Babalikan kita. Hintayin mo ako, Shan. Pakiusap, hintayin mo ako."

My tears fell more. "H-Hihintayin kita, Keene."

"Goodbye, S-Shan."

"Goodbye, Keene."

Unti-unting nawala ang ngisi ko nang maalala iyon. Iyon ang huli naming pagkikita noon. I gave him the same necklace he's wearing right now.

Kaya bakit pa niya itinatangging kilala niya ako? Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ayaw niya akong kilalanin?

"You can't hide from me forever, Keene." sabi ko, biglang lumungkot ang boses.

Napalunok siya at nakita ko na namang pinukpok niya ang kanyang dibdib. Hobby na nga yata niya 'yon. Hinawakan niya ang necklace na suot at umatras siya papalayo sa akin.

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now