Spark 38

48 1 0
                                    


Chapter 38

The News

"Who's your son?" I asked Tita Loren again because she just can't answer me.

Nanginginig ang kalamnan ko. Hindi ko alam kung bakit parang sasabog ang aking dibdib. My eyes watered and for some reason, my heart was so painful.

May itinatago ba sila? May hindi ba sila sinasabi sa akin?

"You c-can't explain it to me?" tanong ko. Nang hindi sila sumagot ay mapait akong tumango. "Then, should I figure it myself?"

"Shan..." humakbang papalapit sa akin si Mommy, nanginginig. "Shan..."

"Y-Yes, Mom." I answered calmly pero hindi na naiwasang mabasag ang boses ko.

Mommy looked so hurt hearing my voice. She bit her lower lip, mas lalo kong naramdaman ang matinding takot niya.

"H-How much do you hear?"

I can't believe it.

"Already enough to understand that... I don't know who's the person I'm really dating?"

"Shan, that's not—"

"Then what's the meaning of that, Daddy?" putol ko kay Daddy na puno na rin ng pangamba ang mukha. "Deny it just once and I swear, I'm gonna forget everything and believe you."

They didn't speak again. Mommy was already crying. My voice sounded so pathetic, para ng nagmamakaawa. Isang tanggi lang nila sa lahat ng mga narinig ko, katotohanan man 'yon o hindi, ipinapangako kong kakalimutan ko ang lahat. Paniniwalaan ko sila at magpapatuloy ako.

But they didn't say anything. It made me so fucking horrified. Unti-unti kong naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko, ang kaba at takot sa puso ay mas nadepina.

I was waiting for them to explain everything pero napunta sa walang saysay ang paghihintay ko nang lumapit ang isang nurse kila Mommy at tinawag sila dahil sa isang emergency patients. Mommy looked at me but she didn't hesitate to leave me for the patient. Isang tingin lang din ang iginawad ni Daddy sa akin bago sumunod kay Mommy.

Naiwan kaming dalawa ni Tita Loren doon, parehong walang nagsasalita.

I opened my mouth and almost laugh in disbelief. Nahulog ang isang butil ng luha ko. I wiped it away and turned to Tita Loren.

"W-Wala po ba kayong ipapapaliwanang sa akin?" I said. "O itanggi?"

Hindi siya sumagot. Saglit lang na tumitig sa akin pero nag-iwas din ng tingin at nilampasan ako, iniwan akong nag-iisa roon.

Parang dinudurog ang puso ko. I never felt this futile. It was as if my presence doesn't matter. It was as if I didn't deserve any explanation after hearing them.

Am I?

I just want them to deny it. Kung hindi nila itatanggi, then, ipaliwanag nila! Hindi itong iniiwan nila akong nalilito, naguguluhan at parang pinagkaitan ng katotohanan!

My heart felt so heavy that I chose not to go in the station. Diretso akong umuwi sa bahay at nagkulong sa kwarto. I just told Tito that I wasn't feeling well and I can't come over. After that, I spent my whole time overthinking in my room.

It's so unfair. Gusto ko lang itanggi nila, sabihin nilang nagkamali lang ako ng dinig at hinding-hindi ko maiintindihan ang usapan nilang 'yon, pero hindi nila ginawa. If they can't deny it, then I'd assume it's true! That I'm hearing everything right!

Ang bigat-bigat sa dibdib, iniisip ko pa lang na totoo ang lahat ng mga naintindihan ko sa usapan nila. I felt my heart shattered too much. It's making me entirely weak.

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now