Spark 58

93 1 0
                                    


Chapter 58

Break Up

I have another interview the next day. Medyo nade-drain ako sa kaunting guesting na pinaunlakan. Ayoko ring tanggihan dahil maayos naman iyon. Ngayon lang 'to dahil kasagsagan pa ng pag-angat ng album. I know I'm gonna missed all of the hectic works after everything.

I met some of the old friends and celebrities after some guestings and interviews. Pati ang grupo nina Isaac at iba pang Filipino group ay lugod na lugod na makita ulit ako. They greeted me warmly and invited me for a party in a club, na tatanggihan ko sana dahil mamayang gabi gaganapin at gusto kong magpahinga, pero dahil kasama sina Hara, Venn at Irah, wala na akong magawa.

"Mamaya, Shan, ha? Sige na! Nandoon naman sina Irah, Venn at Hara, e! Hindi ka mao-OP do'n!"

Umiling ako at natawa kay Isaac. Para na siyang maiiyak kakumbinsi sa'king sumama sa party mamaya. Birthday kasi ng isa sa kaibigan nilang kasama at kakilala rin namin sa industry noon.

"Hindi naman 'yon, Isaac. Gusto ko rin kasi sanang magpaayos ng sasakyan ngayon-"

"Punta ka na, please! Ngayon ka na nga lang namin makakasama ulit. Ilang buwan na simula noong huling party natin, e. Kakauwi mo pa lang nun!"

"Hay naku! Sasama 'yan sa amin mamaya, Isaac. Huwag kang mag-alala at pipilipitin ko tenga niyan." si Hara na hinila agad ako papalayo roon. "Aalis na kami. Isasama ko 'to mamaya. Huwag kang mag-alala!"

"Thanks, Hara. Punta rin kayo, a! Ang daming naglo-look forward na makita kayo. Magtatampo talaga kami kapag wala kayo roon!"

"Taray. Magtatampo pa."

Isaac only laughed.

I lazily looked at Hara who's pulling me away from our friends. May ininguso-nguso siya kaya taka kong binalingan ang direksyon. Natigilan ako nang makita ang lalaking nasa lobby, nakaupo habang magkahiwalay ang mga binti at parang may hinihintay.

"Kanina ko pa 'yan napansin diyan. Taray. Ilang araw na 'yan, ah?"

Nagtama ang mga mata namin ni Klein. Mabilis siyang tumayo nang makita kami. He's wearing a corporate attire, mukhang galing pa sa trabaho at hindi na nagbihis. Nanatili ang titig niya habang papalapit sa amin.

"Anong mayroon? Bakit palagi 'yang nasa paligid mo? Did he knew your sched? Lagi ko nakikitang nag-aabang sa'yo pagkatapos ng trabaho mo, e." si Hara.

Hindi ko siya masagot dahil hindi ko rin alam. Simula noong gabing hinatid ako sa bahay ni Klein, palagi ko na siyang nakikita sa pinagtatrabahuan ko. He wasn't disturbing my work at all pero kapag pauwi na ako, palagi ko siyang nakikita sa lobby or sa waiting area. Malalaman ko na lang na ako ang hinihintay niya kapag lalapit siya at tatanungin ako kung tapos na ba ako... gaya ngayon.

Tahimik kong pinagmasdan ang paglapit niya. Marahan ang mga titig niya sa akin, kagaya ng lagi. Unti-unting dumagundong ang kakaibang pintig sa dibdib ko.

"You done?" he asked huskily.

Narinig ko ang marahang pagsinghap ni Hara. Kalauna'y hindi na niya nakayanan at nag-excuse ng bibili muna ng maiinom, leaving me with Klein.

"W-What are you doing here... " At kagaya ng palagi kong tanong sa kanya, ginawa ko ulit ngayon.

"Hinintay kita. Tapos ka na ba?" sobrang rahan ng pagkakatanong niya, tila naninimbang.

My heart pounded frantically. "Tapos na."

"Uuwi ka na kung ganoon?"

"Uh, oo. Pero, uhm, may gagawin pa ako mamaya kaya uuwi lang para magbihis."

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon