Spark 29

68 0 0
                                    


Chapter 29

I'll Come

Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero siguro nakapagtanong-tanong na siya nang makita ang patches sa braso ko. I sighed calmly, hoping for him to be calm too because he really looked mad and furious.

"Hindi ko kilala. He's just one of those aggressive fans and it's natural in our work. Nothing to worry about, Klein." kalmado kong usal.

"Nothing to worry about? Nasaktan ka at nagkasugat, tapos sasabihin mong walang dapat na ipag-alala?"

"Ayos lang naman ako."

"Just because you're fine, it doesn't mean what he inflicted on you will be fine too, Shiana! Hindi ka ba naprotektahan nang maayos ng mga bodyguards niyo? Your manager? How about your agency? How will they action towards this? You are their artist and they are accountable to this! It's their job to protect you."

"Klein, I'm fine." Tumayo ako at nilapitan siya dahil badtrip na badtrip talaga. Gusto kong isiping overacting lang siya pero sa galit at pagkabadtrip niya ngayon, I'm sure he's really worried and not overacting.

"It's not fine for me," mariin at pagalit niyang usal. "I'll talk to your manager-"

"It's no need-"

"I'll talk to him and ask the details of that fucking fanboy, Shan! Bakit hinayaan lang 'tong palampasin ng agency mo?"

Bumuntong-hininga ako. "They still didn't know. Siguro ipapaalam pa ni Tito mamaya sa meeting namin."

Hindi siya nagsalita but his shoulder was moving up and down because of heavy breathing. He looks really mad. Lumapit pa lalo ako at hinawakan siya sa braso. Tumingin siya sa akin, matalim pa rin ang tingin, bago bumagsak sa kamay kong nasa braso niya. His eyes became more angrier when he saw my hurt arm again.

"Ayos lang ako, okay? Maliit lang naman at gagaling din 'to ng ilang araw. Stop worrying now, hm?"

"Ipapahanap ko-"

I slightly pushed him. Talaga bang hindi niya mapapalampas 'to?

"Aksaya lang 'yon sa oras at hindi na naman kailangan, Klein! Tito assures me this will never happen again."

"Because that should it be, Shiana. Dapat nga ngayon pinahanap na 'yon-"

"Hayaan na at sigurado naman akong hindi na 'to mauulit, Klein! Come on, please. Let's not make this a big deal. Ayoko ng gulo at marami pang iisipin."

Nawalan siya nang imik at malamig lang akong tiningnan. I smiled to assure him that I really am fine. Nagtagis ang bagang niya at pakiramdam ko'y mas lalo lang siyang galit na nakangiti ko. I smiled wider.

"Why are you here, by the way?" Luminga ako at nakitang kami na lang dalawa sa practice room. Wala na rin sina Hara. I looked at my watch and saw that it's already five and half an hour!

"Binisita ka," salubong ang kilay niyang sagot, tila nagtataka kung bakit ko pa tinatanong 'yon.

Tumango ako. "You should go now. We have a meeting by 6 for some briefing and discussions."

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now