Spark 23

69 1 0
                                    


Chapter 23

He Lost

Irah is shooting for her vlog right now. Bubuksan namin isa-isa ang mga natanggap naming gifts noong meet and greet kasama na 'yong mga gifts na ipinapadala lang sa amin sa station. Tawang-tawa tuloy ako kay Hara dahil siya ang gusto ng magkapag-vlog pero hindi pa alam kung anong ico-content. Panay tuloy ang reklamo niya.

"Siguraduhin mong hindi kami nagmumukhang racoon diyan sa video mo at baka ma-number one basher mo ako, Irah!" pag-iingay na naman niya.

We're in the dorm right now. Dito na nag-shoot si Irah dahil matatagalan kami kung ililipat pa namin ang mga gifts sa ibang lugar. Ang dami pa naman.

"Alternate tayo. Mauuna si Hara magbukas, sunod si Venn, tapos si Shan. Panghuli ako. Then you will going to tell kung sino ang naalala niyong nagbigay niyan sa inyo tapos ipapakita 'yong laman ng gift." Irah explained while she's setting up her camera.

I immediately smirked at Hara. "Oh, bawal plastikin ang reaksyon, ah? Di ka artista. 'Di rin naman bagay."

"Alam mo marami akong kakilalang ganyan ugali. Dumumi tapos hindi naka-ere namatay. Ingat ka na, Shan, ha? God bless." balik niya sa akin.

I chuckled hardly.

After a while, Irah started vlogging. Ang dami agad dinadaldal ni Hara na pakiramdam ko mga kwento lang niya ang nakapagpahaba sa recording. Natatawa tuloy ako dahil hindi talaga siya nauubusan ng sasabihin. Ang bawal tuloy ng usad.

"I think this gift was given to me by one of the celebrity na nasa meet and greet din. I just don't remember who." Venn stated. Pangatlong gift na ang bubuksan namin ngayon.

She opened it and revealed the maroon sling bag. Napasinghap kaming lahat dahil napakaelegante tingnan niyon. Venn smiled. She obviously likes it. Nagpasalamat siya saglit sa video pagkatapos ay wala ng sinabi. Nakatitig na lang sa bag ngayon.

I chuckled and randomly picked a gift from the table. It's my turn to unwrap now. Nakuha ko ang isang pamilyar na regalo. It's the small box given by that older woman. I smiled upon remembering it.

"I remember very well who gave this to me." I said as I face the camera. "She's a very beautiful woman. Sabi niya fan na fan daw ako ng anak niya. I was very greatful that time because she's so supportive and nice. She gave me this box and immediately left."

Nakatingin na rin ang tatlo sa gift ko. I smiled to the camera and waved. "Hello, Madame! If you're watching this, thank you so much for the gift. I hope your son keep supporting us. Thank you!"

I slowly untied the gift. I was excited to see what's inside it so I hurriedly opened it. Sabay-sabay na napasinghap ang tatlo nang makitang isang set of jewelries iyon—earings, necklace and bracelets. May mga initials pa ng pangalan ko.

"Wow! Personalize! Ang ganda!" manghang usal ni Hara na kinuha ang box para mas tingnan nang maigi.

"OMG. This is so elegant! Ang ganda-ganda!" si Venn.

I smiled widely because I was speechless. I'm so amazed too. It was really elegant and classy. I can't believe it! Ngumiti ako sa camera.

"I just got a personalized set of elegant jewelries. Thank you so much po, Madame! Nagustuhan ko ng sobra!" Ngumiti ako bago nilingon sina Hara. "Kapag 'yan kulang, unang suspek ka Hara."

"Shiana Erry Somil. S-E-S. OMG. This is so unique. Bigay mo naman sa akin ang isa, Tita!" si Hara.

Umirap ako at mayabang siyang ningisian. I looked back on the wrapper and went stilled when I saw a small note. Kuryoso ko 'yong kinuha at binasa.

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now