Spark 27

89 2 0
                                    


Chapter 27

Magkaibigan Lang

The moment we got in to his condo, inilibot ko agad ang paningin ko. It was wide and clean. Napansin ko agad ang pagka boutique hotel style nito. The interiors were manly and the colors are mostly a combination of black and white. It was totally decent. Makikita rin sa glass walls na natatakpan ngayon ng puting kurtina ang mga buildings ng Manila.

"Stay in the living room for a while. I'll just take a bath," aniya na kanina pa ako pinagmamasdan.

Mula sa glass wall ay lumipat ang tingin ko sa kanya. I caught him watching me closely. I nodded. He licked his lower lip and titled his head. Tumitig siya lalo sa akin bago unti-unting nag-iwas ng tingin.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Wala..." Umiling siya. "I was just wondering why you have that kind of face,"

"Huh?" I suddenly became conscious of myself. "Bakit? May mali ba sa mukha ko?"

"Tss." aniya. "Wala. Ganda nga,"

My lips parted a bit. Tumalikod siya at nagsimula ng maglakad nang hindi na ako nililingon pa. "Ligo na'ko,"

Nang tuluyan na siyang makaakyat sa hagdan ay saka lang nagsink-in sa'kin ang sinabi niya. I shook my head and chuckled. Di ko pa rin talaga nakukuha ang mga pagbabago niya. Pero tingin ko, nagugustuhan ko na at magugustuhan ko pa.

I took my time roaming around his condo. Walang kahit anong nakadikit sa mga dingding maliban sa iilang paintings. Pero may nakita akong isang katamtaman na frame sa itaas ng glass cabinet. I was shocked when I realized it was a framed picture of Girls' Sentinels! May litratong naka-fiercely look kami at may litrato ring candid, tumatawa kaming apat doon.

Lalo pa akong nagulat nang makita ko ang solo picture ko katabi ng mga iyon. It was my cutest and close-up picture at the media award last year. I was waving on the picture. Wow! He actually had this! What a fan boy!

I took picture of it and chuckled. Wala na akong nakitang ibang pictures namin doon. Baka nasa kwarto niya talaga ang marami kagaya ng ipinakita ni Tita Lorena sa akin kahapon.

Hm. Gusto tuloy makita. Pero mukhang hindi rito na kwarto niya 'yon. Mukhang sa bahay talaga nila.

Ilang sandali lang ay lumabas na si Klein, ngayon ay bagong ligo at bihis na. He was just wearing a dandelion men cardigan and a brown trouser. Hawak-hawak pa niya ang tuwalya at kasalukuyang tinutuyo ang buhok. Nasa malayo pa lang siya'y amoy na amoy ko na agad ang bango niya. Kaya noong lumapit ay para na agad akong nahipnotismo.

"Grocery tayo," aniya na kinakamot ang ulo. "Naubusan ako."

Shit. He smelled so good I just want to sniff him the whole day. Damn it!

"Okay..." I said softly, nanghihina na sa amoy at preskong itsura niya.

Pero sana naman hindi siya palaging naliligo kapag ganitong puyat siya at walang tulog.

"Samahan mo ako." aniya.

Tumango ako.

"Ayos ka lang ba?" aniya nang mapansing mahina na ang boses ko at tumatango na lang.

"Oo naman," I smiled and bit my lower lip.

Tinitigan niya ako. Tumikhim ako at mabilis na nag-iwas ng tingin. "Ngayon na?"

"Yes," aniya nang nakatitig pa rin.

"Tara,"

Ilang sandali pa siyang tumitig sa akin bago tumango at umakyat ulit sa hagdan. Nang makababa ay maayos na itsura niya. Nakasuklay na ang buhok at pinaglalaruan na ang susi ng sasakyan. May suot na ring black cap kagaya ko.

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon